34 : Gineva

1.1K 63 9
                                        


Zenadia's POV


"Zen, maggagabi na. Pwede bang mag pahinga muna tayo?" reklamo saakin ni Vil pero hindi ko sya nilingon at nagpatuloy pa din sa paglalakad.

"Later"

Wala siyang magawa kundi maglakad nalang din at sumabay saakin. Naka anyong tao sya ngayon dahil hindi sya pwedeng mag palit sa tunay nyang anyo. Naandito na kami sa Gineva kaya baka pagkaguluhan siya ng mga nilalang dito.

Ilang minuto lang ay nakarating na din kami malapit sa imperyo ng mga bampira. Hindi ko halos tanda ang mundo na ito kaya di ko pwedeng gamitin ang teleportation, habang si Vil naman ay hindi pwedeng gamitin ang kapangyarihan nya dito.

She can only use her powers freely in Magia pero kapag nasa ibang mundo na sya, pwede nya lang gamitin ang kapangyarihan at kakayahan nya kapag kailangan lang. I don't know who set that rule in their clan, it's too damn complicated.

Nasa kagubatan kami, ang nag sisilbing ilaw nalang sa dinadaanan namin ay ang kulay pula na buwan at pati na din ang fire lanterns na ginawa ko. Ilang sanali lang ay mas lalong lumalim ang gabi kaya tumigil muna kami sa gitna ng kagubatan.

"I think we can spend our night here" sabi ko at tumingin sa paligid.

May mga kakaibang tunog ng hayop kaming nadidinig at pati na din ang tunog ng mga kuliglig sa paligid. May mga nag tataasang mga puno at medyo takip din ang liwanag ng buwan dahil sa mabubungang dahon sa mga sanga ng puno.

"Sleeping in the woods knowing that there are wild creatures around. What a nice idea to get killed" Vil said sarcastically

"Looks like someone forgotten that she's also a wild creature" pang aasar ko sakanya kaya sinamaan niya ko ng tingin

Gamit ang earth element, inalis ko lahat ng naliliit na ugat na nakaangat sa lupa para walang lubak lubak. Umupo ako sa ibaba ng puno habang si Vil ay nanatiling nakatayo sa gilid ko habang pamasid masid sa paligid.

"Are you serious that we're gonna stay here?" tanong nya

Pumikit nalang ako at sumandal sa puno saka ang cross arm "Kung ayaw mong matulog, magpatulog ka ng iba"

I heard her snorted but I didn't mind her. I secretly created invisible barrier around us. Ayaw kong gamitin ng sobra ang kapangyarihan ko dahil baka matakot ko ang ikang hayop sa paligid at baka magkagulo pa okaya may biglaang sumugod saamin.

This is not my world so I shouldn't make fights with any of the creatures here, I'm not a troublemaker... but I really love troubles, tho.

Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog pero nagising nalang ako nang nadinig ko nanaman yung nakakabinging tunog at biglang sumakit yung ulo ko ng sobra.

"Argg.."

Napahawak nalang ako sa ulo ko habang nakapikit ng mariin. Pakiramdam ko ay pinag papawisan ako ng malamig pero hindi ko iyon halos mapagtuunan ng pansin dahil sa sobrang sakit ng ulo ko.

I tried to open my eyes but I can only open half of it. Napapangiwi ako sa tuwing sinusubukan kong gumalaw ng gumalaw dahil mas lalo atang sumasakit ang ulo ko. I looked for at Vil but I can't see her, she's nowhere around me, I can't feel her aura also.

Dahil wala naman aking magagawa, nagpalabas muli ako ng isang maliit na lightning bolt at ginawa iyong parang dagger saka unti unting sinugatan ang braso ko. Napangiwi nalang ako sa sakit pero mas guminhawa naman pagdating sa pananakit ng ulo ko.

Ilang sandali pa ay tumigil na ng tuluyan ang pagsakit ng ulo ko at pati na din yung nakakabinging tunog kaya kaagad ko ng pinaglaho yung lightning bolt. I also healed myself but it took me a minute, masyado ko na atang ginagamit ang pagpapagaling ko ng sugat sa sarili ko nitong mga nakaraang linggo.

The Fate That Awaits Her (COMPLETED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon