Bakit parang ang init na? Bakit parang walang aircon? Nakalimutan ko ba buksan yung aircon?
Minulat ko yung mata ko ng dahan dahan at nagising ako ng nakatutok sakin ang magandang sinag ng araw,
Kaya pala mainit. Te-teka? O____O ?
Bakit nasa court ako? Naalala ko tuloy dito kami nagkaayos ni Pre--- ????
Bakit nasa tabi ko siya ngayon? Minumulto ba ako? O nanaginip ako?
"Oh Kurt? Bakit parang nakakita ka ng multo? Bakit ganyan ka makatitig sakin?"-prey
"Bakit ka nandito?"-ang gulo! Diba patay na siya? Diba wala na siya? Diba nailibing na namin ang katawan niya? Bakit nandito siya sa tabi ko? Bakit kinakausap niya ko ngayon na parang walang nangyari.
"Anong bakit ako nandito? May amnesia ka na ba?"-prey, amnesia? Wala akong amnesia
"Pe-pero pa-patay ka na!"-ako
"Patay!!? Ako patay? Nagbibiro ka ba? Kagabi lang tayo nagkaayos eh haha! Kurt nanaginip ka ba?"-prey. Kagabi? Anong kagabi? Ehhh...
"Anong date ba ngayon?"-ako
"April 2, 2015 , bakit? Haha Kurt nanaginip ka nga! Ang sama naman ng panaginip mo!"-prey. Nanaginip? Di ko parin maintindihan! April 2 palang ngayon? April 1 kami nagkaayos ni Prey (chapter30: stars) So panaginip lang lahat ng nangyari? Panaginip lang na nahospital siya? Panaginip lang na may sakit siya? Panaginip lang na na iniwan niya ko? Panaginip lang na nawala siya sa buhay ko? Panaginip lang na nagsoot ako ng black suit? Panaginip lang na nagpunta kami sa sementeryo? Panaginip lang na inilibing namin si Prey? Panaginip lang na naiwan ako sa puntod niya? Panaginip lang ang lahat? Panaginip lang?
Niyakap ko si Prey ng mahigpit at hinalikan sa noo.
"Akala ko wala ka na. Akala ko iniwan mo na ako, akala ko tatanda ako mag-isa, salamat sa diyos at panaginip lang ang lahat ng yun. Ayoko mawala ka Prey. At kung ito ang panaginip, ayoko ng magising Prey."
"Di ka nananaginip ngayon Kurt. Totoong buhay ako."
"Wag mo ko iiwan Prey."
"Promise ^__^"
"Never say die?"
"Never say die ^__^"
"I love you Prey! "
"I love you too Kurt."
Niyakap ko siya at bigla nalang siya tumawa.
"Oh bakit?"
"Hahahaha! Ang pangit naman kasi ng panaginip mo ! Haha ^__^ Ikwento natin kila Lea yan haha!"
"Baliw! Pero seryoso akala ko wala ka na."
Tumawa lang siya at tumayo na kami. Inayos na namin ang gamit namin. Nagpapasalamat talaga ako kasi panaginip lang ang lahat ng yun. Nagpapasalamat ako kasi nandito pa siya at makakasama ko. Hindi ko pababayaan na mawala agad siya sakin. I will catch a grenade for her and I will make her feel that she's the only girl in the world. Haha kanta yun eh. Pero kahit na! Totoo sinasabi ko.
Nagkitakita kami nila Andrew sa isang resto, at dun kami nagkwentuhan. Nakwento ko na sakanila yung panaginip ko kaya ayun natatawa sila, natatawa sila sakin hindi sa panaginip ko. Pano kasi, tong si Prey kinwento yung itsura ko nung nakita ko daw siya at tinatanong kung bakit buhay siya, kung bakit kasama ko siya. Nung una nagulat sila kung bakit ganun yung panaginip ko tapos ngayon tatawa tawa sila.
"Hahaha! Ang panget ng itsura mo dun Kurt for sure!"-lea na tawa ng tawa
"Hiya naman ako sayo! Ang gwapo mo!"-ako , paepal tong bading na toh. Haha
"What did you say?"-lea
"Ayy teh? Bingi lang? Gusto mo ulitin ko para sayo? ANG SABI NIYA PO ANG GWAPO MO DAW!!"-sandra na sinisigaw kay Lea kung ano yung sinabi ko
"I'm not talking to you! And FYI Kurt! Di ako gwapo!! MA-GAN-DA!! Maganda ako!"-lea
"Ayy weh? Di ko nahalata yun ah!"-andrew
"Alam mo----"lea
"Di ko pa alam ^___^"-hahah pang-asar talaga toh si Andrew
"Pshh.. Ang gwapo mo sana eh! Pang-asar ka lang!"-lea na halatang asar na. Haha
"Thank you. ^__^"-andrew
"Shh may tulog na! Haha!"-prey
"Andrew gisingin mo!"-ako
"Bakit ako?"-andrew
"Gf mo eh!"-prey
"Ganun ba yun??"-andrew.. Sus Andrew! Mauupakan na kita eh.
"Nako Andrew!!"-sandra
"Haha ^__^ joke lang yun syempre., Jenny? Psst, gising."-Andrew
Itinaas ni Jenny yung ulo niya, at tumawa.
"Haha nababaliw ka na Jenny?"-ako
"H-huh? Hala?? Nananaginip lang ako?"-jenny
"ANO??? Nanaginip ka? Bakit di niyo alam kung panaginip lang o hindi? Tsss."-lea
"Hm hm,nanaginip ako kasama ko daw si Mr. Piolo Pascual, ang gwapo niya. Tapos kinakantahan niya ko ng HAWAK KAMAY.. Ang ganda ng boses niya."-jen
"Di mo ko napanaginipan?"-andrew na umaarteng nagtatampo, parang ewan ampupu.
"Haha ikaw nga yung boyfriend ni Lea dun eh."-jen
"Ano?"-kaming tatlo nila prey at andrew
"Ayy kaloka! Dapat di ka na nagising. Tsk."-lea
"Buti nalang talaga nagising ka!"-andrew
Nagtawanan lang kami nila Prey. Di ko talaga akalain na nanaginip lang ako. Pero masaya akong panaginip lang ang lahat ng iyon. Dahil ngayon kasama ko na ang babaeng mahal na mahal ko.
--
BINABASA MO ANG
Never Say Die!!
Short StoryMeet the two couple na isa sakanila ay may sakit. Madaming Twist sa buhay.. Pero NEVER SAY DIE ang motto nila in LIFE ..