Chapter 16

984 16 1
                                    

Enjoy reading~

Addison

Naglalakad na kami ni Bryce kasama ang kapatid niya papuntang parking lot, nauna nang sinundo sina Maddie kanina kaya ngayon ay kami na lang tatlo ang magkasama.

I'm holding the teddy bear that Alex got from the arcade awhile ago. He said this is also his gift for me, sabi ko naman ibigay na lang niya sa kapatid niyang babae o sa pinsan niya kaso he insist so kinuha ko na lang. And during that time, Bryce was busy talking to his brother. Gusto ko nga siyang yayain maglaro kaso parang seryoso ang pinag-uusapan nila na hindi tugma kung nasaan kami eh.

Isang oras at kalahati lang kami sa arcade dahil agad sinundo sina Maddie. Nakalimutan niya na ganoon oras niya sinabihan ang driver niya na sunduin sila, hehe masyadong nag-enjoy sa kakalaro eh.

Kaya ngayon tatlo na lang kami, though hindi naman sasabay saamin si Xander dahil dala raw niya ang kotse niya. Ngayon lang kami makakauwi dahil may binili pa siya saglit na kailangan ng opinyon ni Bryce. Rinig ko na para ata sa condo niya. Chismosa ka Addie, singit ng isip ko. eh anong magagawa ko kung may tainga ako at naririnig silang mag-usap na nasa tabi ko lang nang mga oras na iyon, panunuya ko naman sabi sa isip ko.



Nauuna ako sakanilang maglakad at medyo malayo nang kaonti sakanila. Maganda nang ganoon para hindi ko na marinig ang usapan nila, mamaya mahuli na naman ako ni Bryce na nakikinig sa usapan nila ng kapatid niya.

Nakalapit na ako sa kotse ni Bryce at pinanuod silang makalapit saakin.

"Damn kuya haha, it's just a toy relax." Nakatawang sambit ni Xander na ikinakunot ng nuo ko sakanila.
Anong tinatawanan niya? Takang sambit sa isip.

Masama lang siyang tinignan ni Bryce bago dumapo saakin ang malamig niyang mga mata. I gave him my sweetest smile and leaned my back at the passenger seat's door.

Nagpatuloy sa paninitig si Bryce nang tumikhim si Xander kaya nabaling sakanya ang tingin ko.

"I'll go ahead kuya, Addison. There's my car, ingat sa byahe kuya." Paalam niya
Kumaway ako sakanya at sinabihan siyang mag-ingat din sa byahe.

"Tawagan mo ako pag nakauwi ka na Grayson Xander." Mariin na utos ni Bryce sa kapatid bago sumakay ng sasakyan nito. Pinanuod ko munang makaalis ang kotse ni Xander bago binalingan ng tingin si Bryce na nasa harapan ko na pala.

Bumaba ang tingin niya sa hawak ko bago tumitig sa mga mata ko, sinalubong ko naman at binigyan siya ulit ng ngiti. Pero as usual blank face na naman siya.

"You like that?" Aniya
Tinagilid ko ang ulo ko at tinitigan pa siya nang maayos. Gosshh ang gwapo talaga hehehe.
Nagising ako sa pagdedaydream ko nang hawakan niya ang baba ko at inangat pa nang bahagya.

Napahigpit ang kapit ko sa laruan nang sumalubong saakin ang mga mata niyang malamig pa sa yelo.

"Addison" aniya bago nilagay sa gilid ng ulo ko ang mga kamay niya, binaba niya ang ulo kaya ngayon ay pantay na ang mukha namin at magkalapit pa.
Kumabog ang dibdib ko sa pagkakalapit namin pero hindi sa ilang kundi sa tuwa, dahil siguro umamin na ako sakanya kaya ngayon ay gusto ko na magkalapit kami lagi. Wala Addie, nababaliw ka lang talaga kaya ganoon, panunuya kong sabi sa sarili.

"Y-yeah?" bulong ko
Kinagat ko ang ibabang labi nang magsimulang mag-init ang mukha ko.

"That kid like you, will you let him court you?" Pabulong pero seryoso niyang sabi.
Bumaba sa labi ko ang tingin niya bago inalis ang pagkakagat ko sa ibabang labi. Bumuka ang bibig ko nang marahan niyang haplusin gamit ang hinlalaki niya ang ibabang labi.
"Answer me Addison" mariin niyang utos

Paints & Guns [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon