13: Fishball

46 3 0
                                    

Kumakain ako ng Fishball ngayon sa isang magandang restaurant.. Tapos may taong dumating na parang may dalang ice cream na patugtog. Maingay .. Nung makalapit siya sakin.. Alam kong nasa likod ko siya.. Nang biglang...

"Aray!!!"-ako

"Gising na!"-sandra

"Kailangan manghampas?"-ako.. Ang sakit kaya..

"Eh kanina pa po kaya nag-aalarm yang maingay mong cellphone."-sandra..

Aissh.. Panaginip lang pala .. Pero bakit fishball?

"Ahh.. Salamat.. Teka? Ang aga niyo ata ni Lea aalis ngayon?"-ako

"Oo eh. Madami kasi kami inaasikaso.."

"Ano ba kasi yun?"

"Basta.. Siguro after tomorrow malalama niyo na rin. Sige alis na kami bye.."

"Geh ingat. Ingatan mo si Lea!!!"

"Haha I will"

Ahh.. Alam ko na kung bakit fishball.. Tama.. Yun nalang kakainin namin .. Wahaha ....

Nagmadali na akong maligo, magbihis, magpapogi.. Ahmm.. Actually pogi na talaga ko. Iba lang yung ngayon.. Di masyadong pormal suot ko. Pero gwapo parin naman..

Hoo. Eto na.. Pupuntahan ko na siya.. Ano gagawin ko? hmm.. Bahala na.

..
Nandito na ako sa tapat ng bahay niya.. Ughm.. Pindutin ko na ba yung doorbell..? Ehh.. Pano kapag lumabas? tsk.. Pipindutin ko na talaga.. Hindi. Wag.. Wag muna . Hayss.. Sige eto na talaga..

Di pa ako nagdo-doorbell bumukas bigla yung pinto..

"Uy.. Kanina ka pa diyan?"-jen

"Huh? hindi ah.. Ughmm.. San ka pupunta?"-ako

"Huh? Magtatapon sana ako ng basura eh.."

"Ahh. Ano tara na?"

"Saan ba kasi tayo pupunta..?"

"Kahit saan.."

"Hmm.. Kahit saan? Sige! Pwede ba tayo mag-arcade?"

"Arcade? hmm. Sige. Ano tara?"

"Sige tara na.."

.. Arcade. First time ko mag-arcade ng siya ang kasama ko. Medyo awkward nung una pero.. Nung tumagal, hindi na.. Natutuwa akong nakikita siyang tawa ng tawa at ngiti ng ngiti..

"Taba.. Kunin mo yun .. Ayun oh .. Please.." - nagpapakuha siya ng teddy bear na pink.. Bakit ba ang babae ang hilig sa pink?

"Payat.. Di ka ba nagsasawa sa pink? High school palang tayo pink na talaga gusto mo ah."

"Taba ang dami mong satsat.. Ikukuha mo ba ako o ikukuha mo ko?"

"Wala bang third choice?"

"Meron.."

"Meron pala eh.. Ano yun?"

"Ikukuha mo ba ako?"

"Hay nako.. Sige na sige na.."

"Yey!!!"

Kumuha na ako ng pang tusok sa card. Actually mahirap siya pero nagawa ko naman .. Lima kasi dapat mapunta sa card.. 4 na yung natatamaan ko.. Isa nalang pero feeling ko sasablay ako..

"Payat paano kapag hindi ko toh nakuha?"

"Edi. Lilibre mo ko.."

"Ng?"

"Kahit ano.."

"Osige. Eh paano kapag nakuha ko?"

"Edi mag dare ka sakin.."

Never Say Die!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon