25 : Beach (Part 3)

1.3K 68 15
                                        

Zenadia's POV


Pagkalabas ko ng kwarto ay bumungad agad saakin si Ethan na mukhang kanina pa ata ako hinihintay. Sinarado ko yung pintuan at lumapit sakaniya.

"Kanina ka pa?" tanong ko kaya napaayos sya ng tayo

"Ah no," sagot nya at nilahad ang kanyang kanang kamay "let's go?"

Bumaba kami sa may lobby ng magkahawak ang kamay. May ilang napapatingin sa gawi namin pero parehas kaming walang pakialam kaya derederetsyo lang kami sa paglalakad hanggang sa nakita namin sina Ara na naghihintay.

"Where's the others?" I asked

"Yung mga katrabaho mo ba Zen?" tanong ni Miller kaya tumango ako "Nauna na sila eh, may banda kasing nakanta sa may malapit sa dagat kaya gusto daw nilang mapanood"

"Tara na, gutom na ko hehe" sabi ni Draven sabay hila kay Diana

"Kailan ka ba hindi nagutom" busangot na sabi ni Diana

Magkahawak din ng kamay sina Kade at Danica pero pansin ko na medyo malayo ang agwat nina Ara at Adrian. Hindi din sila nag kikibuan hanggang sa makalabas kami ng hotel. Did they had a fight?

Pumunta kami sa isang outdoor restaurant malapit sa may dagat. May isang mini stage sa unahan at doon nakapwesto ang isang banda na kumakanta. Natanaw namin sina Reg at ang iba pa pero dahil hindi naman kami kasya sa iisang table ay nag limahan kami.

Kasama ko sa iisang table si Ethan, Kade, Danica, Reg, at sina Kyle at Jona, co-teachers ko. May mga naka order ng foods kaya nag umpisa na din kaming kumain. Sa kalagitnaan ay bigla akong kinuhit ni Reg kaya napalingon ako sakanya.

"Bakla, bakit magkasama kayo ni sir Ethan kanina? I smell something fishy ha" nanunukso na aniya

"Don't make an issue on it, Reg" simpleng sabi ko

"Eh si Jacob? Bakit hindi sya kasama ngayon? Dapat pinapunta mo para madaming fafables sa paligid!" mahinang tili nya

Napatigil ako sandali sa pagkain at bumuntong hininga "We broke up" sagot ko, kung iyon ang matatawag sa pag hihiwalay naming dalawa. Naging boyfriend ko naman talaga sya kahit na puro kasinungalingan lang ang sinasabi nila saakin.

"Hala! Why oh why? Bakit?" pangungulit nya "Sayang naman, bagay pa man din kayo ni Jacob"

Sasagot na sana ako nang bigla akong hinapit ni Ethan papalapit sakaniya "Zenadia and I look more better together" seryosong usal nya

"Ang tsimoso mo" ismid ko at umayos ng upo

"Ay taray ah, ang possessive" bulong ni Reg pero hindi na din sya nangulit tungkol kay Jacob

Akmang susubo na sana ako ng pagkain pero pinigilan ako ni Ethan kaya napaharap ako sakanya "What?"

"Feed me" nakangiting aniya sabay ngumanga ng kaunti

Napairap nalang ako sa hangin at sinubuan sya ng pagkain na saakin dapat. Para naman syang tanga na nakangiti habang nanguya, ang babaw ng kaligayan nito. Nagpatuloy nalang ako sa pag kain habang sinusubuan sya. Minsan ay yung pagkain ko pa ang gusto nyang kainin kesa dun sa nasa plato nya.

"Sir Ethan, Sam, kayo ba?" tanong bigla ni Jona kaya napatingin kami sakanila

"Oo nga po sir, grabe ang subuan na nagaganap pa, nakakalanggam sa sobrang sweet" pangangatsyaw naman ni Kyle

"Wag nyo ng tanongin yang dalawa" nakangising sabi ni Kade

"Yeah, nothin in between" natatawang ani nsman ni Danica

The Fate That Awaits Her (COMPLETED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon