Kakaalis lang namin sa hospital, nandito nanaman kami. Kung tindahan lang toh, malamang kami na ang suki nito.
Wala naman siyang sakit, at mabuti walang masamang nangyari sakanya, yah masama yung nangyari pero di naman malala.
"Kurt, sorry huh."-ako
"Oh? Bakit ka nagsosorry?"-kurt
"Hmm. Dahil kasi sakin kung bakit nandito ka ngayon."
"Tss. Hindi noh. Hindi naman ikaw yung dahilan."
"Birthday mo ngayon tapos nandito ka, tsk, di ko naman kasi pinapakuha yung wallet bigla kang tumakbo."
"Ehh kasi pera mo yun, atsaka importante yun sayo."
"Labas lang ako, kakausapin ko pa kasi yung nurse."
"Ahh, osige."
Lumabas ako sa room ni Kurt, at dumiretso sa kakausapin kong nurse. Nakita ko si Jenny kasama si Andrew na papunta kay Kurt pero di nila ko napansin.
Pagbalik ko sa room ni Kurt, wala dun yung dalawa.
"Kurt, asan si Andrew atsaka si Jenny?"-ako
"Umalis na eh, nagmamadali daw sila,"-
"Ahh. Ano ginawa nila?"
"Kinamusta lang nila ako, tapos sabi ko hintayin ka na kaso sabi nila nagmamadali daw sila."
"Ah. Baka naman may date,"
"Date? gabi na, Date?"
"Oo, mas espesyal kaya kapag gabi, ang romantic tingnan."
"Hmm. Edi pumikit ka nalang para di ko makita."
"Tss. Inggit ka noh?"- haha ang kulit niya kasi eh. Parang naiinggit sakanila, kapal ko naman ehh noh?
"Hindi noh.! Atsaka nandito ka naman, okay na ako dun." -naglalambing nanaman toh.
"Alam mo magpahinga ka na."
"Sige,. Prey dito ka lang huh. Habang tulog ako magpahinga ka din. Okaya mag-internet ka, basta wag ka aalis habang tulog ako please."- ang cute cute ni Kurt maglambing, first time niya toh gawin sakin. Ang cute lang.
"Opo. Sige na magpahinga ka na."
At nagpahinga na nga siya. Ako naman, eto nakatunganga lang, iniisip ang mga pangyayari, di ko parin inakala na magiging kami eh, pero ayoko nang bawiin yun, masaya na ako sakanya kaya di ko hahayaan na maghiwalay kami. May misunderstanding man, pipilitin ko siyang intindihin.
*tok*tok*tok
AYY-PIPILITIN-KONG-INTINDIHIN.. Sino ba yun?
"Pasok po."-ako
"Ughmm miss may nagpapadala lang po ng sulat. Kay miss Precious Escuzar po."
"Ahh ako nga yun. Salamat po."
Kanino nanaman ba toh? Pagbuklat ko, kay Justin pala. Yung bigay niya sakin na letter kahapon di ko na nabasa, naiwan ko kasi kila Lea kaya pinatapon ko nalang, yung chocolate naman sila na ang umubos, at yung flower, ayun pinag-agawan ni Sandra at ni Lea.
Binuklat ko na yung sulat.
To: Precious Escuzar,
Hi Prey, natanggap mo ba yung sulat ko sayo kahapon?
Mabango ba yung flower?
Masarap ba yung chocolate? Naubos ba? Gusto mo pa ba?
BINABASA MO ANG
Never Say Die!!
Short StoryMeet the two couple na isa sakanila ay may sakit. Madaming Twist sa buhay.. Pero NEVER SAY DIE ang motto nila in LIFE ..