[GRAMMATICAL ERRORS AHEAD]
ZIRA'S POV
Kinabukasan hindi sana ako papasok kasi hindi maganda ang pakiramdam ko ngayon. Para bang may masamang mangyayare.
Btw sa isang condo ako nakatira, mas malapit kasi ito sa school saka isa 'to sa condition na binigay ni daddy.
/*I will always remember, when the day i kiss your lips~*/
Agad ko namang dinampot ang phone ko ng tumunog ito. Ng tinignan ko ito tumaas ang kilay ko. Anong naman kailangan ng babaeng 'to.
*Avery Caling*
[*What do you want?*] Ayan agad binungad ko paniguradong may kailangan na naman ang babaeng 'to. She's my sister Avery Hail Celesté.
[*Seriously my dear sister. Hindi pwedeng hello muna duh*] -Natatawa namang niyang sagot. Napairap na lang ako tsk.
[*Just tell me, why did you call*] -Hindi naman kami magkaaway, masanay na kayo ganito talaga kami kahit sa mga pinsan namin.
[*Patience sister HAHAHA btw dad call me to remind you that we have a family dinner later 7 pm with our cousins*] -Agad naman akong nabuga ng hininga sa sinabi niya. What now? Tsk.
[*Why? Bakit biglaan?*] -Tanong ko, hindi naman sila magpapatawag ng dinner if wala silang mahalagang sasabihin.
[*I don't know either, basta pumunta ka na lang okay sis? and please don't be late, bye*] - Saka niya binaba ang tawag, ako naman ay nag ayos dahil late na ako sa klase. Hindi ko napansin ang oras 7:00 am ang class namin at ngayon 7:30 am na.
Agad akong naman akong nagmadali saka ko kinuha ang susi sa study table ko agad na lumabas. Hindi ko na alam if nasarado ko ng maayos ang pinto ng condo ko. Wala namang magnanakaw dito kaya hindi ko na pinansin.
Agad namang bumukas ng elevator at bumunad sa akin ang gulat na mukha ng demonyo.
"What are you doing here Stupid Ugly?" -Saka ako sinamaan ng tingin. Sinamaan ko na rin siya ng tingin saka pumasok. No choice mas lalo akong male'late pag aarte pa ako.
"Hey, i said what are you doing here?" -Naiinis na niyang tanong. Tinignan ko naman siya ng may naiinis na mukha saka pabara siyang sinagot.
"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa sa isang condominium? Diba titirahan"- Saka siya inirapan. Nakita ko namang sinamaan niya lalo ako ng tingin, psh akala naman niya matatakot ako sa lagay na 'yan.
"Where's your big glasses Ugly nerd?" -Dahil sa tanong niya agad ko namang kinapa ang mukha ko.
"Sh*t" -Sa sobrang pagmamadali ko nakalimutan ko ang salamin ko. Agad ko naman hinarang ang buhok ko sa mukha ko. Mukhang napansin naman niya kaya agad niyang hinawakan ang kamay ko.
"So, you're not totally a nerd" -He hold my chin and pinaharap ako sakanya. Bigla naman akong umiwas dahil may naramdaman akong kuryente ng hawakan niya ang mukha ko. Bigla din tumibok ang puso ko sa hindi malamang dahilan.
Magtatanong pa sana siya ng biglang huminto ang elevator. Kaya agad akong tumakbo ng bumukas ito.
Sumakay agad ako sa kotse ko ng nakita ko ito. Ayokong makalapit sakanya hind pwede.
Nakita ko naman sa side mirror ko ang kotse niya. Kaya noong nakaabot kami sa school agad akong bumaba saka tumakbo patungo sa room.
Hingal na hingal ako ng nasa harap na akong last section. Kakatok na sana ako ng bumungad sa akin ang galit na mukha ng isang bakla.
"Your early for the first subject Ms. Celesté" -Napairap naman ako ng palihim sa sinabi niya tsk.
"Sorry Sir, traffic po kasi" - Palusot ko naman. Mas lalong tumaas ang kilay niya sa sinabi ko.
"Call me Madam Cora not sir, Intindies? " Agad naman akong tumango sa sinabi niya. Psh assuming hindi naman babae. Tinignan ko siya ng bigla siyang tumili ng mahina saka kumukinang ang mata niya na para bang nakakita ng ginto. Sinundan ko naman ang tingin niya at ganon na lang ako napangiwi ng si Hudas ang nakita ko.
"Good morning bebe" - Nasuka naman ako sa tawag niya kay hudas HAHAHHA bebe amputa ews.
Hindi naman siya pinansin ni Kib, basta na lang itong pumasok mahina naman akong tumawa ng nakita ko ang disappointment sa mukha ng baklang guro namin.
"What are you looking at? Pumasok ka na tse" - Napatawa naman ako ng tuluyan dahil naiinis siyang umalis sa room namin.
Pagpasok ko agad naman akong nilapitan ni Aeron.
"Good morning mama Zira" -Napangiti naman ako saka binati siya pabalik.
"Good morning Zira"
"Morning barakuda"
"Morning Zi"
"Morning pangit"
Nagulat naman ako ng sabay sabay nila akong binati ng mga kaklase ko. Wow does it means tanggap na nila ako?
"Anong nakain niyo? " - hindi pa din ako naniniwala na binati nila at nakangiti pa sila baka may binabalak na naman silang masama.
"Wala naman, saka ganda natin ngayon ah"- Napairap naman ako sa pambobola ng isa sa kaklase namin. Hanggang ngayon hindi ko pa din alam ang mga pangalan nila. 26 kami lahat sa room tapos ako lang nagiisang babae.
" Alam ko naman 'yon inborn" -Saka ako nagtungo sa upuan ko.
May lumapit naman sa aking tatlong lalaki. Kaya agad ko sila tinaasan ng kilay, kailangan ng mga 'to?
"Hi Zi ako nga pala si Kalix Jeminez, kaloy for short"
"Ha? Ano daw, tangina pre magtagalog ka" - Napatawa naman ako dahil sa sinabi ng kasama niya. Hindi marunong mag english ang isang 'to.
"Bobo ka talaga, tabi nga! ako muna!" - Saka tinabig niya ang kasama niya saka pumunta sa harap ko.
"Yow pareng Zira, Kurt Vallegas. Kitong na lang" - Hindi ko alam kung matatawa ako sa nickname nila. Ang ganda ng pangalan nila tapos ganon ang Palayaw pfft.
"Oh tabi tabi, aba ako naman" - Saka ng lalaking semi kalbo skaa tinulak ang dalawang kaibigan niya. "Hi Zira, Karl lucio, Karlo na lang saka wag ka mag inglis hindi ko kasi maintindihan eh hehe" -Napatawa naman ako sa sinabi niya halata naman eh. Saka may mga itsura silang tatlo mas gwapo nga lang 'yon nasa likod.
"Zira Kyx Celesté, you can call me Zira" - Agad naman silang tumango. Agad silang bumalik sa upuan nila ng dumating si Sir Raiko.
"I told you mama Zira, matatanggap ka din nila" -Napangiti naman ako sa sinabi ni Aeron.
"Masaya ako, sobra" -Napangiti din siya sa sinabi ko.
Sana nga tanggap na nila ako, dahil ako unti-unti na silang pinapasok sa sistima ko.
YOU ARE READING
The Only Girl [CGS #1] ✓
RomanceUNDER EDITING Completed. CELESTÉ SERIES #1; ZION AND ZIRA STORY [✓] Zira Kyx, finds herself thrust into a world full of adventure, challenges, and personal growth as she navigates being the only girl in the notorious "Worst Section" of her new scho...