[Grammatical, error, ahead]
Zira's Pov
"W-what do you mean?"- pinipigilan kong wag umiyak, dahil mahahalata niyang may plano ako.
"I'm breaking up with you Zion" - natulala ito sa sinabi ko, walang reaction ko itong tinalikuran.
"Is this a prank? Haha its not funny come on baby."- At pilit itong tumawa, tumingin ako sakanya ng hindi nagpapakita ng kung anong emosyon.
"Hindi na kita mahal." - Mahal na mahal kita Kib, pero gagawin ko ito para sa lahat, at para sa kaligtasan mo.
"I mean, kailan man hindi kita minahal"- Bago pa tuluyang tumulo ang luha ko ay agad akong tumalikod. Aalis na sana ako ng hinawakan nito ang braso ko.
"A-anong nagawa ko? Babaguhin ko ang sarili ko, wag mo lang ako I-iwan. Mahal na mahal kita"- Garalgal nitong sabi, ang sakit sa dibdib makita ang mahal mong nasasaktan at umiiyak na ikaw Ang dahilan.
"Don't love please? Talk to me properly please."- Pumikit ako at binitawan ang masasakit na salita.
"Let me go, hindi kita mahal naiintindihan mo ba? Lahat ng pinapakita ko ay pawang kasinungalingan lamang. Pwede ba? Wala na tayo kaya bitawan mo na ako"- Saka iwinaksi ng malakas ang braso ko kaya nabitawan niya ito. Agad akong tumakbo palayo sakanya, palayo sa taong mahal ko.
Nakita ko ang isang banyo kaya hindi ako nagdalawang isip na pumasok at doon binuhos ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan.
Kinuha ko ang phone ko ng marinig itong tumunog, tinignan ko ito at isang mensahe ang dumating.
You receive a message from Love:3
Where are you baby? Please let's talk. Don't do this to me. I know you love me. Love please.
Mas lalo akong umiyak dahil sa mensahe niya, kahit nanginginig ay nagawa ko pa rin itong replyan.
To Love:3
Stop your bullshit Zion. Hindi kita mahal, let me go. I'm sorry.
Tinago ko ito at inayos ang sarili ko. Halata sa mukha ko ang matinding pag-iyak. Babalik ako zion, babalikan kita. Tatapusin ko muna ang problemang iniwan ko sa italy . Sana kung pwede na pwede pa.
Calling Akisha...
"I'm ready."
Lumabas ako sa banyo na parang walang nangyare, dumiritso ako sa parking lot kung saan naghihintay si akisha.
"Sigurado ka na ba?" Unang tanong nito pagkapasok ko sa sasakyan.
"Hmm. Let's go."- tumango naman ito at sinimulan na ang pagmaneho papuntang airport. Tahimik lang ako habang nakatanaw sa labas.
"Nakapag-paalam ka na ba? "- Tumingin ako sakanya ng biglang nagtanong ito. Umiling ako dahil kapag ginawa ko iyon siguradong hindi ko matutuloy ang plano.
"Alam mong hindi ko kaya."- Napabuntong hininga naman ito at tumahimik na. Pagkarating namin sa airport ay naghihintay na ang mga kaibigan namin. Dala na din nila ang maleta ko na pinaayos ko sakanila.
"Queen, okay ka lang?"- Tumango ako sa sinabi nila, at kinuha ang mga gamit ko at nauna ng pumasok. Tumahimik na lang ang mga ito dahil alam nilang wala ako sa mood magsalita sa ngayon.
......
Italy, after 3 years i finally go back here.
"Saan tayo tutuloy Queen?"- alexa ask, sinabi ko naman sa dating tirahan namin. Excited naman ang mga ito. Sumakay kami sa van na pagmamay-ari namin na pinakuha ko pa.
"We need to rest, tomorrow we will start our mission." tumango naman ito at nag-unahang pumasok sa kaniya-kaniyang kwarto.
Kinuha ko naman ang mga gamit ko at umakyat na rin, dahil pagod na pagod ako sa araw na ito. Itulog ko na lamang ang sakit na nadarama ko ngayon.
Zion's Pov
"Boss, ayos ka lang ba? " Hindi ko pinansin ang mga tanong nila at patuloy pa rin sa pag inom ng alak.
Its hurt, how can she do that to me? Bakit parang ang dali ng lahat sakanya? I know she's lying, but why?
"Boss Hindi mo ba napapansin? Alam naming mahal ka ni Zira, nakita namin iyon. Alam kong may dahilan siya bakit ka niya iniwang bigla. Kilala natin siya boss"- Napatingin ako kay Ace dahil sa sinabi nito.
*Ring ring ring*
Agad kong kinuha ang cp ko ng tumunog ito, baka si Kyx ito at gusto niyang bawiin ang sinabi niyang makikipaghiwalay na ito. Pero ganon na lang ang pagkadismaya ko ng ibang pangalan ang nabasa ko.
Avi's calling..
[Zion?]
"Hmm?"
[Thanks God sumagot ka, kasama mo ba si Zira? Hindi kasi siya sumasagot sa tawag ko and hinahanap siya nina daddy]
"No. After she dump me, bigla na lang itong tumakbo."- I felt my heart tighten for what i said.
[Dump? What the hell. I know zira won't do that. She loves you so much]
"She did."
[Oh my god, anong nangyayare sa babaeng 'yon. Please inform me when you see her]
"Let's go, we need to find her"
"Yiieeee hindi ito matiis"
"Ayown let's goo people"
"Forda hanap ang mga ferson"
Sinabi kong puntahan nila ang lugar na laging pinupuntuhan ni Kyx.
Where the hell are you Zira Kyx?
Pinuntahan ko ang mga lugar na lagi naming pinupuntuhan pero ni anino nito ay hindi ko makita. I call the others to ask them if they saw her but isa lang ang mga sagot nila at ito ay wala.
Pumunta ako sa bahay nina tito, baka umuwi na ito.
"Zion hijo, kasama mo ba ang anak ko? I heard what happened, did she say something else to you?" pagtatanong nito sa akin.
"No Tito."
Sinubukan ko naman itong tawagan pero laging cannot be reach ang kaniyang phone.
Nagpaalam na ako kay tito na uuwi muna ako at magpapahinga dahil ramdam ko ang pagod at pagkahilo dahil sa nakainom ako.
*Ting"
1 message from uknown
Tornerò. Non trovarmi.
Ti amo piccola.............
Hello good evening sorry ngayon lang medyo na busy ang ferson sa f to f.
Last 5 chapter na lang mga ferson, kunting tiis na lang self matatapos mo na this HAHAHAHAHAHAHA
Don't forget to leave a vote and comment Thanks
YOU ARE READING
The Only Girl [CGS #1] ✓
RomanceUNDER EDITING Completed. CELESTÉ SERIES #1; ZION AND ZIRA STORY [✓] Zira Kyx, finds herself thrust into a world full of adventure, challenges, and personal growth as she navigates being the only girl in the notorious "Worst Section" of her new scho...