"HAPPY BIRTHDAY KURT REYES SANTIAGO"
May banner silang hawak hawak. Madaming recycled things ang ginamit nila sa design. Yung damit nila pareparehas na may nakasulat na WE LOVE KURT. Pero isa lang talaga ang pinagkataka ko. Wala siya.
"Na-nasan si, Prey?"-ako
Naghiwa-hiwalay sila. Pumunta si Jenny sa stage at may inayos. Hinatak naman ako ni Andrew papunta sa stage. Si Lea naman inayos yung ilaw, si Sandra nagpatay ng ilaw.
May video na puro picture ng barkada ang lumalabas. Mga nag-video message din sila. Isa lang talaga ang wala. Si Prey. Habang pinapanood ko yung video, may narinig akong kumakanta.
Ang awiting ito..
Ay para sayo..
Sintunado man tong mga pangako sayo..
Ang gusto ko lamang.
Kasama kang....
Tumanda..
..Alam ko na siya yun. Hinahanap ko siya pero di ko siya makita. Biglang umilaw yung nasa gitna ng court. May babaeng nakatayo dun. Si Prey. At ngayon ko lang naisip na nasa covered court pala kami.
Patatawanin kita
Pag di ka masaya
Bubuhatin kita pag nirayuma ka na
O kay sarap isipin
kasama kang tumanda
Habang kumakanta siya. Napatingin ako dun sa pictures. Mga pictures na namin dalawa yung lumalabas.
Ibibili ng balot
Pag mahinang tuhod
Ikukuha ng gamot
Pag masakit ang likod
O kay sarap isipin
Kasama kang tumanda..
Haha. Di ko akalain na sumasayaw pala tong si Prey. Hmm. Singer na dancer pa. Tama talaga napili ko.
Lumapit na siya sakin.
Sasamahan kahit kailan man
Humigit kumulang
Di mabilang
Tatlumput araw
At isang buwan
Umabot man tayo ng
Three thousand, one..
"Kurt, salamat sa lahat, nagpapasalamat ako kasi naging parte ka ng buhay ko, nagpapasalamat ako kasi sa dami dami ng babaeng nagkakandarapa sayo, ako ang napili mo. Kurt sobrang saya ko lalo na't magaling ka na ngayon. Pasensiya na kahapon huh, ito yung dahilan kung bakit pinapauwi na kita ng maaga eh. Kailangan kasi namin tapusin. Haha. Ang mais ko noh? ughmm Kurt, sorry kung dito ko naisip na i-celebrate birthday mo, may meaning kasi yun, alam mo na, covered KURT. Haha. Hmm pasensiya sa recycle na ginawa namin, ayaw kasi nila gumastos eh. So ayun. Happy happy birthday, matanda ka na! Haha, I love you."-prey
Mali ba na umiyak ako ngayon? Baka kasi sabihin niyo napaka-emo ko. Pero kung may masaya man na nangyari sa buhay ko, yun ay ang nalaman ko na mahal niya rin ako.
"Una sa lahat, salamat kasi ginawa niyo toh at sa totoo lang gusto na tumulonng luha ko, di ko lang pinapatulo kasi nakakahiya. Pangalawa, salamat sa inyong lahat, lalong lalo na saiyo prey. Wala akong masabi. Sobrang saya. Thank you!" -niyakap ko siya at nagsikanthan sila ng HAPPY BIRTHDAY TO YOU.
Nagsiinuman sila, at dahil sa di ako umiinom ng alak, nakipagkwentuhan lang ako.
"Kurt iihi lang ako."-prey
"Sige!"-ako
"( in a drunk way ) alam niyo dapat sinasabi niyo na kay Prey, masama magsinungaling! turo sakin yun nila mommy!"-jenny
F*ck me! Bakit sinasabi niya toh? Buti di niya naiisipang sabihin kay Prey
"Alam mo lasing ka na, tama na yan"-andrew
"Di ako lasing, haha. di pa ko lasing. Di pa ko-----*tulog*--"- jenny
"Jenny?"-sandra
"Uy jenny gising!"-lea
"Hayaan niyo na! Baka magising pa pag nandito na si Prey eh."-ako,
"Eh tol, bakit ba kasi ayaw mo pa sabihi---"-andrew
"Oh? Bakit ka natahimk? Anong sasabihin? Kanino? Sakin ba ? Ano yun?"-prey
"Uy, Ano kasi, ayaw pang .- sabihin ni kurt kay Jenny yung first day niyo sa room niyo, yung natapilok ka! Oo tama yun nga, ayaw ikwento ni Kurt kay Jenny eh, yan nakatulog na tuloy."-andrew
"Haha, yun ba?"-prey
"Ah--O-oo yun nga." -ako, di naman ako nagsisinungaling sakanya eh. May mga bagay lang talaga akong nagawa, pero sasabihin ko yun sakanya. Sa tamang panahon.
"Guys iuwi niyo muna si Jenny, ikaw na maghatid Andrew tapos Lea hatid mo na si Sandra"-prey
"Ano? No! Dapat siya ang naghahatid sakin noh!"-lea
"Sus ihatid yan! Kadiri!"-lea
"As if naman na magpapahatid ako sayo!"-sandra, biglang umalis, napaka ano kasi nitong si Lea eh, sarap upakan.
"Oh ano di mo pa ba ihahatid?"-ako
"Pshh. FINE!! Oy SANDra!! Reyna ng Buhangin!! Oy!! Hintayin mo ko"-lea, na siya din ang dahilan kung bakit napahinto si Sandra.
"Sige na una na kami, Prey ingat ka! Oy tol! Ingatan mo si Prey ah! May sapak ka saming apat pag hindi. Lalo na yung ano! Sa----"-andrew
"---OO SASABIHIN KO! Pakielamero! -___-"-ako
"Haha!"-prey, baliw na ba toh? o lasing din? Bigla bigla nalang tatawa, wala naman nakakatawa. Tsk.
"Bakit?"-ako
"Wala trip ko lang, tara na?"-prey
"Tss. Baliw! Tara na!"-ako
Naglalakad kami sa kalasada, nagkukwentuhan, at may nangyaring hindi inaasahan..
[ Prey's POV ]
Naglalakad kami ngayon ni Kurt. Medyo tahimik, akalain niyo yun naging romantic yung birthday niya, hoo grabe, sana naman may kilig tong si Kurt sa katawan, sana kinilig siya sa ginawa ko kanina, sa ginawa namin. Medyo nakakahiya din yun noh.
Naghalwat ako ng gamit ko, pero napansin ko na wala yung wallet ko, baka naiwan ko sa court, nakita ako ni Kurt na naghahalwat sabi ko yung wallet ko, bigla nalang siya tumakbo patawid at biglang..
*beep!!!!!!!!!***
"KURT!!!"-
-//
AN: yeah. LATE UPDATE..
BINABASA MO ANG
Never Say Die!!
Short StoryMeet the two couple na isa sakanila ay may sakit. Madaming Twist sa buhay.. Pero NEVER SAY DIE ang motto nila in LIFE ..