22 : Beach (Part 2)

1.1K 68 10
                                        


A/N: DAPAT TALAGA WALA PANG POV SI ZEN KASO HINDI NYA TALAGA AKO HINAHAYAAN. ANG HIRAP IPAGPATULOY NG STORY NG WALANG SIDE NI ZEN HAHAHA. (JUST SHARING)




Zenadia's POV


Nang matapos akong mag ihaw ay si Ethan na ang nag bitbit nun papunta sa loob ng cottage. Tsk, ang yabang yabang pa kanina eh halos sunog nga yung limang piraso na inihaw niya kanina.

Dahil kakakain palang naman namin ni Ethan kanina sa kotse nya habang nasa byahe ay ang mga kasamahan muna ang kumain. I'm just drinking a buko juice when I noticed that Ethan was holding nothing.

Tumingin ako sa paligid ng lamesa pero wala ng extra na buko juice, mukhang kulang ata yung naorder kaya inabot ko sakanya yung buko juice ko na hindi ko pa halos naiinuman. Kumunot noo nya at taka na tumingin sa buko juice na nasa mismong buko pa talaga.

"Ayaw mo?" tanong ko sakanya kaya kaagad nyang kinuha ito saakin at uminom

"Hmm  it's sweet" he said while grinning

Hindi nalang ako nag kumento dahil alam ko naman kung anong kamanyakan ang pumasok sa isip nya. Habang nakain ay nakikipag kwentuhan sina Kade kina Reg at mukhang hindi naman nag seselos si Danica dahil nakikisabay pa ito.

"Zen?" tawag sakin ni Ara na katabi ko lang

"What?"

"Pwede pasama? Please? Hindi ko kasi tanda yung pabalik sa kwarto eh" nakangusong aniya at sinulyapan si Adrian na busy sa pakikipag usap sa ibang mga guro kasama si Miller "Ayaw ko namang abalahin si Adrian"

Ngumiti ako ng tipid at tumango "Sure" akmang tatayo na sana nang hibawakan ni Ethan kamay ko na nakatago sa ilalim ng lamesa kaya napaharapa ko sakanya

"Where are you going?"

"Sasamahan ko lang si Ara pabalik sa kwarto nila" sabi ko

"Just be quick" aniya at binitawan ang kamay ko na para bang iyon ang pinaka mahirap na ginawa nya

Hindi ko na sya sinagot at sinamahan na si Ara pabalik sa hotel. May suot syang crochet cover-up pero kita pa din ang ka-sexyhan niya, though, she looks adorable mote than hot. Mukhang hindi na ata maaalis kay Ara ang ganung aura.

Nang makarating kami sa suite nila ay pumasok na din ako sa loob kesa naman sa maghinatay ako sa labas. Magkakasama sa iisang suite sina Ara, Diana at Danica habang sa kabilang suite naman ay yung mga lalaki.

Apat ang magkakasama bawat kwarto pero pinilit ni Ethan na humiwalay ako sakanila kaya solo tuloy ako sa isang room pero ayos lang naman iyon sakin dahil hindi din ako sanay na may kasamang matulog na hindi ko naman kakilala ng husto sa iisang kwarto.

"Zen! Try mo ito oh, bagay sayo!" tili ni Ara sabay bigay saakin ng isang dark blue two piece "Apat lang talaga lahat ang dala kong ganyan pero dumaan kasi kami kanina sa isang pamilihan tapos naisip ko na baka magustuhan mo yan, diba favorite color mo ang blue?" nakangiting tanong nya

"Yeah"

Napapalakpak naman sya at mukhang excited pa "Then wear it! Please, please please? Zen, suotin mo yan please" pagpipilit nya saakin habang nakayakap sa braso ko

"I don't know how to swim" nakangiwi kong sabi. I know it's shameful because at the age of 24, I still don't know how to swim.

"Ay oo nga pala.." aniya at biglang nalungkot saka inalis ang pagkakayakap nya sa braso ko "Sayang naman"

Napatingin ako muli dun sa two piece at hindi naman ito ganun ka revealing, hindi tulad ng ibang mga swimsuit. Napatingin muli ako kay Ara at kita ko pa din ang lungkot sa mukha nya at pagkadismaya. Napabuntong hininga nalang ako, mukhang mapapasubok ata ako dito eh.

The Fate That Awaits Her (COMPLETED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon