Hi jajadisuanco :* thanks sa support para sa story ko. Kahit minsan pinapakwento mo nalang sakin haha! xD pero ayun sobrang salamat !! Ingat palagi.
--
[ Kurt's POV ]
Nagtataka ako kung bakit naging ganun ang nangyari sakanya. May mali ba akong nagawa? Huh? Di ko alam kung paano ko siya tutulungan ngayon, tinulungan niya kong lumaban nung may sakit ako. Bakit ako walang magawa? Pinaramdam niya sakin na nandiyan siya para sakin, oo lagi akong nandito para sakanya, pero paano ko ipaparamdam sakanya kung ako mismo, ako mismo nahihirapan ng sobra sa nangyari. Di ko kaya! Ayoko! Kailangan gawin ko ang lahat. Para sakanya! Para kay PREY.
Nandito kaming lahat ng barkada sa hospital. Nandito din ang mommy at daddy ni Prey. Nabalitaan na rin kasi nila ang nangyari.
Sinabi narin saamin ng doctor kung bakit bigla siyang namawis, at di magising. Si Prey nalang ang walang alam.
"Kurt bibili lang kami ng pagkain"-jen, tumango lang ako at umalis na sila.
"Kurt! Tita, tito, kami na po ang kukuha ng gamit ni Prey."-sandra
"Salamat."-magulang ni prey
, tumango na rin ako sakanila at umalis na nga sila.Matagal akong nanahimik at umupo sa bandang tabi ni Prey, hinawakan ko yung kamay niya at yumuko.
"Iho anak. *nilagay ng mommy ni Prey yung kamay niya sa balikat ko.* Di mo alam kung gaano mo napasaya si Prey, ."-mom ni Prey
"Kurt! Salamat ng sobra sa pagbabantay sa anak ko.! Salamat kasi, ikaw ang nakasama ni Prey sa panahong wala kami sa tabi niya"-dad ni prey
" Mahal ko po si Prey, sobra, di ko po gustong mawala siya sa tabi ko. Di ko po alam kung anong mangyayari sakin kung mawawala siya. Di ko al---" -ako, napatigil ako sa pagsasalita nang yakapin ako ng mommy ni Prey, tumulo na rin ang luha ko na kanina pa gusto bumagsak.
"Alam kong mahal na mahal mo ang anak ko. Kaya nagpapasalamat kami ng sobra at ikaw ang napili niya."-mom ni Prey
Lumapit ang daddy ni Prey kay Prey, hinaplos haplos ang ulo niya, at nakita kong tumulo na rin ang luha ng daddy niya.
"Kurt, sabi sakin ni Prey nung naging kayo, tuwang tuwa siya. Kausap namin siya sa internet. Kitang kita sa mata niya na masayang masaya siya lalo na nung tumagal tagal kayo. Alam mo Kurt, nung nalaman niyang lumalala ang sakit mo, pinagdasal niya na sana siya nalang ang mawala, kaya nung gumaling ka, nakita namin kung gaano siya nagpapasalamat sa ama natin. Pero nung nagkaroon kayo ng misunderstanding, sabi niya samin, naiintindihan ka niya. Di niya lang talaga kaya na kausapin ka nung araw na sinabi mo sakanya na ikaw yung Justin. Pero lagi niyang hinihintay text, tawag, okaya ang pagpunta mo sa apartment. Naalala ko din na kada tawag namin sa kanya sa internet lagi siyang nadi-disappoint kasi hindi ikaw yung tumatawag. Mahal na mahal ka ng anak ko Kurt, sabi pa nga niya, tapat na tao lang ang hiniling niya makasama sa buhay, pero ang binigay sakanya, mabait, matiyaga, palaban, makakasundo, at mapagmahal. Kumbaga tinapay lang ang hiningi niya, pero burger ang binigay sakanya. Kaya Kurt nagpapasalamat kami sayo ng marami, ik---" -napahinto ang sasabihin ni Tito dahil sa nagsalita si Prey
"Daddy? Bakit po kayo umiiyak.?"- wala pang alam si prey, kaya kami na ang nagsabi sakanya..
"Iho, anak iwan muna namin kayo,"-daddy ni prey
"Prey, ughmm okay na na ba ang pakiramdam mo?"-ako, di ko alam kung paano sisimulan kaya...
"Okay naman ako, pero di ko alam kung anong nangyayari, kung bakit nandito tayo sa ospital, kung bakit nakahiga ako, and take note sa ospital ako nakahiga hindi sa apartment ko."-mapagbiro parin si prey kahit papaano, wala ba siyang nararamdaman na kahit ano?
"Ughmm Prey, nandito ka kasi, ano, naalala mo ba nung natulog tayo sa labas tapos maganda yung tanawin?"
"Oo naman,"
"Ka-kasi paggising ko pawis na pawis ka dahil nakatutok satin yung araw pero hindi ako ganun kapawis, pero ikaw pawis na pawis ka, tapos nanginginig ka, ginigising kita pero di ka magising kaya, humingi na ako ng tulong at dinala ka dito."
"Ano daw sabi ng doctor? May sakit daw ba ako?"
"Sabi ng doctor. Bawal daw sayo ang maarawan, mapagod, kumain ng madami, bawal din naman yung onti lang, dapat yung sakto lang, bawal ka din tumakbo kahit saglit lang, kasi may sakit ka. Matagal na."-di ko namalayan na tumulo na yung luha ko. Ayoko sanang ipakita sakanya pero di ko na kaya.
"Sa-sakit? Anong sakit? Wala akong sakit. Wala akong nararamdaman. Matagal na? Kung matagal na, bakit ngayon lang? Bakit ngayon lang ako nanghihina? Huh?"
"Prey, ngayon lang kumalat yung sakit mo. Nung pinacheck ka namin, positive ang lumabas. Ngayon mo lang nararamdaman yan kung kelan malala na. Kung itutulad siya sa cancer, stage 4 ka na. May taling na ang buhay mo Prey," nakita kong tumulo na rin ang luha niya.
"Kurt! Wag ka nga umiyak. Dapat ako lang umiiyak. Pero dapat talaga walang iiyak. Ayoko na makita kayong umiiyak okay? Ayoko ng ganun! Di pede ang ganun, dapat masaya lang. Dapat imbis na umiiyak tayo, sinusulit natin ang bawat oras na magkasama tayo o-okay? *hikbi*"-tumango ako at niyakap si Prey, kahit nasasaktan ako ng sobra di ko kailangan ipakita sakanya na malungkot ako, kami.
Binantayan ko si Prey hanggang sa makatulog siya. Lumabas ako at kinausap ang magulang niya pati narin ang mga kabarkada namin. Umiiyak sila pero sinabi ko na wag nilang ipapakita kay Prey na malungkot kami, dahil ayaw ni Prey ng ganun.
Umalis muna ako at bumili ng spaghetti. Dinala ko toh, para kay Prey.
Pagbalik ko sa hospital, nakita kong nakangiti si Prey. Sana matagal ko pa makikita ang mga ngiti niya. Natutuwa ako at napapasa nila Lea si Prey, iba talaga kapag bakla,
"Oh guys eto na yung spaghetti, sorry natagalan daming umoorder eh"-ako, binigyan ko na si Prey, at ngumiti siya,
"Salamat Kurt. Salamat sa lahat."-parang iba ang naging kutob ko. Parang may ibang mangyayari. Wag sana. Mali sana ang kutob ko. Di pa pede, di ko pa kaya.
---
/////
AN: HI GUYSSSSS!!! Welcome me back! grabe. Sorry late late late late update. Nakalimutan ko kasi Password ko eh. Sorry talaga.
So sana madami parin sumoporta neto. Salamat sa mga nag aabang ng story ko ^____^ haha love you all <3
BINABASA MO ANG
Never Say Die!!
Short StoryMeet the two couple na isa sakanila ay may sakit. Madaming Twist sa buhay.. Pero NEVER SAY DIE ang motto nila in LIFE ..