9 : Turned On

1.4K 66 12
                                        


Ethan's POV

Nang makauwi ako sa mansion ay agad na napatayo sina Draven na nasa living room at mukhang hinihintay ang pag uwi ko.

"Anong nangyari prince Ethan? Ayos na ba si Zen?" agad na tanong ni Miller

"She's asleep so I'm not sure, but I think she is" simpleng sagot ko at napaupo sa tabi ni Kade sa iaang mahabang sofa "I also talked to tito Dave"

"Anong sabi?" tanong ni Diana

"Nothing important, he just reminded me about the coronation" sagot ko at napahilot sa sentido

"Sa isang taon na nga pala ang pagpapasa ng trono sayo" mahinang sambit ni Danica kaya tumango ako

"What are you planning now?" seryosong tanong ni Kade "Sa ating lahat, ikaw ang mas may alam tungkol sa mga batas Ethan, hindi ka pwedeng maging hari kung wala kang asawa na gagawin mong reyna"

"I'm fucking aware of that Kade" irita na sabi ko

"Ano ng gagawin mo Ethan?" tanong naman ni Draven

"Hindi natin pwedeng madaliin na bumalik ang alaala ni Zen" sambit ni Adrian

"At syempre, sigurado nama na hindi ka magpapakasal sa iba bukod kay Zen" sabi naman ni Ara

"I don't know, I really freaking don't know what to do, okay?" sabi ko at napasabunot sa buhok dahil sa frustration

Natahimik silang lahat at ang ilan ay napabuntong hininga. Hindi ko pwedeng biglain si Zen, makakasama iyon sakaniya at baka mawala pa sya sakin pero hindi din naman ako papayag na magpakasal sa iba. Kaso kung hindi naman ay malalagay sa alanganin ang Sacred at Fire Kingdom kasi walang panibagong mamumuno at baka magkaroon pa ng agawan sa trono.

"May paraan pa!" biglang irit ni Ara kaya napalingon kami sakanya

"Ano/What is it?" tanong nila

Nagkatinginan sina Adrian at Ara na para bang nag uusap ang mata nila. Ilang sandali ay natawa naman si Adrian bigla na kinakunot ng noo namin

"Mukhang nakakalimutan nyo na ang kapangyarihan ni Ara" anito

"Pero hindi natin pwedeng gamitin kapangyarihan natin dito, baka may makakita" sabi ni Diana

"Yun ay kung may makakakita" nakangising sabi ni Draven

Napailing iling nalang sina Kade, Danica at Miller dahil sa kalokohan na sinabi ni Draven.

"We need to try everything so, I'm in" sabi ni Miller

"Game din ako" sabi naman ni Diana

"Fine, we're also in" sambit ni Kade at hinawakan ang kamay ni Danica

Napatingin silang lahat saakin kaya kumunot noo ko "What?"

"Game ka ba Ethan?" tanong ni Adrian

"As long as it won't cause any harm to Zenadia, I'll try to cooperate" simpleng sabi ko

Napapalaklak si Ara at Diana, sina Draven, Adrian at Miller naman ay nakangisi. Habang sina Kade at Danica ay napailing iling nalang habang pinagmamasdan ang mga anboy naming kaibigan.

"Let's start planning, then?" sabi ko at sumangayon naman sila.

Halos abutin ng tatlong oras ang pag plaplano namin dahil mga walang kwenta at kalokohan na suggestions ni Draven. Nang matapos kaming mag plano ay aakyat na sana ako sa kwarto ko nang nagtanong bigla si Diana.

"Wait, diba patay na yung papa ni Zenadia?" tanong niya

"Huh?" takang tanong nila

"Noong nasa Vie de Islium kami bago maganap yung digmaan sa pagitan ng Oscuro at sa akademya, nameet namin yung papa ni Zen"

The Fate That Awaits Her (COMPLETED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon