7: YES AS IN YES

63 2 0
                                    

[ Prey's POV ]

Akala ko di totoo..

Akala ko nananaginip lang ako..

Pero eto.. Nasa harap ko nanaman ang pesteng resulta niya..

Oo saglit ko palang siya nakakasama pero, gusto ko na siya.. Sana gusto niya rin ako.. Sana mali ang hinala ko.. Sana di ako masaktan ng husto..

Nandito ako sa hospital.. Nagliligpit ng gamit ni Kurt. Pede naman daw siya magpahinga sa bahay nalang daw niya.. Alam niya na rin yung resulta. Syempre malungkot siya ngayon...

[Kurt's POV ]

Oo malungkot ako sa nalaman ko.. Pero kailangan ko maging matatag.. Pero yung totoo.. Di ko naman ramdam na may sakit ako ehh.. Feeling ko pawala na yung sakit ko, pero palala pala..

"Prey ano nangyari sa mukha mo?"-ako

"H-huh? Bakit? may dumi ba ako sa mukha?"-prey

"Wala, pero bakit ang lungkot mo? Ako yung mamamatay hindi ikaw" pagkasabi ko niyan bigla niya ako niyakap... Mahigpit na yakap.. Naririnig ko ang paghikbi niya, nararamdaman ko na may tumutulong luha sa damit ko.. Nagulat ako sa ginawa niya.. Di ako makagalaw..

"Wag-wag mong *hikbi* sabihin yan *hikbi*, hindi, hindi ka mamamatay.. lalaban ka diba? Kailangan mo mabuhay.. Tutulungan kita.. Di ka mamamatay.. Please .. never say die please ...."

Ewan pero nagulat ako sa ginawa niya. Bakit siya umiiyak? Tu-tulungan niya ko? Bakit? Ok lang naman na mawala na ako eh. Pero nung narinig ko yung sinabi niyang "NEVER SAY DIE" parang ... basta..

Umalis siya sa pagkakayakap... nakatingin lang siya sakin..nakatingin lang din ako sakanya.. Bigla niya pinunasan mukha ko...

"Bakit ka umiiyak?" bakit nga ba ako umiiyak? shete ano sasabihin ko?? uhmmm

"Ang higpit mo kasi yumakap di ako makahinga.. Kagagaling ko lang mahiwagang higaan ng hospital ehh, papatayin mo ko agad.."

"Ayy sorry.." Haha naniwala siya?? haha

Nandito na kami sa apartment.. Umuwi muna siya para makapag bihis ..

"Tita may pasok po ba kayo?"-me

"Oo ehh.. Pero pwede naman na hindi pumasok si Prey ehh"

"Hindi tita!! Kailangan niya pumasok.. Ok lang naman ako ehh.."

"Mam di po ako papasok!"-prey ... bigla bigla nalang sumusulpot toh..

"Sige! Aalis na rin ako!! Ingat kayo!"-tita

Umalis na nga si tita..

"Pero kaila----"-ako

"Ok lang ako.. Atsaka walang magbabantay sayo nuh!"-prey

"Ok lang naman ako ehh.. Malaki na ko, kaya ko na sarili ko"

"Tskk kahit na.. Di mo naman alam yung mga bawal sayo.. Bawal kainin, bawal gawin, bawal ganto at bawal ganyan.."

"Meron bang bawal ganto at bawal ganyan?"

"Common sense please.."

"Aww ok.."

"Atsaka,, kailangan mo ng kausap noh!! Baka mabored ka kaya dapat lang na nandito ako"-- ngumiti ako sakanya ng nakakaloko.. "Oh bakit ka nakangiti diyan?"

"Ganyan mo ba talaga ako kamahal? Tsk.. Haha" .. napatingin siya sakin..

"Kapal mo!! nag-aalala lang ako."

"Tss deny ka pa.. Ok lang yan nuh! atsaka isa pa, tayo lang naman nandito, pwede na natin gawin yung mga bagay na ginagawa ng babae't lalaki sa kwart---- ARAYYY!!! bakit mo binato sa ulo ko yung sapatos?"

Never Say Die!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon