5 : Annoyed (Part 1)

1.5K 91 18
                                        


Zen's POV

"Can I join you?" napahigpit hawak ko sa kubyertos ng narinig ko ang boses niya

"You can have this table, sir" sabi ko at tatayo na sana nang nagsalita sya muli

"Hindi ka pa tapos kumain, you can finish your food first before you leave. Don't worry, I won't speak. Parang wala ka ring kasama" sabi niya

Napabuntong hininga nalang ako saka muling umupo dahil kakaumpisa ko palang din naman kumain. Hindi ko siya pinansin o nilingon manlang at inabala ang sarili ko sa pagkain. Patapos na sana ako nang biglang nag vibrate yung phone ko na nasa ibabaw ng lamesa.

Jacob calling...

I immediately answered his call, not minding the guy in front me "Hey"

"Hi hon, lunch break nyo na right?"

"Yup, why did you called? May problema ba?"

"Ah no, actually itatanong ko lang sana kung free ka tonight?" he asked

"Yes, tatapusin ko lang yung report ko kay Reg then my schedule is free" sagot ko at napangiti ng kaunti "Are you going to ask me for a date tonight Mr. Jacob Clemonte?" pag aasar ko sakniya

I heard him chuckled "Well, yes. 7pm?"

"Sure"

"Great. Saan kita susunduin? Sa bahay nyo or sa condo mo?"

"Sa bahay nalang, baka bukas pa ako umuwi sa condo eh"

"Okay, then it's a date. See you later hon, I love you" he said sweely

"Yeah, see you later too" sabi ko at pinatay na ang tawag. Babalik na sana ako sa pagkain nang napansin ko na nakatingin saakin si Ethan kaya tinaasan ko siya ng isang kilay "What?"

"Your boyfriend?" tanong nya pabalik

Akala ko ba di sya mag sasalita?

"Why do you asked?" kunot noo kong tanong

"Nothing, so answer me, is that your boyfriend who called?"

"Why should I tell you?"

"Is there any reason why you can't answer me?" pagtatanong nanaman niya

Susungitan ko na sana siya nang may biglang pumasok biglang senaryo sa utak ko kaya napasapo ako sa ulo ko nang sumakit iyon.

"What the fuck are you doing?" tanong ko

"Why do you have to talk to Kade alone?" tanong nya pabalik

"Why should I tell you?"

"Is there any reason for you not to tell me?"

"Is it appropriate to answer a question with another question?"

(A/N: BOOK 1 chapter 54 : Awake. Pwede nyo pong balikan kung nakalimutan nyo na itong scene na ito)

"Hey.. are you okay? Do you need anything? Does your head hurts? Do we need to go to clinic? or hostpital?" sunod sunod na tanong ni Ethan at hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala siya

Wala sa sarili akong napailing at agad na napalayo sakaniya. Akmang hahawakan na sana nya ako pero kusa kong tinabig ang kamay niya. Parehas kaming nagulat sa ginawa ko at bakas sa mukha nya ang kakaibang emosyon

"Excuse me" sabi ko at agad na tumayo saka umalis doon

Dumeretsyo ako sa classroom ng next class ko at dahil wala pang kahit isang estudyante dito ay solo ako. Agad akong napaupo sa desk ko at napatingin sa kawalan.

The Fate That Awaits Her (COMPLETED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon