32: Black Suit

20 2 1
                                    

"Salamat, salamat sa lahat"-prey

Di ko alam pero sa araw na ito, ang salitang yun ang nagpakaba sakin. Parang may mali, sana mali nga, sana mali nga ang hinala ko. Di ko pa kayang mawala siya sa buhay ko, di ko pa kaya, di ko pa kaya.

"Wag mo nga sabihin ang mga ganyang salita. Parang mawawala ka na ng matagal niyan eh"-ako,

"Oh? Ano naman kung mawala ako? Remember katawan ko lang ang mawawala, kaluluwa ko hindi----"-di ko siya pinatapos kasi ayoko na marinig yung mga sasabihin niya, parang okay lang kasi sakanya na mawala na, parang walang mangyayari kapag nawala siya, aysssst...

"Sus! Di ka mawawala diba? Katawan man yan o kaluluwa di ka mawawala, kumain ka na nga, kung ano ano sinasabi mo,"-kumuha ako ng maiinom niya

"Kurt! Wag yung malamig ah."-tumango ako bilang sang-ayon sakanya. Pakiramdam ko mali na talaga nararamdaman ko. Habang kumukuha kasi ako ng tubig kinakausap ni Prey sila Jenny na alagaan daw si ganto, wag daw pabayaan, mag-iingat daw lagi, dapat daw masaya lang at kung ano-ano pa, parang nagbibilin na kasi siya eh. Sana hindi pa. Please Prey, lumaban ka.

"Prey oh,"-ako

"Salamat." At niyakap niya na ako ng mahigpit, niyakap ko rin siya, ayokong umiyak, ayoko ipakita sakanya, pero, yung yakap niya na mahigpit kanina ngayon, nawawala na.

*toooooooooooooooooot*

"Prey!!!!"-di ko alam pero sumigaw na ako at sila naman ang tumatawag sa doctor. Di ko kaya toh. Di ko kaya!! Di pede! Prey! Lumaban ka please.

Yumuko ako at lumuha.

..
..
..
..
..
..
..
..
..
..
..
..

"Kurt! Okay ka na ba?"- andrew, na sumisigaw sa labas ng kwarto ko.

"Oo, okay na ko."-pagkasabi ko nun, tumingin ako sa salamin, at tiningnan ang sarili ko. Mangyayari na ba talaga toh? Kinakabahan ako. Ilang araw na ang nakalipas , dapat ba na tanggapin ko na ang nangyayari?

"Kurt! Bilis!"-andrew

"Oo eto na!"-lumabas na ako at nakita siyang nakaitim, ako din nakaitim,

Umalis na kami at pumunta sa lugar na kung saan nandun si Prey, ang tunay kong minamahal,

Lahat ng tao dun naka itim, mapabata, matanda, may sakit o wala, payat man o mataba, naka itim sila, pati magulang niya, mga kaibigan, at ang barkada. Ewan ko kung tanggap na nila, ewan ko kung tanggap ko na.

"Kurt, salamat sa pag-aalaga sa kaibigan ko huh, nung dumating ka sa buhay niya sobrang saya niya. Ang sabi niya sakin, alagaan ka daw namin, haha, alam mo ba pinagdadasal niya na sana bumalik na yung sakit mo para makasama ka niya sa kabilang buhay. Haha. Pero biro lang daw yun. Akalain mo yun Kurt? Alam niyang mawawala na siya pero nagawa niya parin tayong pangitiin, nagawa niya paring magpatawa, nagawa niya paring ngumiti. Ang daya niya kasi eh.."-jenny, akala ko ako nalang ang di nakakatanggap na wala na si Prey, oo wala na siya. At tama si Jenny madaya si Prey,

Sa dami dami ng pupuntahan doon pa sa itaas,ang dami daming pwedeng lugar na mapuntahan para mag reunion dito pa sa sementeryo, ang dami daming kulay na pwede ipasuot, itim pa ang naisipan niya. Kailangan ko nalang siguro na ipakitang ayos ako. Para sakanya gagawin ko lahat ng sinabi niya.

Ako nalang ang nandito sa puntod niya, yung mga barkada nagsiuwian na, tapos yung magulang naman ni Prey nagpaalam na din, at may trabaho pa sila kinabukasan.

"Prey! Ang daya mo naman eh. Nang-iwan ka! Akala ko ba walang iwanan'? Never Say Die nga diba? Ikaw nagsabi sakin na wag sumuko! diba? Prey bakit ka nang-iwan? Ikaw nalang ang meron ako. Iniwan na ko ng parents ko, pati ba naman ikaw Prey, bakit ganto ang ginagawa niyo sakin. Wala naman akong iniwan na tao noon ah. Prey mahal na mahal kita, bakit kung kailan okay na saka naman nawala? Bakit kung kelan wala na sakit ko saka ka umalis? Bakit di mo ko binigyan nag isang linggo para makasama ka? Ang daya mo Prey! Sana masaya ka dyan ngayon. Tandaan mo Prey, ikaw lang ang mahal ko. Wala ng iba."-umalis na din ako at umuwi na para magpahinga.

"Kurt!"

"Oh Andrew? Bakit nandito kayo?"

"Gusto ka lang sana namin samahan dito, kung okay lang sayo,"-jenny

"Kurt di lang naman ikaw ang nawalan, kami din naman eh."-lea

"Sige, dyan nalang kayo sa sala, papahinga lang ako sa kwarto."-ako

"Sige"-sumang-ayon silang lahat.

Pagpasok ko sa kwarto, hinubad ko na yung damit ko at naghilamos, nagsipilyo at nagdamit, nagpahinga na ako at humiga sa kama ko.

Tulad ng iba ginawa ko din ang mga ginagawa nila nakatitig sa kisame at nakipag-usap sa sarili.

Bakit parang ang bilis ng pangyayari, parang kailan lang kami nagkakilala, kailan lang naging kami, kailan lang ako gumaling sa sakit ko. Diba? Parang masyado maaga para mawala si Prey sa buhay ko. Ngayong wala na siya, ano na gagawin ko? Di ko alam kung paano sisimulan ang bagong araw na wala na siya sakin. Wala na siya sa tabi ko. Yung mga ngiti niya hanggang litrato ko nalang makikita. Yung pagtanda niya di ko masusubaybayan. Tatanda ako ng di siya kasama, tatanda ako ng mag-isa.

Pumikit na ako at natulog.

.
.
.
.
.
-//

AN: ano nga kaya mangyayari kay Kurt? Sapalagay niyo?, Magkakaroon kaya ng pagbabago sakanya? O babalik nalang sa dati ang lahat.

Vomment ^__^

Never Say Die!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon