Zenadia's POV
"Reg" tawag ko sakanya
Naandito kami ngayon sa may parking lot habang sina Ethan ay nasa loob pa ng hotel. Kailangan na kasing bumalik nina Reg sa school dahil tapos na ang holiday.
"Oh mare, bakit? Hindi ka ba sasabay saamin?" tanong nya. Inabot ko sakanya ang isang sobre kaya kunot noo nya iyong tiningnan "Ano ito? May laman ba itong cheque?"
Ngumiti ako ng tipid at umiling "Mag reresign na ako" sabi ko kaya halos mapanganga sya sa gulat
"S-Seryoso ka ba dyan bakla? Sure na sure na ba?" paninigurado nya at tumango ako "Grabe ka naman bakla! Nakaka-shook yun ah! Why naman so biglaan?"
"Sorry kung di ko kaagad nasabi pero may nacontact na akong kapalit ko, I think she'll be in school tomorrow"
"Planado na talaga pagreresign mo noh? Eh bakit nga kasi? Alam ko namang mahal na mahal mo ang mga bata eh" sabi nya at hinawakan parehas kong kamay "Pinag reresign ka ba ni sir Ethan?"
Umiling ako at nag explain pa sakaniya bago ako payagan. Sinabi ko na ako na ang mag papaalam kay Ethan kaya umalis na din sila. Pagkabalik ko sa hotel ay nakasalubong ko sina Ethan pero hindi ko mahagip si Miller.
"Where's Miller?" I asked
"May natipuan na babaeng crew, ayun kinukulit" natatawang sabi ni Draven
"Na-love at first sight ata eh" pagbibiro naman ni Adrian kaya napabungisngis si Ara
"Bagay nga sila ih"
"Nga pala Zen," napatingin ako kay Kade nang tinawag nya ko "Nakaalis na ba sina Reg?" tanong nya kaya tumango ako "Hindi ka pa ba sasabay sakanila? Not that I want to pero may trabaho ka pa, right?"
"I resigned" kibit balikat kong sagot
"You what?" kunot noo na tanong ni Ethan
Walang gana ko syang tiningnan bago muling binalik tingin ko kay Kade. I heard him hissed pero hindi ko pa din sya pinagtutuunan ng pansin. Pagkatapos nya akong baliwalain simula kagabi, tsk magtiis sya dyan.
"Why aren't you wearing the glasses?" tanong ko kay Kade
Napakamot naman sya sa batok "Zen naman, pwede bang iba nalang?" nahihiyang aniya
Ngumisi ako at umiling "Nope" sabi ko at hinila sya papunta sa elevator dahil sa kwarto nya nakalagay yung mga pinamili namin kanina
"Zen, Kade! Saan kayo pupunta!?" dinig naming sigaw ni Diana
"Baka sa kwarto" natatawang sabi ni Danica
Hindi na namin sila pinakinggan at kaagad na sumakay sa elevator. Pagkasara na pagkasara nung pintuan ay agad na nagmakaawa sakin si Kade.
"Zen naman, pwedeng kahit utusan mo nalang ako ng kahit ano, wag mo lang ipasuot sakin yun"
"You're the one who picked the consequence, Kade"
He stomped his feet on the ground like a kid having tantrums "Zen"
"No" I said with finality
Nang bumukas yung elevator ay halos higitin ko sya papunta sa suite nila. Nang makapasok kami ay inaasahan ko na na mawalawak talaga ang tinutuluyan nila. They're royalties after all.
"Zen please?" muling pagmamakaawa sakin ni Kade nang makarating na kami sa kwarto nya
"Nah-uh" muling pagtanggi ko at hinalungkat yung pinamili namin kaninang umaga saka kinuha yung glasses "Wear it"
BINABASA MO ANG
The Fate That Awaits Her (COMPLETED)
FantasiaPURPLE EYES TRILOGY BOOK 3 During the mission of the royalties with their friends in mortal word, they saw once again the girl with purple eyes whom they thought that already died. But they can't be together, not that easily. Zenadia lost her...
