Chapter 14

996 18 0
                                    

Enjoy reading~<3

Addison

"Get in the car" Seryoso niyang sabi.

Napalingon ako kay Maddie at nanghinayang na hindi kami makakalabas ngayon.

"Next time na lang." mahinang sabi ko na ikinatango niya habang bahagyang nakabusangot.

Nagpaalam na ako kanila Fred at Alex bago naglakad palapit sa kotse niya at ramdam siyang nakasunod saakin.

Malapit na ako sa pinto ng passenger seat nang magsalita si Bryce na ikinatingin ko sakanya.

"Where are you going?" Akala ko ako ang kausap niya kaya nagtaka ako lalo na sa kotse lang naman niya ako pupunta ah.

Pagtingin ko sakanya nakatingin siya kanila Maddie na ngayon ay nagtataka sa sinabi ni Bryce.

"I thought you guys are going to hangout?" Nilingon niya ako at tinaasan ng kilay. Hindi ko napigilan ngumiti sakanya at nilingon sina Maddie na ngayon ay nakangiti at mabilis na lumapit sa sasakyan.

Pinagbuksan pa ni Bryce si Maddie na ikinangiti ko at pumasok na sa loob at nagseatbelt, pinanuod ko silang umupo sa backseat.
Bumaling kay Bryce ang tingin ko nang pumasok na siya.

"Thank you." Mahinang sabi ko nang lumingon siya saakin. Tumango lang siya bago nagsuot ng seatbelt.

"Where to?" Tanong niya at tinignan ulit ako.

"Aahhm" sambit ko bago nilingon sina Maddie.

"Sa mall na lang kuya Axel." Nakangiting sabi ni Maddie na ikinatango ni Bryce at sinimulan nang magdrive papuntang mall.

"Anong gagawin natin? Kakain muna tayo?" Tanong ko habang nakatagilid ng upo at nakaharap sakanila.

"Sige kain muna tayo bago maggala hehe." Sang-ayon ni Maddie pati nina Fred at Alex na kanina pa tahimik at nakatingin lang sa labas.

Tumango ako sakanya at nakinig sa kinukwento niya.

"Sit properly Addie." Seryosong utos saakin ni Bryce na ikinatingin ko sakanya.

"Ah?"
Bumaling siya saakin saglit at pinasadaan ang upo ko bago nagfocus sa daan ulit.

"Fix your skirt." Aniya na ikinababa ng tingin ko sa palda ko na lumihis na pala. Nag-init ang mukha ko kaya dali-dali kong inayos ang palda ko at umayos ng upo.

Ilang saglit lang nakarating na kami sa mall, hininto niya sa entrance ang sasakyan. Bababa na sana ako nang hawakan ni Bryce ang braso ko na ikinatingin ko sakanya.

"Bakit?" Tinitigan muna niya ako bago tumugon

"I'm coming with you." Aniya na ikinangiti ko.

"Ok." Masayang sabi ko na ikinaiwas niya ng tingin.

"Addie?" Lumingon ako kanila Maddie na nakatayo na sa gilid.

"Una na kayo sa kainan, magpapark lang kami saglit." Nakangiting sambit ko na ikinataas ng kilay niya at tinignan ako na may panunukso.

"Ok, text na lang kita kung saan." Aniya na kinatango ko.

Nagdrive na si Bryce papunta parking lot at naghanap ng mapagpaparkingan. Pati ako nililibot na ang tingin sa paligid para makahanap ng space.

"Doon Bryce" sambit ko sabay turo sa bandang dulo ng parking lot malapit sa pader. Agad naman siyang nagdrive papunta roon, inayos ko ang pagkakaipit ng buhok ko at ginawang high bun. Nakatingin ako sa salamin nang maramdaman si Bryce na nakatingin.

Paints & Guns [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon