Kabanata 38

1.4K 68 3
                                    

Kabanata 38

Kiss

"Si Jonas?!" ulit pa ni Issay.

Mataman naman akong tumango at tahimik na sinimsim ang alak sa aking baso.

"Ikaw naman boss, kamusta kayo ni Paraoah. Hindi mo sinasabi sa'kin na may chicks ka pala dito," ani Allan sa katabi ko.

Narinig ko ang bahagyang pag ngisi ni Ellwood sa aking tabi matapos 'yon marinig.

Bumaling naman ako dito na nakataas ang kilay habang hinintay ang magiging sagot n'ya.

"She's just an acquaintance," aniya matapos magkibit balikat.

Kumunot ang noo ko. Sa tingin ba n'y paniniwalaan namin ang sinabi n'ya?

"Loko ka talaga boss, mamaya maghabol saiyo 'yon, ikaw rin!" si Allan na pa-iling-iling lang sa sinabi ng huli.

"Hay, mga lalaki talaga." Hindi ko na napigilan pa ang mag komento habang pinapaikot sa kamay ang hawak na baso.

Sumulyap sa'kin si Ellwood kaya sinalubong ko naman ang tingin n'ya na siyang naka ngisi sa'kin.

"Huwag mo naman lahatin, senyorita. Ibahin mo kami ni Sir Ellwood. Kapag nagmahal seryoso at tapat!" Si Allan na kumindat pa sa huli.

Tumaas naman ang kilay ko sa sinabi n'ya. "Talaga lang, huh?"

"Totoo 'yan senyorita. Solid 'yan kung magmahal. Kung hindi lang talaga nabulag ni Zekiah si Meredith ay baka sila ang nagkatuluyan ngayon.

"Sus, hindi ka lang din umubra kay senyorita Meredith kaya hanggang ngayon masama pa rin ang loob mo," ani Issay kay Allan.

Meredith? Ito kaya yung tinutukoy nilang bestfriend ni Ellwood?"

"Ikaw talaga kung ano-ano 'yang lumalabas sa bibig mo. Mamaya maniwala si Venice saiyo," ani Allan kay Issay na panay naman ang irap sa huli.

"Ayos lang, sanay naman na ako sa asaran niyong dalawa."

"Ang sabihin mo talagang wala kang pag-asa kay senyorita Meredith!" Pinandilatan na ito ng mata ni Issay.

Ngunit agad ring natahimik ang dalawa nang ibaba ni Ellwood ang walang laman na baso sa lamesa.

"Ah, mukhang bagay naman kayo ni Paroah." Tatawa tawa nama si Allan habang sinasalinan nito ang baso ng huli.

"Paano naman si Pia?" Hindi ko na napigilang magtanong matapos ay bumaling dito na nakataas ang kilay.

Huling huli kong umigting ang panga niya sa narinig. Mabilis na tinungga ang laman ng baso at bumaling ng tingin sa'kin.

"I wouldn't expect you'll remember her," aniya sa mababang boses/

"Why wouldn't I? A woman wearing an outrageous dress?" I smirked.

Narinig ko ang lihim na pagtawa ni Allan at ni Issay sa aking sinabi. Tumingala pa ako kay Ellwood upang iparating sa kanya na seryoso ako sa sinabi.

"Oh, sorry. Ngayon ko lang napagtanto na mga gano'n babae pala ang taste mo. . . Paraoh and Pia, at yung sinasabi niyong si Meredith?" Tuluyan na akong humalakhak.

Dala nang tama ng alak ay tila hindi ko alintana ang pagtahimik ng dalawa sa aking harapan. Habang si Ellwood ay pinapanood lamang kung paano ko siya pagtawanan. Seryoso itong nakatitig sa'kin habang umiigting ang dalawang panga.

Damn it, lasing na yata ako.

Pero dahil seryoso din ako sa mga sinabi ko ay hindi ko pinansin ang naging reaksyon n'ya.

White LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon