36 : Zelorus

1.2K 64 7
                                        


Zenadia's POV


Ilang minuto pa kaming nanatili sa paraiso na iyon bago bumalik sa loob ng mansyon ng alpha kasama sina Citar at Beris, ngunit nanatili silang dalawa na tago sa paningin ng iba. Tanging kami lang ng kasalukuyang alpha ang nakakakita at nakakadinig sakanila.

"Zen," kaagad akong sinalubong ni Jacob habang si Vil naman ay nakatingin lang saamin sa di kalayuan "What happened?"

"Everything's fine" simpleng sagot ko bago nilingon si Vil "10 months" simpleng sabi ko sakaniya

Tulad ng inaasahan ko ay naintindihan nya ang ibig kong sabihin. Nag bow sya saakin bago siya umalis. Huminga muna ako ng malalim bago hinarap muli si Jacob na mukhang walang ka-ideideya sa nangyayari.

"What do you mean by 10 months?" taka nyang tanong

"I'll be gone for 10 months, and during that time, I'll be trained how to be a Gratia..." maikling pagpapaliwanag ko sakaniya "... properly" dagdag ko pa

Shock and disbelief is written all over his face and it took seconds before he recovered "Are you sure about this? W-Will you be okay?" alala nyang tanong

Kahit na alam kong nag aalala lang siya ay hindi ko mapigilan na mapangiwi "That question is quite offensive, Jacob. It sounds like you're underestimating me"

"No! It's not that.." kaagad nyang pag tanggi

Tinapik ko ng dalawang beses ang balikat nya at ngumiti ng kaunti "You said it yourself before, I have all what it takes to be a Gratia. All I need now is to be trained properly" sambit ko at akmang mag sasalita pa sana siya ay pinigilan ko na "Don't worry too much. Just focus on how you can endure the pain in 10 months" sabi ko

Hindi na naman siya kumontra pa at tumango nalang pero patuloy sya sa pagpapaalala saakin na mag iingat ako at wag papabayaan ang sarili ko. To be honest, if I just met Jacob earlier than Ethan, I would have choose to be with him than that idiot.

Admit it or not, Jacob is like a perfect boyfriend material. In that 6 months of our relationship, he made me feel special and loved by him. He never fails to remind me to eat on time and never exhaust myself during work.

Too bad for him but my heart is already possessed by that idiotic crown prince.

"Handa ka na ba?" tanong ni Citar saakin

Tango nalang ang sinagot ko at pasimple na huminga ng malalim. Naandito na kami ngayon sa isang kweba na nagdudugtong patungo sa Alvera. The last time I went there, I killed Ella and fought with thousands of giant statues. I just hope that I won't destroy a single statue this time.

Naiwan sa imperyo ang alpha dahil hindi sya pwedeng umalis doon at baka may mangyaring masama. Kaming tatlo lang nina Citar at Beris ang nag lalakad ngayon sa madilim at mahabang daanan ng Alvera.

Luckily, wala namang humarang sa dinadaanan namin. Mukhang pinhintulutan kami na dumaan dito at hinarangan na ang kung ano at sino mang mga nilalang ang pwede naming makasalubong.

Hindi ko alam kung ilang oras o ilang araw na kaming nag lalakad hanggang sa nakita na namin ang napakalaking gate na patungo sa mundo ng Olympia. Tulad ng dati ay hindi ko makita kita ang pinaka tuktok ng gate na ito dahil sa sobrang taas at laki. It literally looks like a gate for giants than a gate for deities.

"Can we enter that gate without fighting any of these statues?" tanong ko sa dalawa kong kasama

"Oo naman pero tanging ikaw lang ang pwedeng pumasok" sambit ni Beris kaya napalingon ako sakaniya at kinunutan sya ng noo

The Fate That Awaits Her (COMPLETED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon