Chapter 4

4.6K 173 2
                                    


[GRAMMATICAL ERRORS AHEAD]

ZIRA'S POV

"Zira! Tara sama ka na sa amin sa cafeteria" -Napangiti naman ako sa sinabi ni Lucio, agad kong inayos ang gamit ko saka tumakbo palabas dahil 'yong mga siraulo iniwan ako.

"HOY! HINTAYIN NIYO AKO" - Agad akong tumakbo saka tumalon sa likod ni Kaloy.

"Aray naman Zira, sa payat mong 'yan ang bigat bigat mo, bumaba ka diyan"- Imbis na bumaba ako lalo pa akong kumapit sakanya, wala siyang nagawa kundi magpatuloy na lang sa paglalakad.

"Halla ako din"- Tuwang tuwang sabi ni Aeron saka tumalon din sa likod ni Kitong.

"Tangina, bumaba ka nga Ae"- Tulad ni Kaloy, wala na din nagawa si Kitong. BWHAAHHAHAHA tinatamad kasi ako maglakad.

*cafeteria*

" Kami na mag oorder, anong gusto niyo?" - 'yong tatlong unggoy ang nag presintang omorder ng kakainin namin. Tatlong unggoy sino pa ba edi si Kitong, Kaloy at Lucio HAHAHAHAH.

"Hoy babae! anong gusto mo kako"- Napaturo naman ako sa sarili ko, malay ko ba sinong tinatanong niya. Napatampal naman sila sa mukha nila dahil sa kilos ko.

" Sino pa bang babae dito?"

"Hindi naman 'yan babae eh HAHAHA"- Sinamaan ko naman tingin ang nagsabi non. Nag peace lang naman siya.

"Bilis na mami Zira, mag order ka na nagugutom na ako"- Pagpapacute naman ni Ae. Psh ano ba maganda kainin ngayon? Aha

" 1 Lasagna, 1 Spag, 1 Chicken Joy, and drinks ay burger saka fries pa pala hihi"- Gulat naman sila sa mga inorder ko. Kaya nagtataka akong napatingin sakanila. "Bakit ganiyan kayo makatingin?" -Eh para silang tanga na nakatingin sa akin eh.

"Sigurado ka bang mauubos mo mga 'yon?"- Agad naman akong tumango. Wala na silang nagawa kundi umalis para kumuha ng pagkain namin.

" Sa payat mong 'yan? Ganon ka kalakas kumain?"- Tinignan ko naman ng masama ang katabi kong hudas. Opo siya po katabi ko ngayon. Tinulak kasi ako Kaloy kanina eh huhu.

"Ano bang pake mo?"- Pabalang na sagot ko saka siya inirapan. Sinamaan naman niya ako ng tingin. Nag belat lang ako sakanya psh pikon.

"Hoy babaita ito na ang mga pagkain mo, patay gutom"- Hindi ko na lang pinansin ang pang-aasar ni Kitong. Agad kong nilantakan ang pagkain na binigay niya. Pasensya na gutom lang.

Nagtaka naman ako ng tumahimik ang table namin. Kaya nag angat ako ng tingin. Nasa akin ang tingin nila.

" Byakit"- Kahit may laman ang bunganga ko nagsalita pa rin ako. Eh nakaka intense naman kasi ng tingin nila eh.

"Yoks Zira"

"Kadiri ka talagang babaita ka"

"Don't talk when your mouth is full. And please slow down, walang aagaw ng pagkain mo"- Naiirita namang sabi ng katabi ko. Sino pa ba edi si Hudas.

"Anong walang aagaw, tignan mo nga oh tinangay na ni Aeron ang manok ko!"- Nakita ko kasing dinukot ni Aeron ang manok ko huhu.

" Ahihi sorry Mi"- Psh wala naman akong magawa. Nakain na niya.

.........

Uwian na kaya agad akong nagmadali, mag aayos pa ako sa condo dahil may family dinner nga pala kami ngayon.

"Hoy pangit, bakit ka ba nagmamadali?"- Tanong ni Lucio. Wala pa ata silang balak umuwi kasi nakaupo lang sila.

"Oo nga pati si Boss oh nagmamadali"- Tinignan ko naman si Kib at nakita kong nagmamadali din siyang ayusin ang gamit niya. Psh saan naman kaya pupunta ang hudas na 'to.

" Halla wag niyong sabihin na mag dedate kayong dalawa?"- Nanlalaking mata na tanong ni Kitong.

"NO WAY!"-

" AYIIIEEE SABAY PA SILA OH"

"Shut up, i have a family dinner tonight." - Luh pati sila may family dinner. Bakit parang iba ang pakiramdam ko now.

"Eh ikaw Zira saan ka pupunta?"- Taas kilay naman na tanong ni Kaloy. Taray ng lalaking 'to amp.

"Family dinner din"- Bago pa nila kami asarin, tumakbo na agad ako palabas ng room. 'Yong tingin kasi nila pagkasabi ko non eh psh.

Hinanap ko agad ang kotse ko, sasakay na sana ako ng may napansin ako. Wtf bakit ngayon pang nagmamadali ako?

" Get in"- Agad naman akong napalingon ng may nagsalita sa likod ko. Oo nga pala same condo nga pala kami ni Hudas.

"Paano 'yong kotse ko?"- Eh kung hindi ba naman minamalas plat 'yong gulong.

Nakita ko namang may dinial siya sa phone niya. Pagkatapos niyang makipag-usap, tinignan naman niya ako saka nagsalita.

"Get in, tauhan ko na ang bahala sa kotse mo"- Agad naman akong napatango saka sumakay sa kotse niya.

Para namang may lamay sa loob ng saksakyan niya dahil sa sobrang tahimik. Hindi ako sanay huhu buti pa itong kasama ko sanay na, hindi kaya napapanis laway nito sa dahil minsan lang magsalita. Ni hindi ko pa nga nakitang tumawa o ngumiti man lang ang lalaking 'to.

" We're here"- Hindi ko namalayang andito na pala kami. Agad ko namang tinanggal ang seatbelt ko kaso kahit anong hila ko hindi ko matanggal.

"Tsk"- Agad naman siyang lumaput sa akin kaya napaatras ako.

" t-teka a-anong gagawin m-mo?"- Nauutal na ako dahil palapit na siya ng palapit sa akin. Hindi niya sinagot ang tanong ko, mas lumapit siya lalo, naamoy ko na ang pabango niya na masarap amoyin. Bigla na lang akong napapikit dahil sa sobrang lapit niya.

*ting*

"Pfft"- Napamulat naman ako ng narinig akong tumunog. Shit nakakahiya ka self inalis lang pala niya ang seatbelt ko. Namumula naman ako ng nakita ko siyang nagpipigil na tumawa. Agad naman akong umayos saka binuksan ang pinto ng kotse niya saka lumabas.

"T-thanks"- Medyo nautal pa ako sa pag thank you sakanya. Hanggang ngayon ramdam ko pa ring mainit ang pisngi ko. Shitty nakakahiya ka Zira. Bakit kasi hindi sinabi ng hudas na 'yon na tatangalin lang pala ang seatbelt psh.

Agad kong tinapon ang bag ko sa kama ko saka pumasok sa banyo para maglinis ng katawan. Sesermunan na naman ako ni Avi pag na late ako psh.

Pagkatapos kong maligo, agad akong naghanap ng masusuot. Isang simpleng White Tshort na may print na Pretty Girl saka Jeans. Hindi naman ako kagaya ng ibang babae na magsusuot ng kita na ang kaluluwa. Mas gusto ko ang simple lang.

Oo nga pala anong sasakyan ko papuntang restaurant, doon kasi ang Family Dinner namin eh. Plat ang gulong ng kotse ko huhu.

Lumabas na ako ng condo saka, bumaba para maghanap ng taxi. Shit ang init init pa naman.

"Get in"

The Only Girl [CGS #1] ✓Where stories live. Discover now