Chapter 26

2.2K 84 3
                                    

[Grammatical, errors, ahead]

Zira's Pov

"Ano Avi matagal ka pa ba diyan? Tsk mauuna na ako."- Medyo may pagkairitang tanong ko sakanya. Sasama raw siya sa school ngayon, dahil ngayon gaganapin ang Christmas ball. " Male-late na ako Avery ano ba!"- Halos magiisang oras na kasi siyang nag-aayos. Susunduin nga sana ako ni Kib, ngunit sinabi kong sasabay si Avi sa akin. Hindi ko naman alam na ganito siya katagal mag-ayos.

"Ito na sis, atat ka masyado"- Bumaba aga kami ng lumabas na ito sa kwarto niya. Suot niya ay isang blue gown na medyo fit ang nasa baywang. " oh ano pang tinutunganga mo diyan? Let's go"- At nauna na nga itong lumabas. Pansin kong medyo mapula ang mga mata nito. Napabuntong hininga na lang ako dahil umiyak na naman ito kagabi panigurado. Napansin ko this week hindi na siya masyadong madaldal at lagi ding namumula ang mga mata nito dahil siguro sa sobrang pag iyak. Ilang beses ko siyang tinanong at ang laging sabi dahil lang daw sa kdramang pinapanood niya. Pero i know Avi too well kaya hindi ko na ito pinilit na sabihin ang dahilan, at gusto ko mismo siya ang magsabi.

Isang white/block gown ang suot kong long gown, hindi siya masyadong revealing dahil kasama ko si Kib ng binili ito. At to tell you the truth siya mismo ang pumili nito no choice na din ako kasi maganda din naman.

"Anong oras raw ba magsisimula ang party?"- Tanong niyo ng nakapasok na ako sa loob ng sasakyan, manong jerry who will drive us papunta sa school.

" Exactly 8:30 pm. But you see its already 7:50 pm. Nag-ayos tayo ng 3:00 pm tapos anong oras ka na tapos tsk"- tumawa lang naman ito sa tinuran ko. Kinuha ko ang phone ko ng maramdamang tumunog ito. Si avi naman ay isinandal ang ulo sa bintana at tahimik na pinagmamasdan ang labas. Hinayaan ko na lang ito dahil halatang may problema pa siyang kinakaharap.

From : Love :>

Where are you now love?

Hindi talaga mapakali ang lalaking 'to kapag natagalan akong wala ako sa tabi niya.

To : Love :>

We're coming.

After i send it, tinago ko ang phone ko ang tumingin sa katabi ko, nakita ko naman itong tulala at malalim ang iniisip.

"Andito na po tayo maam"- Hindi ko namalayang nasa school na pala kami, bumaba ako sa kotse at ganon din si Avi na sa tingin ko nasa tamang ulirat na.

" Thanks kuya jerry, huwag niyo na po kaming sunduin mamaya, dahil magpapahatid na lang po kami kina Kib"- Ngumiti naman ito tumango, "sige manong mauna na po kami"- Saka ko naman hinila si Avi papasok sa gate. Marami pang studyante ang nasa labas at halata sa mga mukha nila ang kasiyahan. Dahil ayon sa nasagap ko ngayon na lang raw ulit mag didiriwang ang school ng ganitong party.

Iginaya ko sa avi papuntang gym dahil doon nga gaganapin ang party.

"Good evening maam. Picture po muna kayo bago pumasok."- Ngumiti naman ako sa lalaking nagsabi ng katagang 'yan. At base sa sinabi niya halatang nasa photography class siya. " Sige kuya"- Tinawag ko naman si avi at sinabing kukunan kami ng ni litrato, excited naman ito pumwesto sa tabi ko.

"Okay, 3 shot po tayo maam at 3 shot din po for individual"- Tumango naman kami sa sinabi niya. Pumwesto naman kami ng kapatid ko saka kami kinunan ng litrato. Gaya ng sabi niya 3 shot lang saka kami individual na kinuhanan. " Thank you maam, kunin niyo na lang po ito sa bulletin board, ip'post po namin roon"- Tumango na lang ako at niyaya na si Avi na pumasok. Hinanap namin ang upuan ng class 3d at hindi naman nagtagal ay nakita ko na sila. Niyaya ko naman si Avi na roon kami uupo.

"Naks gwagwapo natin ngayon ah"- Sabi ko pagkalapit namin sakanila. Ngumiti naman ang mga ito at tinignan ako taas baba.

" Bakit ganiyan kayo makatingin?"- Tanong ko sakanila. Para kasi silang tanga na tinitignan akong taas baba.

"Tangina Zira, nagmukha kang tao ngayon" - Nawala ang ngiti ko dahil sa sinabi ni Kitong. Lalapit na sana ako diyo upang sapakin siya ng may nahagip ang mga mata ko.

Halos mamangha ako sa taglay na kagwapohan ng lalaking mahal ko na ngayon ay mariing nakatitig sa akin. Nakipagtitigan lang ako sakanya at hindi ko mapigilang ngumiti ng umangat ang mga labi nito at nginitian ako

"Aray, daming langgam"

"Pati ba naamn dito may nakapsok na langgam"

"Shit pre sana all"

Napailing na lamang ako ng nakita ko silang kunwareng kumakamot na kagat kuno ng langgam. Agad akong lumapit sa pwesto ni kib na hindi maalis ang tingin sa akin.

"You're so handsome mahal"- I said and biglang umiwas ito ng tingin habang namumula ang dalawang tenga nito. Hindi ko naman mapigilang tumawa dahil sa naging reaction nito.

"Tsk. Stop laughing"- Huminto naman ako at umupo sa katabing upuan niya.

May sasabihin pa sana ito ng may nagsalita sa harap. Si Maam Sheira ito, isa din ito sa taong naniniwala sa kakayahan ng Section 4D kaya malapit din kami sakanya.

" GOOD EVENING EVERYONE. ARE YOU EXCITED!"

"YES!!"

"Before we start, let me thank you to all Section 4d for this preparation. Thank you for your effort to make this party incredible and beautiful. And to miss Zira Kyx Celesté for making us believed that section 4d can do it without help of others. "- Huminto naman ito sa pagsasalita at tumingin sa pwesto namin ay binigyan kami ng maganda ngiti. Ngumiti din kami dito pabalik. " So everyone let's enjoy this party"- Pagkatapos nitong magsalita ay agad itong bumaba at lumapit sa amin.

"Section 4D, Goodjob. I hope na ipagpatuloy niyo ito"- Saka siya nagpaalam. Nagsigawan naman ang mga kaklase naming nasa table, naagaw namin ang attention ng iba ngunit banaliwala lamang namin ito.

Hindi ko mapigilang mapangiti dahil sa naging resulta ng binigay sa aming misyon nang daddy ni Kib.

Nagsimula ng tumugtog ang kinuha naming dj, maraming sumasayaw sa gitna at ang iba roon ay ang mga kaklase ko.

Nagsimula na ding uminom ang iba ng wine, pinayagan kami ni Tito na kumuha ng inumin na hindi masyadong nakakalasing kaya maraming studyante ang masaya dahil sa ganap ngayon.

" I love you".  Namula naman ako dahil sa biglaang pagbulong ni Kib sa tabi ko.

......

Good afternoon sensya na now na lang ulit.

The Only Girl [CGS #1] ✓Where stories live. Discover now