1 : New Beginning

6K 128 90
                                        


READ THIS CHAPTER CAREFULLY PARA HINDI PO KAYO MAGULUHAN, THAT'S ALL.




Ethan's POV


"Sorry for how I acted, nagulat lang ako. I'm Zenadia by the way, Jacob's girlfriend" 

I think my world just stopped when I heard her say those words. I should be happy to see her again alive and doing well, but the fact that she's already taken by someone.. it breaks me.

I-I.. can't.

"Ethan we're here" dinig kong sambit ni Kade

Kahit na medyo malalim ang iniisip ko kanina ay agad akong bumaba at lakad takbo na naglakad papunta sa office ni HM. Kakabalik lang namin nina Kade at Danica dito sa Magia pagkatapos ng nangyari sa resto ni Jacob.

That motherfucker, he stole Zenadia away from me!

Agad kong pinakalma ang sarili ko dahil baka mapatay ko ang walang hiyang taong lobo na iyon. Without knocking, I opened the door of HM's office but I also saw goddess Trina there.

"Just right on time" nakangiting sabi ng dyosa

"G-Goddess Trina" bati nina Kade at Danica sabay yuko kaya wala akong nagawa kundi yumuko lang din bilang pagglang

"Raise your heads, royalties" pagkasabi nun ay umayos na kami ng tayo

"Nasaan ang iba?" tanong ni HM

"They are still in mortal world" sagot ko bago sumeryoso "HM, what's the meaning of that?" tanong ko "I know that you're aware of what I'm talking"

"Calm down, prince Ethan. Take a sit first" mahinahon na anito

Napabuntong hininga nalang ako sa umupo kami kaharap ng dyosa at ni HM. Kanina ko pa gustong gustong balikan si Zenadia at yakapin sya ng mahigpit pero base sa inaasta nya, hindi nya kami maalala, hindi nya ako naalala. Even if I want to explain her everything, I don't know if that would be a good move so I just decided not to.

"How come Zenadia is alive? Don't get me wrong HM and goddess Trina. You both know how much I wish for this to happen but how?" nalilito kong tanong

"A half and year ago, me and the other 12 Thrones decided to resurrect Zenadia. Not only because she saved all of us from Gretphine but also because she deserves it. Nahirapan kaming makipag usap sa dyos ng mga kaluluwa kasi naiiba kumpara sa nakakaraming kaluluwa ang kalagayan ni Zenadia. She wasn't killed by anyone, she just died because Gretphine hold a half of her life that caused her death. And to be honest, the god of souls really loves Zenadia's soul, it's one of his favorites, that's why nahirapan kaming pakiusapan sya" paliwanag ng dyosa

Gagong dyos yun ah, aangkin pa ang sakin.

"Pero kalaunan napilit namin siya na ibigay na saamin ang kaluluwa ni Zenadia pero may kapalit," anito at diretsyo na tumingin sa mata ko "Mawawala ang ilang mga alaala nya at mapapalitan iyon ng mga peke"

"So that's why Zenadia acted like she didn't know us, because she really doesn't remember.." mahinang sambit ni Danica

"That's right princess Danica, kasama sa mga alaalang nawala sakaniya ay ang lahat ng tungkol sainyo. Nawala din ang alaala nya tungkol sa lahat ng may kinalaman sa kapangyarihan" sabi naman ni HM

"But her eyes.. why isn't it purple?" naguguluhang tanong ni Kade

I saw it too, only her hair is purple earlier, Zenadia's eyes now are just plain brown.

"Because we shut down her powers and abilities for the meantime, so she won't be confused on what's happening and for her memories not to be triggered. Babalik sa pagiging lila ang kulay ng mga mata ni Zenadia kapag bumalik na din ang mga alaala at ang kapangyarihan niya" paliwanag ng dyosa

The Fate That Awaits Her (COMPLETED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon