Zenadia's POV
Hanggang sa makarating kami sa bahay ay tahimik lang ako at ganun din naman siya. Dahil sa sobrang traffic kanina ay halos kalahating oras kami sa byahe imbis na 15 minutes lang.
"Thanks, I guess" sabi ko at akmang lalabas na pero hinawakan nya ang braso ko kaya napatingin ako doon
"Can we be.. a-ahm.. you know, friends?" he asked and he murmured something "Friends, my foot tsk"
Kumunot noo ko dahil sa tanong niya "You're my boss, Ethan. And it's awkward to be friends with your boss"
Napasimangot naman sya dahil doon "But you're friends with that Regie and he's your boss before right? Anong pinag kaiba nun saatin? Bakit sakaniya pwede tapos saakin bawal? That's fucking unfair!" pagrereklamo nya
Napangiwi naman ako dahil para syang batugang bata na nag rereklamo sa tuwing hindi sya nabibigyan ng laruan. Seryoso, ilang taon ba itong kasama ko? He's acting like a seven years old spoiled kid.
"Oh eh ano naman ngayon? Matagal ko ng kakilala si Reg at ikaw, wala pang halos isang linggo nang nagkita tayo. And I barely know you, pangalan mo lang ang alam ko" sagot ko sakaniya kaya mas lalong lumukot mukha nya. "Nasagot ko na tanong mo, baka pwede mo na akong bitawan?" irita na sabi ko at tiningnan muli yung kamay nyang nakahawak saakin
Pero may sayad ata ito sa utak. Imbis na bitawan ay nginitian nya pa ako saka hinawakan mismo ang kamay ko at pinag saklop nya pa mga daliri namin. Pilit kong tinanggal iyon pero ayaw nyang bitawan.
"Bibitaw ka o ihahampas kita sa manibela mo?" inis kong sabi at buong pwersa na hinigit kamay ko kaya napabitaw sya
"Omu-oo ka na kasi, please? Let's be friends then lovers after" malanding aniya at kinindatan pa ako
"I already have a boyfriend, Ethan. Hindi sawsawan ang relasyon namin para makisawsaw ka kaya tigil tigilan mo ako" seryosong sabi ko at lumabas na sa kotse nya
Hindi ko na sya nilingon hanggang sa makapasok ako sa loob ng bahay. Sakto naman na naabutan ko sina Chelsea at papa sa living room na nanonood ng cartoons.
"I'm home" sabi ko at nag palit ng tsinelas
Lumapit ako kay papa at nag mano bago ako pabagsak na umupo sa isang single sofa dahil sa pagod at sakit ng katawan ko.
"Ate, mukhang pagod na pagod ka" alalang sabi ni Chelsea at lumapit sakin saka hinalikan ako sa magkabilang pisngi
Napangiti naman ako dahil sa ka-sweetan ng kapatid ko "Medyo pagod lang sa trabaho"
"Anak, mag palit ka na muna ng damit mo at kumain ka na bago ka pagpahinga" utos saakin ni papa
"Opo"
Umakyat na ako sa kwarto ko pero hindi muna ako nag palit at agad na akong humiga sa kama dahil sa pagod. Ganito naman ako lagi tuwing Friday kaya medyo sanay na ako pero hindi ang katawan ko.
Nang makapag pahinga ako sandali ay pumunta na ako sa banyo saka nag babad sa muna sa bathtub. Bigla kong naalala yung nangyari kanina sa cafeteria at muli iyong pumasok sa isip ko.
"What the fuck are you doing?" tanong ko
"Why do you have to talk to Kade alone?" tanong nya pabalik
"Why should I tell you?"
"Is there any reason for you not to tell me?"
"Is it appropriate to answer a question with another question?"
BINABASA MO ANG
The Fate That Awaits Her (COMPLETED)
FantasíaPURPLE EYES TRILOGY BOOK 3 During the mission of the royalties with their friends in mortal word, they saw once again the girl with purple eyes whom they thought that already died. But they can't be together, not that easily. Zenadia lost her...
