Chapter 22

962 21 0
                                    

I dedicated this chapter to leleanne_14 and others for always voting every update. Enjoy reading~

•••

Addison

"Time to go to bed you two." Sabay-sabay kaming napalingon sa pinaggalingan ng boses at nakita si Bryce na nakasandal sa hamba ng pintuan habang nakasakbit sa balikat niya ang backpack ko.

"Iihhh kuya we're still enjoying chitchatting  with ate Addison eh." Ungot ni Avery na kinangiti ko. Tahimik lang si Cassandrea pero makikita sa mga mata niya ang pgtutol sa sinabi ng kuya nila. Bumaba sa mga kamay niya ang tingin ko at nakita ang hawak niyang pabango, iyon pala ang kinuha niya kanina nang pumasok siya sa banyo.

"There's still another day for that so for now go to bed." Seryosong utos ni Bryce kaya wala nang nagawa ang mga kapatid kung hindi sumimangot na kinatawa ko nang mahina.

"Sige na, babalik ako sa sabado." Nakangiting turan ko na kinatili nila.
Mahina akong tumawa at binalingan si Bryce na napapailing na lang sa inakto ng mga kapatid.

Nakatitig pa rin ako sakanya nang bumaling siya saakin. Matama niya akong pinagmasdan bago tuwid na tumayo at naglakad palapit saamin.

Tahimik niyang inabot saakin ang bag ko.

"Thank you" pasasalamat ko na kinatango lang niya bago nilingon ang mga kapatid at tinaasan ng kilay na agad naman nakuha ng mga ito.

Pinanuod namin maglakad ang dalawa palabas ng pinto nang lumingon si Cass at pinakita ang hawak nito.

"Kuya akin na lang 'to hehe."

"I already gave you a new one, right?" Takang sambit ni Bryce

"I want this one" she said with a pout.

"There are just the same Cassandrea."

"Eehhh basta kuya, akin na 'to." Ani Cass at mabilis na lumabas ng kwarto na kinailing lang ni Bryce.

"I gave her like 3 new bottles of that perfume but she still wanted mine." Hindi makapaniwalang sambit ni Bryce habang nasa pinto pa rin ang tingin, humagikhik ako na kinalingon niya at tinaasan ako ng kilay.

Tinikom ko ang bibig ko at pilit na pinipigilan ang ngiting gustong mamutawi sa mga labi ko.

Iniwas ko na ang tingin sakanya at tinuon na lang sa pagbukas ng bag ang atensyon. Naramdaman ko naman siyang naglakad palayo sa kama.

Hindi ko na muna siya pinansin, nilabas ko ang A5 sketchpad ko at ang pencil case ko.

Pagbukas ko ng sketchpad ko ay mukha agad ni Bryce ang bumungad.
Nanlaki ang mga mata ko dahil mali ang nadala kong sketchpad, imbes na yung isa na puro landscape o mga gamit ang drawing.

Sunod-sunod kong nilipat ang mga page at puro mukha ni Bryce ang nakadrawing.

Napailing na lang ako sa pagkakamali ko bago pinagsawalang bahala na lang, siya na nga lang ang idodrawing ko.

"Oh, speaking of drawing" bulong ko at inangat ang tingin sakanya na nakaupo at may laptop na nakabukas sa harap niya.

Blanko ang mukha niya at may kung anong tinitignan doon, napansin ko rin nagiigting ang bagang niya.
May problema ba? Sambit sa isip.

Is this the right time to ask him about that? Kung pwede ba siyang maging subject sa drawing project namin.

"What is it Addison?" Aniya na nagpaigtad saakin, ni hindi ko man siya nakitang nag-angat ng tingin saakin. Naramdaman niya siguro nakatingin ako kaya kahit hindi na siya mag-angat ng tingin.

Paints & Guns [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon