Kabanata 27

2.2K 113 10
                                    

Kabanata 27

Preparation

Sumapit ang araw ng Linggo. Ito ang araw na inaya ako ni Menchie na magpasukat ng gown na susuotin ko sa aking birthday party. 

Noong una ay todo tanggi ako ngunit nang makausap ko sina Manang Gloria ay naisipan kong anyayahan sila sa aking nalalapit na kaarawan.

"Aba'y pwede ko rin bang isama ang apo kong si Lotta?" Paalam ni Manang sa'kin.

"Pwedeng pwede ho, manang!" Nakangiti kong sagot sa telepono.

"Aba'y perstaym kong nakakasakay ng eroplano," aniya sa'kin bago humagikgik.

"Huwag ho kayong mag-alala. Kasama n'yo naman ang apo n'yo pati na rin sina Allan at Issay."

"Kung gano'n e, paghahandaan namin ang araw ng kaarawan mo. Mag-iingat ka d'yan palagi, apo ko."

I smiled widely. "Opo, kayo rin mag-iingat d'yan."

Binangit pa n'ya sa'kin kung dadalo ba si Ellwood sa pagdiriwang ngunit ko nasagot ang bagay na iyon. Alam ko naman na busy iyon pero para na rin hindi ako pag-isipan ng kung ano ni Manang Gloria ay sinabi ko na lang na inimbitahan ko si Ellwood.

*****

Ang planong kotilyon ay mukhang matutuloy na dahil sa ideya ni Menchie na anyayahan ang grupo nina Jonas. Sa ngayon ay wala pa akong napipiling 18th roses. Gusto sana ay si Ellwood iyon pero hanggang ngayon ay hindi ko pa makontak si Ellwood. Wala pa rin itong paramdam sa'kin.

Gusto kong magtampo dahil sa ginagawa niyang pambabalewala sa'kin pero alam kong wala naman akong karapatan. Ayoko nang maulit ang nangyari sa amin ni Iverson noon. Naging malaya akong ipahayag dito ang nararamdaman ko to the point na nawawalan na ako ng respeto para sa sarili ko. Kaya labis-labis rin ang sakit na hatid sa akin ngn kapangahasan ko noon.

"Ito best mukhang bagay saiyo 'to?" Itinaas niya sa'kin ang isang kulay pulang long gown dress.

Nangunot ang noo ko. "Mukang masyado 'yang revealing, hindi ko type." Umiling ako habang sinusukatan ng modista.  

"Saan ang revealing d'yan para pisngi lang ng dibdib mo ang kita dito, no!"

Bumaba ang tingin ko sa aking dibdib matapos ay ngumuwi. Kung sana'y maliit lamang ito na parang makopa tulad noon pero may umbok na ito ngayon at hindi na nagpapahuli sa malaking dibdib ni Antoinette.

"I said no." 

"E, para saan pa't nandito tayo? Alam mo mag daster ka na lang kaya?" 

Muli akong umiling dito at hinintay na lang na matapos akong sukatan ng modista. Matapos ay inabutan ako ng catalog na pwede kong pagpilian na design ng gown. Dahil wala pa naman akong ideya sa susuotin ay dito na lang ako nag-base.

Natipuhan ko ang colored champagne na corset gown. Hindi naman masyadong malalim ang uka sa bandang dibdib at medyo revealing na rin tingnan dahil sa spaghetti strap nito. Manipis ang yari nito sa bandang bewang na tinakpan naman ng maliliit na bulaklak doon.

Dahil availabale na ang gown na iyon sa kanila ay pinasukat na rin sa'kin ng modista ang gown na iyon.

"Wow! Grabe, bestie! Wala akong masabi!" Tila lumuwa ang mata ni Menchie nang makita akong suot ko na ang dress na natipuhan ko.

"Mas lalong bumagay saiyo ang kulay champagne dahil maputi ka na ma'am. Isa pa, parang sinukat talaga sainyo ang gown. Mukhang wala nang aayosin pa. Perfect na ang lahat," anang modista sa'kin.

Ngumiti ako. Tama ang sinabi n'ya kontento nga ako sa resulta at baka ito na rin ang susuotin ko sa party.

"Teka, pwedeng babaan mo ng konti sa bandang dibdib?" Hirit pa ni Menchie.

White LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon