"Paanong nagsinungaling?'-jenny.
.. Crap.. Pano ko sasabihin sa kanya lahat?
"Ahh.. Payat.. Kasi .. Uhmm. Ano. Gusto mo pa ba ng fishball? o sa iba naman?"-tsss. Badtrip . Bakit di ko masabi? hoo.. Kaya mo yan
"Di na. Thank you. So pano nga?"
"Anung pano nga?"
"Nakikinig ka ba? Sabi ko po, Paanong nagsisinungaling.."
"Ahh. Ughmm.."
"Sabihin mo na, ok lang yan."
"Hayss. Sige. Kahit magalit ka sakin sa araw na toh, okay lang. Hmm."
"Go! ano na?"
"Nung tinanong mo ko kung sino gusto ko, diba ang sagot ko si Prey?"
"Oo tapos?"
"Hindi naman talaga si Prey ehh. Nagsinungaling ako sayo kasi.. Natatakot akong sabihin na .."
"Na?"
"Na... I-ikaw yung gusto ko."
"H-huh? ikaw Andrew pinagtitripan mo nanaman ako ah.!"
"Jenny hindi.. Ikaw talaga yung gusto ko., Kaya kita natanong kung sino gusto mo kasi may nabasa ako, na akala ko ako ang gusto mo. Nung sinabi mo na si Luis Tan yun gusto mo, nagsinungaling nalang ako, sinabi ko nalang na hindi ikaw.."
"Ba-bakit? Bakit si Prey ang naisip mong sabihin sakin?"
"Kasi siya yung nakita ko nung tinannong mo ko kung sino gusto ko,"
"Huh? teka? Anong nabasa mo na akala mo ikaw? Alin yun? Saan mo nabasa?"
"Sa.... sa notebook mo.."
"A-aling notebook?".-parang nakikita kong paluha na si Jenny, di ko alam kung bakit..
"Eto oh" ..-kinuha ko sa bag ko yung notebook na sinasabi ko. At pagkabigay ko sakanya, nagulat ata siya..
"P-pa-pano napunta sayo yan?"
"Bago yung araw na magtanungan tayo, nasa room ako nun.. Tapos ikaw nauna nalang lumabas, pinakuha mo pa nga yung bag mo eh.. Nung naisipan ko na rin na umuwi, napatingin ako sa upuan mo, nandun yung notebook.. Di ko alam kung kanino kaya binuklat ko. Wala akong nakitang pangalan kung kanino.. Kaya tiningnan ko sa bandang likod.. Dun ko nabasa yung T.A.. Akala ko ako.. T.A.N pala."
"Ba-bakit *hikbi* di mo sinuli agad *hikbi* sakin?"
"Isosoli ko naman talaga sayo. Pero naisip ko na isosoli ko nalang kapag natanong na kita.. kaso di ako yung sagot mo, kaya parang nahinaan ako ng loob na isuli sayo yan. Sorry"
"Hmm.. Bakit ngayon mo lang sinabi? Di mo alam kung ano pinagdaanan ko nung nalaman ko na si Prey yung gusto mo..!!"
"Bakit? A-ano ba yun? Kung ano man yun sorry, di ko kasi alam gagawin ko nung araw na yun ehh.."
[ Jen's POV ]
Di ko alam kung bakit umiiyak ako sa harapan niya? Bakit ngayon niya lang sinabi? Bakit ko sinabi na si Luis ang mahal ko? Bakit nangyayari toh? Nananiginip ba ako? Tama ba na umiiyak ako sa harapan niya? Tama ba na sabihin ko din sakanya ang matagal ko nang dinaramdam.. ? Tama ba na sabihin ko sakanya na gusto ko din siya?
"Ok lang. Pero sana nasabi mo sakin ng mas maaga. Atleast alam ko yung mga nararamdaman mo. Di mo ba manlang naiisip na nagkunyari lang ako na si Luis yung gusto ko? Na kaya ko lang sinabi yun kasi tanong ka ng tanong? "
"Sorry Jenny pero hindi ehh. Seryoso ka kasi nung sinabi mong si Luis yung gusto mo."
"Andrew.. Ako ang dapat magsorry, di mo naman kasi masasabi na si Prey yung gusto ko kung nagsabi ako ng totoo diba?"
"Anong totoo?"
"Andrew may ikukuwento ako sayo. Sapalagay ko kailangan mo na malaman.."
"Ang alin?"
"Ang lihim kong pag-ibig sayo..."..
Di na ako magdadalawang isip pa.. Ikukuwento ko na sakanya at sasabihin na mahal na mahal ko siya..MATAGAL NA..
--//
... AN: guys.. short update muna. Medyo nahihilo pa kasi ako eh.
BINABASA MO ANG
Never Say Die!!
Short StoryMeet the two couple na isa sakanila ay may sakit. Madaming Twist sa buhay.. Pero NEVER SAY DIE ang motto nila in LIFE ..