Kabanata 2

7K 235 15
                                    

Breakfall

"Hindi pwede ito Celeste! Malaking pera na ang na-invest ko sa kompanyang iyon. Bakit bigla-bigla nalang silang magsasara nang walang dahilan?!"

Naudlot ang sana'y pagbaba ko ng hagdanan dahil sa malakas na boses na iyon ni Daddy kay Auntie Celeste.

"I don't know, George. Ang totoo nga nagulat din ako sa biglaan nilang pagsasara!"

"Tawagan mo si Attorney Gomez. Alamin mo kung anong hakbang ang pwedeng gawin. Then we'll see what we can do about it."

"Yes, George.." Tumalikod na ito kay Dad at diretso nang lumabas ng pinto.

Tuluyan na akong bumaba para lapitan si Daddy. Naabutan ko itong nakaupo sa couch habang sapo ang sariling noo.

"Dad, are you alright? Pasensya na narinig ko ang usapan n'yo ni Auntie." Hinaplos ko ang balikat nito at marahang dinampian ng halik sa pisngi.

Agad itong tumayo para harapin ako. He never fail to show off his warm smile at me kahit alam ko namang may problema. Mabilis nitong ginulo ang buhok ko kaya ngumuso ako ng bahagya.

"You're too young for this hija. Hindi mo pa na iintindihan ang lahat," he said in a low tone of voice.

I exhale softly. Alam ko nang iyon ang isasagot ni Dad sa akin. Ayaw n'ya akong i-pressure tungkol sa pagpapatakbo ng kompanya. He really wants me to pursue my own dreams and his later. Pero hindi 'yon ang gusto kong mangyari. Hanggat maaga ay gusto ko nang ihanda ang sarili ko sa mga problema na kailangan harapin kapag ako na ang nagpapatakbo ng kompanya. Besides, nan'dyan naman si Iverson at Auntie Celeste.

"Dad, I'm old enough to handle these problems. May isip na ako, kaya ko na Dad. "

Dad only gave me a nod, muli nitong ginulo ang buhok ko at inakbayan ako para igiya palabas ng Mansyon.

"Nagmana ka talaga sa Mommy mo, matigas ang ulo at hindi titigil hanggat hindi nakukuha ang gusto," he said with shaking head.

Again I jolted my lips. He's right, kay Mommy ko talaga nakuha ang mga katangiang iyon. My head lolled down to his shoulder and wrapped my arm around his midriff-body.

"I missed, Mom," I utter slowly.

Hindi ko mapigilan isipin ito kapag magkasama kami ni Daddy at kapag ganitong may problema sa kompanya. Gusto ni Daddy na katabi niya si Mommy na alam kong katuwang niya.

"I missed her too, hija..." Dad planted a kiss on my head.

Patuloy kaming naglakad hanggang sa marating namin ang trosong bakod kung saan naroon sa kabila ang mga kabayo at baka na malayang tumatakbo.

Hanggat maari ay ayokong banggitin si Mommy pag magkasama kami ni Daddy. Dahil halos hindi pa kami nakaka-recover sa pagkawala niya. Pero hindi ko lang talaga mapigilan, lalo na 'pag ganitong may problema.

Mom died at the car accident three years ago. I'm fifteen now, ibig sabihin tatlong taon na akong ulila sa Ina.

"Matayog ang pangarap ng iyong Ina para saiyo. She's always putting you first before her. Lahat ng ito ay pinaghirapan niya para sa kinabukasan mo," Dad says with solace.

White LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon