33 : Getting Ready

1.2K 57 10
                                        

Zenadia's POV


"Are you telling me to fucking read all of these!?" hindi makapaniwalang tanong ko kina Lycus at Castor. Mas lalo akong nairita nang sabay silang tumango ng tatlong beses.

"Kailangang may kaalaman ka kapag hinarap mo na ang alpha" usal ni Lycus

"One.. two.. three.. four.. seven goddamn books!?" sighal ko at muli ay tumango sila ng sabay "No fucking way"

"Hindi ka lalabas sa silid na ito hanggang sa hindi mo natatapos basahin ang mga librong iyan. At wag mo ding isipin na mandaya dahil may mga ipapasagot kami sayo tungkol sa mga nasa libro" saad ni Castor kaya sinamaan ko sila ng tingin

"I don't need to read all of these tsk"

"A  with a sword and shield can be a knight, but a warrior with knowledge, can be a king" Lycus said. As usual, he and his words of wisdoms. "Who do you think will win? The knight? Or the king? Choose who you want to be, Zenadia"

"Babae ako, Lycus. Hindi ako pwedeng maging kawal o hari"

"Zenadia" suway nilang dalawa saakin dahil sa pamimilisopo ko

Hindi ko mapigilan na mapairap at padabog na humarap sa lamesa kung saan nakapatong ang pitong libro. "Just get out" ismid ko sakanila at umupo na sa upuan

Nadinig ko ang mga hakbang nila papalayo at ang pagsarado ng pintuan. Inis akong napapadyak at sinamaan ng tingin yung mga libro na babasahin ko. Wala akong nagawa kundi sundin ang inuutos nila dahil may punto naman ang sinabi ni Lycus sakin kanina.

Kinuha ko yung isang libro at nag simula ng magbasa kahit na kanina ko pa gustong sunugin ang mga ito hanggang sa maging abo. Pero nasa ikatlong pahina palang ay ako parang gusto ko ng sumuko.

Shutang ina wala talaga akong maintindihan.

Nguniy wala naman akong nagawa kundi magpatuloy nalang sa pagbabasa kahit na ayaw ko. Halos abutin ako ng tatlong oras sa isang libro at hindi ko alam kung paano ako nakatagal ng hindi ko pinupunit ang mga pahina nito.

Kumuha ako ng isa pang libro at inumpisahang basahin ito. This one is a lot more easier to read than the previous book. Wala pa ako sa kalahati ng libro nang may gumambala saakin.

Kung kailan naman sinisipag akong magbasa.

"Zenadia?" dinig kong may kumatok sa pintuan pero hindi ko iyon pinagtuunan ng pansin dahil bagot na bagot na ako dito. I heard some footsteps pero hindi ko pa din ito nilingon. "Here's your food" usal ni Evadne habang may tulak tulak na trolley na gawa sa kahoy

"You have lots of servants here or someone who you can order to bring me my meal, why bother bringing it yourself?" tanong ko habang nakatutok pa din ang atensyon sa libro

"Alam naming mainit ang ulo mo dahil pinilit ka naming nag basa ng mga libro, baka ibunton mo pa sa mga katulong ang inis mo kaya minabuti na namin na ako na ang mag dala ng tanghalian mo" paliwanag nya

"Tsk, based on what you said, it makes me look like a immature lady"

"Sayo na mismo nanggaling iyan" aniya at ngumiti ng matamis

Sinamaan ko nalang sya ng tingin hanggang sa makalabas sya sa library. Tinapos ko lang ang isang libro na binabasa ko bago ako kumain at kaagad na ding nagpatuloy sa pag babasa.

Sa ikaapat na libro ay hindi ko na mailang kulang ilang beses na ba akong naghikab. Fudge, books are really my number one sleeping pill.



The Fate That Awaits Her (COMPLETED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon