Zenadia's POVBumyahe kami ng mahigit 15 minutes bago nakarating sa isang amusement park. Hindi ko na hinintay na pag buksan pa ako ni Ethan ng pintuan dahil lumabas na kaagad ako at kita ko naman ang pag busangot niya.
Lumapit saamin sina Kade at sabay sabay kaming nag lakad papunta sa entrance para magbayad ng entrance fee. Halos lahat ata ng makasalubong namin ay pinag titinginan kaming lahat. Sino ba naman ang hindi? Kulang nalang ay kumpletuhin ng buhok namin ang kulay ng rainbow.
Nang makarating kami dun sa mismong entrance ay nilapitan na namin yung babaeng naandoon sa loob ng isang maliit na kwarto pero salamin ang harapan nito at may butas. Nang makita nya kami ay napatulala sya sa katabi ko, which is Ethan na walang paki sa paligid.
"Excuse me?" pag agaw ko ng atensyon nya
Nangangalay na ko kakatayo dito pero nakatulala pa din siya kay Ethan at parang inaakit pa ito. Napabuntong hininga ako at padabog na pinalo ang kamay ko dun sa maliit napatungan doon kaya napaigtad sya pati na din ang mga kasamahan ko.
"Ay halimaw!" gulat na sabi ni Miller pero di ko sya pinag tuunan ng pansin
"Should I call your manager or you'll stop staring at him and do your job?" irita kong tanong dun sa babae
I suddenly feel irritated and I want to pull her eyeballs, tsk.
"S-Sorry po ma'am" agad na paumanhin niya
Sina Kade ang nag bayad ng entrance fee at nang maikabit na saamin yung parang sticker na braclet at pumasok na din kami kaagad. Nag kalat ang mga stalls at rides sa paligid. Mas nakalakap kami ng atensyon nang nag simula na kaming mag lakad lakad.
"Wow, ang ganda naman dito" mangha na sabi nila Ara
"Ngayon lang kayo nakapunta dito?" taka kong tanong na agad naman nilang tinanguan.
"Yup! Wala kasing ganito sa mundo--- ahh.. I-I mean, sa dating tinitirhan namin eh" sabi ni Adrian at napakamot sa batok
Dahil wala nga silang alam dito ay ako pa ang ginawa nilang tourist guide. Nag lakad muna kami papunta sa isang stall na may mga water guns at lata.
"Aba'y kay gaganda at gwapo nyo naman" mangha na sabi nung matandang lalaki na nag babantay doon
"I know, right" Danica said confidently before she flipped her hair
"Manong, pano laruin ito?" tanong ni Draven habang sinisipat yung isang water gun
May nilagay naman siyang apat na maliit na galon sa gilid at puno iyon ng tubig. Dahil mukhang kahit sa paggamit ng water gun ay wala silang alam, inexplain pa ni manong kung paano iyon gamitin ng maayos.
"So we just need to shoot those empty cans?" tanong ni Kade
"Oo ihjo, tatlo lang ang kailangang patumbahin tapos pwede ka ng pumili ng gusto mong premyo" aniya
"Woah! This will be easy" nakangising sabi ni Draven
"Easy as one two three" dagdag naman ni Miller at mukhang excited pa.
"Kayang kaya natin ito, papatumbahin lang pala" ani naman ni Adrian at bumwemwelo na sa pwesto niya.
Napagusapan namin na sina Kade, Adrian, Miller at Draven ang mag lalaro kasi dahil sa apat lang yung water guns ay ayaw ko din namang makisali pa sakanila. Si Ethan naman ay nasa gilid ko lang at parang bagot na bagot na kaagad.
Nang makapag bayad sila ng apat na laro ay nag simula na din nilang barilin yung mga lata gamit ang water guns. Hindi naman kalayuan ang mga lata at ilang dipa lang ang layo pero dahil water guns lang ang gamit nila ay halos hindi nila mapagsak kahit isa.
BINABASA MO ANG
The Fate That Awaits Her (COMPLETED)
FantasiaPURPLE EYES TRILOGY BOOK 3 During the mission of the royalties with their friends in mortal word, they saw once again the girl with purple eyes whom they thought that already died. But they can't be together, not that easily. Zenadia lost her...