Zenadia's POV
Nang makauwi kami dito sa bahay ay agad akong sinalubong ng yakap ni Chelsea, my little sister.
"You're home ate!" magiliw na aniya kaya natawa ako ng unti
"Yes, and your kuya Jacob is with me" sabi ko kaya mas lalong nagliwanag mukha ni Chelsea
"Kuya Jacob!" sabi nya at patakbo na pumunta dito
Agad namang niyakap ni Jacob si Chelsea "Hey little lady, did you miss me?"
"Opo kuya Jacob! Ang tagal nyo ng hindi bumibisita dito eh" sabi ni Chelsea at ngumuso
"Pero last 2 weeks lang noong nagkita tayo"
"That's too long enough kuya Jacob! Nababagot na ako dito sa bahay, hindi na tayo nakakapamasyal" nakangusong sabi ni Chelsea
Her full name is name Chelsea Cai and she's already 10 years old. Naging malapit na si Jacob sa pamilya ko lalo na kay papa Dave simula noong nang niligtas nya ko mula sa isang aksidente.
Jacob even almost spoiled Chelsea everytime they're together kaya tuwing umuuwi ako dito sa bahay ay laging tinatanong saakin ni Chelsea kung kasama ko daw ba si Jacob.
"Gusto mo bang mamasyal tayo?" dinig kong tanong ni Jacob kaya lumapit na ako sakanila
"Talaga po kuya? Ngayon na po!?" excited na tanong ni Chelsea
Akmang sasagot na sana si Jacob pero sumabat na ako "Chelsea, pagpahingahin mo muna kuya Jacob mo, kakagaling nya lang sa trabaho" sabi ko
Napanguso si Chelsea pero alam kong naiintindihan naman nya ako dahil tumango siya ng tatlong beses at kumalas sa yakap kay Jacob.
"Sa susunod nalang kayo mamasyal okay?" sabi ko
"Opo ate" sagot nya
"Good. Nasaan nga pala si papa?" tanong ko
"Nasa kusina po ate. Gusto nya daw kasi ipagluto tayo, lalo na't bumalik na si kuya Jacob"
Napailing iling nalang ako dahil sa sagot ng kapatid ko "Punatahan mo nga si papa, baka tuluyan na nyang masusunog yung kusina" sabi ko
Napabungisngis naman si Chelsea at agad na pumunta sa kusina. We all know that papa Dave is terrible when it comes to cooking. Ilang beses na nyang sinubukang mag luto noon pero laging nasusunog ang mga niluluto nya. Ultimong hotdog at bacon ay nagmumukhang uling dahil sa sobrang pagkasunog.
"Hon, bakit mo naman pinagbawalan si Chelsea na lumabas kami ngayon?" tanong ni Jacob
Umupo kami sa sofa bago ako sumagot "Bukod sa gabi na, kakauwi mo lang galing Davao Jacob, plus nagtrabaho ka pa kanina. You need to rest too, Jacob"
Every three months kasi ay umuuwi si Jacob sa pamilya niya sa Davao ng buong isang linggo pero kahit isang beses ay di pa ako nakasama dahil masyado yun malayo at hindi ako sanay sa mahabang byahe saka medyo busy din ako sa work.
"Pero kaya ko---"
"No more buts" suway ko
"Hay, mananalo ba naman ako sayo?" sabi nya at niyakap ako patagilid "Ang ganda ganda talaga ng girlfriend ko" sabi nya
"You and your flowery words" iling iling na sabi ko
"But I'm serious hon! You look always divine" aniya
Natawa nalang ako ng kaunti dahil sa pambobola nya. Sa loob ng anim na buwan naming magsintahan, lagi nya naman sinasabi saakin na maganda ako okaya ang sexy ko. A day won't be complete if he's not complimenting me.
BINABASA MO ANG
The Fate That Awaits Her (COMPLETED)
FantasíaPURPLE EYES TRILOGY BOOK 3 During the mission of the royalties with their friends in mortal word, they saw once again the girl with purple eyes whom they thought that already died. But they can't be together, not that easily. Zenadia lost her...
