32 : Sufferings and Sacrifices

1.3K 67 12
                                        

Zenadia's POV


Nang matapos akong mapasuka ay kaagad kong inayos saka nilinis sarili ko at lahat ng naisuka kong dugo. Nagpalit na din ako ng damit at sinunog ang lumang damit ko na namantsyahan ng dugo. I can't let anyone see that there's a stain of blood on my clothes.

"Zenadia? Tapos ka na bang mag ayos? Naiinip na si Hestia, baka hindi ka na nya tirhan ng pagkain" dinig kong sabi ni Evadne sa labas ng kwarto ko

Huminga ako ng malalim at tiningan ang sarili ko sa salamin sa huling pagkakataon bago ko buksan yung pintuan. Bumungad saakin si Evadne kaya kaagad kong sinarado ang isip ko. She can see everyone's feelings and she can also hear their thoughts.

"Tara na" nakangiting aniya

Sumabay nalang ako sakaniya sa paglalakad hanggang sa nakarating kami sa ikatlong palapag ng bahay. Open space ang kalahati nito at doon nakalagay ang isang may kahabaang lamesa at mga upuan. It's like a rooftop restaurant pero iisang table lang.

"Oh, mabuti naman at nandyan na kayo. Kumain na tayo at nalamig na ang pagakain" masungit na ani ni Hestia na nasa gitna ng lamesa

Kaagad akong umupo sa gitna sa kabilang dulo ng lamesa kaya parang kaharap ko si Hestia. Katabi ko si Kreios sa kanan habang si Evadne naman sa kaliwa.

      Evadne – Lycus
ako --------table-------- Hestia
       Kreios – Castor

Tahimik lang kami habang nakain, as usual. Higit limang daang taon na silang lahat pero ang mga itsura nila ay nananatiling parang nasa 30's palang. I don't like calling them lola or lolo, they don't like it also. I'm not using po and opo since they said that it's okay. Well, I'm not polite in the first place.

"Ano ng plano mo ngayon, Zenadia?" tanong saakin ni Kreios matapos naming kumain

"I need to regain my strength and speed in fighting first before going to Gineva and meet the alpha" simpleng sagot ko

"Then what will happen next? Pagkatapos mong makausap ang alpha, ano pa ang plano mo?" tanong ni Hestia kaya napatingin ako sakaniya "Hindi mo naman siguro inaasahan na aalisin nya kaagad ang koneksyon mo sa isang taong tobo, hindi ba?"

"If he won't then I'll make him"

"Paano mo naman gagawin yun? Isang pinuno ang kakaharapin mo, Zenadia, hindi madali ang gagawin mo" tanong ni Lycus

"Wala pang nakakapagpawalang bisa ng koneksyon sa isang taong tobo kapag tinadhana ka ng makasama ito habang buhay. Sigurado ka ba na magtatagumpay ka?" alinlangang tanong naman saakin ni Castor

Napabuntong hininga ako at napatingin sa paligid "Wala namang kasiguraduhan kapag sasabak ka sa isang laban diba?" tanong ko at tumingin sakanila

"Pero paano kung hindi ka magtagumpay?" tanong naman ni Evadne

Natawa ako ng mahina dahil sa sinabi nya "Evadne, I never lose and I never will"

"Hanggang ngayon ay hindi pa din nawawala ang kayabangan saiyo" iritang sabi ni Hestia bago tumayo kaya tumayo na din ang apat pang Elders "Wag mong kalimutang inumin ang mga gamot na ibinigay sayo ng mga manggagamot para maiwasan ang madalas na pagsakit ng ulo mo" aniya bago naglakad paalis

Nanatili pa ako ng ilang minuto doon bago bumaba. May mga katulong naman dito na naglilinis kaya sila ng bahala sa mga pinagkainan namin kanina. Pumasok na ako sa kwarto ko at kaagad na sinarado ang pintuan.

May invisible barrier naman akong nilagay sa palibot ng kwarto ko kaya kampante ako na walang makakapasok dito bukod saakin ng walang permiso ko.

Kinuha ko yung dalawang maliit na bote sa ibabaw ng lamesita at deretsyo na ininom iyon. Napangiwi pa ako dahil sa sobrang sama ng lasa. It's like a herbal medicine, it smells and taste like one. Pagkaupo ko sa isang mini sofa ay sakto naman na may kumatok mula sa pintuan.

The Fate That Awaits Her (COMPLETED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon