Zenadia's POV
"Layas na" pagpapataboy ko kay Ethan nang makababa ako sa kotse nya pero napakunot noo ko nang bumaba din sya "And where the hell do you think you're going?"
"Stupid, I'm going to buy groceries also" sabi nya at napaawang ng kaunti ang bibig ko nang inirapan nya ako saka naunang pumasok sa grocery store.
He's probably the most moody man there is! Kaninang umaga ay para pa syang galit nang pinagsabihan nya kami ni Jacob about PDA. Tapos nung nasa playground kami ng elementary, para syang nakakita ng multo sa sobrang gulat at pagkabalisa.
Nang pumunta ako sa office nya, nag wawala sya at nang dinala mo sya sa clinic, para naman syang batang masunurin. And then, nang bumisita sya sa classroom, dinaig nya pa ang mga bata, he even invented the itchy bitchy spider of his. Tapos kanina ay para syang spoiled brat na nag mamaktol kanina and now, para syang babaeng may menstruation sa sibrang sungit!
Napaismid nalang ako saka pumasok na din sa loob ng grocery store. Kumuha ako ng cart at pumunta sa meat section. Habang namimili ako ay ramdam ko na may nakatingin saakin kaya inikot ko paningin ko sa paligid pero wala naman akong makita kaya napakibit balikat nalang ako saka muling nag patuloy sa pamimili.
Nang matapos ako sa meat section ay agad akong namili ng mga gulay pero akmang kukunin ko na sana yung repolyo nang may kumuha na nun. Inis kong tiningnan kung sino yun pero agad akong napairap nang nakita ko na si Ethan lang pala.
He looked at me in disbelief "Did you just rolled your eyes on me, stupid!?"
Hindi ko sya pinansin at kumuha nalang ng panibagong repolyo saka pati na din ng iba pang gulay. Nakasunod lang saakin si Ethan at minsan minsan ay naglalagay din sya sa cart nya. Nangangalahati na yung saakin pero iilang piraso palang yung sakanya. Namimili ba talaga ito o ginagaya lang ako?
Napatigil ako sa fruit section at agad na kumuha ng oranges, watermelon, grapes at pineapple. Saktong napadako tingin ko sa apples nang may naalala ako bigla. Napailing iling dahil doon at agad na kumuha ng isang nakabalot na apples pero nagulat ako nang sunod sunod din na kunuha si Ethan ng mga nakabalot na mansanas.
"You like apples that much?" hindi makapaniwalang tanong ko habang nakatingin sa halos mahigit limang nakabalot ang kinuha nya at bawat isa nun ay may apat na mansanas
"Yeah, I just remembered something funny about apples" saad nya at bahagya oang natawa
Lihim akong napangiwi dahil sa sinabi nya pero hindi na ako nag kumento pa at nagpatuloy nalang sa pamimili. Pumunta kami sa mga snacks at agad na kumuha ng ilang tinapay pero napatigil ako nang bigla nalang naglapag ng kung ano anong pagkain si Ethan sa cart nya.
"Wasabi flavor yan" pigil ko sakanya nang akmang kukuha sya
"What?" taka nyang tanong
Napailing iling nalang ako dahil mukhang wala syang kaide-ideya sa mga pinag kukuha nya. Lumapit ako kay Ethan at sinipat yung loob ng cart nya pero halos mapangiwi ako ahil magkakaiba yun lahat. Merong kulang kulang at ang iba naman ay parang extra lang.
"Namimili ka ba talaga o gusto mo lang magsayang ng pera?" tanong ko sakanya kaya napakamot sya sa batok na para bang nahihiyang sumagot
"W-Well.. this is actually my first time doing this so I really don't have any idea what should I buy" pag amin nya at napaiwas pa ng tingin
Napabuntong hininga nalang ako at kumuha ng isang walang laman na cart at doon inalis lahat ng mga hindi naman kaikangan ni Ethan. Ang natira lang ay yung apples at iilang snacks. Dahil masyadong kakaunti ay pinag sama ko na sa cart ko yung mga pinamili nya at saakin.
BINABASA MO ANG
The Fate That Awaits Her (COMPLETED)
FantasyPURPLE EYES TRILOGY BOOK 3 During the mission of the royalties with their friends in mortal word, they saw once again the girl with purple eyes whom they thought that already died. But they can't be together, not that easily. Zenadia lost her...
