[grammatical, errors, ahead]
Zira's Pov
Ilang araw na lang pasko na, napag-isipan naming section 4D na pumunta kami ng palawan to advanced the Christmas, dahil may kaniya kaniya raw silang pupuntahan sa mismong Christmas, hindi naman nila sinabi kung saan kaya hinayaan ko na lang sila.
"Hoy! Anong kalokohan na naman iniisip niyo ha?"- Nandito kaming anim sa grocery ngayon, at ang tatlong unggoy naman ay may mukhang binabalak na hindi maganda.
" WALA! DOON KA NGA."- Saka ako hinawakan ni kitong sa balikat at pinatalikod sakanila. Hinarap ko ulit sila at sinamaan ng tingin. "Pag kayo may ginawang kalokohan sinasabi ko sa inyo maiiwan kayo at hindi sasama sa palawan. Hmmp"- Saka ako naglakad papunta sa direction ni Kib na mukhang naiinip na.
" Sabi ko naman sayo na wag ka na sumama eh, ayan tuloy maboboring ka lang dito"- I said to him pagkalapit ko at ang magaling kong fiance inirapan lang ako.
"HOY, ANONG GINAGAWA NIYO! BAWAL 'YAN MGA BATA"
Sa lakas ng sigaw ng security guard ay mapapatingin ka talaga, at may mukhang may hinahabol ito. Tsk tsk mga kabataan nga naman ngayon hindi na sila naawa sa security guard.
"Love, where's Lucas and Aeron?"- Humiwalay kasi sa amin 'yong dalawa, hinayaan ko naman dahil alam ko namang babantayan ni lucas si Aeron eh.
" What the hell"- magtatanong pa sana ako bakit bigla siyang nagmura ng hinila ako nito sa isang gilid. Muntik na ako roon ah, bigla kasing may tumakbo sa direction ko at kung hindi pa ako hinila ni Kib at siguradong malakas ang impact sa akin.
"Sino ba 'yong mga gagon- KALOY!"- Tsngina sabi na nga ba eh may hindi magandang binabalak ang tatlong 'yon. Hinahabol pa rin sila ng security guard na ngayon ay halatang hingal na hingal na. Napatampal naman ako sa noo dahil sa kagaguhan nilang ginawa. Pati ba naman grocery store hindi pinaglagpas makakatikim sa akin ang tatlong iyon mamaya.
"Let's go, lucas texted me nasa parking lot na raw sila"- Saka nauna na itong maglakad, sumunod naman ako sakanya. Bahala na ang tatlong gagong 'yon.
" Mami nakita ko sila kuya Kitong nagtatakbuhan, gusto ko din mami kaso si kuya Lucas hindi ako hinahayaan"- Mangiyak ngiyak na sumbong sa akin ni Aeron, pagkarating kasi namin dito sa parking lot atly agad tumakbo sa akin ang batang ito para magsumbong.
"Aeron Dear gusyo mo rin bang habulin ng security guard na may dalang maraming baril?"- Agad namang lumaki ang dalawang mata nito dahil sa sinabi ko.
" M-may baril mami?'- He ask, and i just nod at him, he seems so scared when i said that. Pagkatapos non ay hindi na siya nagpumilit na sumama kina kitong na makipaghabulan sa security guard.
"Hihintayin pa ba natin sila?"- Hindi pa kasi kami umaalis, siguro nga hihinrayin pa namin ang tatlong iyon mabuti kung ganon dahil makakatikim sila sa akin ng salpok.
" Hindi natin pwedeng pabayaan ang tatlong 'yon, baka kung ano pang kalokohan nag gagawin nila"- Tumango naman ako kay lucas. Tinignan ko si Kib na ngayon ay nakatulog na sa likod ng Van, hinayaan ko nanlang dahil mukhang pagod siya.
"Woahh nakakapagod makipaghabulan."- Napatingin kami ni lucas sa mga lalaking paparating na nagtatawanan pa, psh masaya pa sila dahil pinagod nila ang security guard sa takbuhan.
" Yo Bruha"- Agad ko namang silang sinamaan ng tingin, may gana pa talaga silang batiin ako pagkatapos ng kalokohang ginawa nila.
"Bakit ganiyan ka makatingin?"- Lucio ask kaya mas malalong sumama ang tingin ko sakanila. "Lumapit nga kayong tatlo sa akin."- Seryosong utos ko sakanila, nagkatinginan naman silang tatlo at sabay na lumunok bago ako hinarap.
" Haha zira naman, hindi naman namin sinasadya eh, diba mga pre?"- Alanganing sabi nito at humarap sa dalawang kasama niya. Pero hindi ko pinakinggan ang sinabi ni Kaloy at senenyasan silang lumapit sa akin.
"Hindi kayo lalapit? Baka gusto niyong gising ko pa si Kib at siya mismo ang haharap sa inyo?"- Taas kilay kong tanong sakanila, umepekto naman ang pananakot ko dahil agad silang lumapit sa akin.
" Diba ang sabi ko wag kayong gagawa ng kalokohan"- Saka ko piningot ang tenga ni Kaloy dahil siya ang unang malapit sa akin. "Aray shit! Tama na babae! masakit Zira"-'Binitawan ko naman si kaloy at sinunod ang tenga ni Kitong. " Ano uulit pa kayo ha?"- Agad naman itong umiling. "Hindi na kami uulit Zi, bitawan mo na ang tenga ko"- Binitawan ko naman ito at sinunod ang tenga ni Lucio na ngayon ay namumutla na. "Isa ka pa ikaw ang medyo matino sa inyong tatlo pero ikaw naman ang pasimuno" Saka hinigpitang ang pagpingot ko sakanya. "Aray Zi, sorry na bitaw na argg aray hindi na kami uulit shit masakit!"- Binitawan ko naman ito at inutusan silang sumakay na.
" Dahil sa ginawa niyo wala tayong nabiling kakainin natin"- Sermon ko pa sakanila. Dahil sa ingay namin ay tuluyan ng nagising si Kib na ngayon ay masama ang tingin sa tatlo na hanggang ngayon ay hawak pa rin ang mga tenga nilang piningot ko.
"B-boss"- Medyo natawa naman ako dahil sa pagkautal nila, sinamaan kang sila ng tingin ni Kib at agad na lumapit sa pwesto ko.
" I'm still sleepy." saka ito humiga sa balikat ko, hinayaan ko na lang ito at sinabihan si lucas na uuwi na.
"Tuloy mo na lang tulog mo sa kwarto later"- Bulong ko sakanya, pero mukhang hindi na ako nito narinig dahil nakatulog agad ito.
Hindi nagtagal ay nakarating naman agad kami sa bahay, dito na daw sila matutulog dahil maaga ang flight namin bukas.
" Love wake up"- Nauna na kasing bumaba nag lima, dahil nga ginising ko pa ang lalaking nakahiga sa balikat ko.
"Sa kwarto ka na lang matulog ulit"- Nagising naman ito at hinalikan ako sa noo saka nauna nang bumaba. Sumunod naman ako sakanya, pagpasok namin ay agad ko nakita ang iba na may kaniya kaniyang ginagawa.
" Boss"- Hindi sila pinansin ni Kib at deritso lang itong umakyat, baka matutulog ulit ito kaya hinayaan na lang nila.
Ako naman ay sumunod sa boss nila, dahil sa paniguradong sa kwarto ko iyon dederitso sanay naman na ako, minsan pag ginagabi ito ay tabi kaming natutulog. Tulog lang ang ginagawa namin na may kunting harot, hindi ko pa nasusuko ang bataan kung iyan ang naiisip niyo.
Pagpasok ko ay tama nga ako dahil agad itong nakatulog. Inaantok ako kaya sumiksik ako sa tabi niya. Naramdaman niya ata ang biglang pagtabi ko kaya agad ako nitong niyakap.
......
Good morning thank you for reading this series 1. 10 chapter to go matatapos na ang kwento ni Zira at Zion.
Don't forget to leave a vote and comments thank you. See you in next chapter.
![](https://img.wattpad.com/cover/289405595-288-k10840.jpg)
YOU ARE READING
The Only Girl [CGS #1] ✓
RomansaUNDER EDITING Completed. CELESTÉ SERIES #1; ZION AND ZIRA STORY [✓] Zira Kyx, finds herself thrust into a world full of adventure, challenges, and personal growth as she navigates being the only girl in the notorious "Worst Section" of her new scho...