Zenadia's POV
Nagising diwa ko nang nay naramdaman akong kumikiliti sa ilong ko. Sinubukan kong alisin kung ano man ang bagay na nakadikit sa ilong ko pero ilang sandali lang ay may kumikiliti nanaman.
Irita akong tumagilid ng higa pero hindi pa din tumitigil yung kumikiliti sa ilong ko kaya hindi ko na napigilan na mapa-haching.
"Aray!"
Kaagad akong napamulat dahil sa matinis na boses na iyon. Luminga linga ako sa paligid at nakita ko ang isang parang alitaptap na nasa tabi ko. Nang lumipad ito papalapit saakin ay saka ko lang ruluyan na nakita na isa pala itong fairy-- ah no, it's a pixie actually, sobrang liit nya eh.
"Who the hell are you?" tanong ko
"Ako po si Rose, ang inyong pixie" anito, hindi ko man makita ng malinaw ang mukha nya dahil sa kaliitan, alam kong nakangiti ito
Tumigin ako sa bintana at nakita ko na sobrang dilim pa sa labas. Pagsulyap ko sa orasan ay halos mapamura ako nang nakita kong 3:10am palang. Inis kong binalingan ng tingin si Rose at sinamaan sya ng tingin.
"It's only fucking 3:10 in fucking morning! Bakit ka nanggising?" hindi ko mapigilan na mairita sakaniya at kamuntikan ng tirisin.
"Pasensya na po kung ginambala ko pagtulog ninyo pero pinapagising ka na po ng dyosa Trina" pagkasabi nya nun ay kaagad na naglaho ang inis ko
Nalimutan ko na naandito nga pala ako sa Olympus, ang kaharian ng 12 Thrones. Dapat ngayon palang ay masanay na ako sa mga biglaang panggigising saakin ng pixie na ito. Napabuntong hininga nalang ako at tumango ng dalawang beses.
"I'll just take a shower" sabi ko at tumayo
"Gusto nyo po bang daluhan ko kayo?" magalang na aniya
"No need" sagot ko at dumeretsyo sa banyo.
Bumungad saakin ang napakalawak at napakalaking paliguan, mas malaki pa ito sa bathroom ni Ethan eh. May isang malaking pabilog na bathtub na gawa sa totoong ruby. Ang shower room naman ay may babasaging pintuan at pader nito na ang bawat sulok ay gawa sa ginto.
Ang sink ay may malaking salamin na halos kalahati ata ng pader ang sakop. Kulay mga ginto din ang gripo at pati na din ang bawat sulok ng cabinet, pati yung toilet ay nakakahiyang upuan dahil sa sobrang kintab.
May isa pang pintuan na nasa kanang bahagi ng banyo na nakadugtong sa walk-in closet na parang nagmimistulan ng isang boutique sa sobrang laki at dami ng mga damit.
Meron pang isang pathway na papunta naman sa isang indoor swimming pool na literal na kumikinang ang tubig sa ganda, dumagdag pa ang pagtama ng liwanag ng buwan mula sa bintana na halos sakupin ang buong pader sa sobrang laki.
Damn.. just damn.
Mabilis lang akong nag linis ng sarili ko at nag suot ng dress na kulay puti. Nagpatulong pa ako kay Rose dahil patong patong na damit ang kailangan ko daw suotin bago pa yung dress at halos hindi ako makahinga dahil sa sobrang hapit nito sa katawan.
"I want to burn this goddamn dress" inis kong sabi habang nakatingin sa malaking salamin na nasa loob ng walk-in closet.
"Iyan po ang pinapasuot sainyo ng dyosa. Alam niya kasing hindi kayo sanay sa mga ganiyang suotin kaya pinili nya ang pinaka simple" magalang na paliwanag saakin ni Rose habang bllumilipad sa gilid ko
"So you're telling me that this dress is simple?" hindi makapaniwalang tanong ko
"Opo"
Napapikit ako ng mariin at mabigat na bumuntong hininga para ikalma ang sarili ko. This is my first day of training how to be a Gratia, yet but I'm already starting to regret it. I just hope I can last long in this freaking dress.
BINABASA MO ANG
The Fate That Awaits Her (COMPLETED)
FantasyPURPLE EYES TRILOGY BOOK 3 During the mission of the royalties with their friends in mortal word, they saw once again the girl with purple eyes whom they thought that already died. But they can't be together, not that easily. Zenadia lost her...
