Chapter 45

834 16 0
                                    

Happy reading~

Addison

Mahina akong napahagikhik nang maalala ang gulat na mukha ni Bryce kanina pagkatapos kong magsalita ng spanish. Hindi man perfect ang pagkakasabi ko pero alam kong naintindihan ni Bryce ang ibig kong sabihin.


Napaangat ang tingin ko mula sa pagkain ng brownies na kinupit ko sa binili ni ate Allison kaninang umaga, lumingon ako sa bungad ng kusina at chineck kung may padating pero agad din akong bumalik sa pagkain ng brownies nang walang makita tao. Andito ako ngayon sa kusina at kumukupit ng pagkain hahaha. Nasa sala ulit sila at naghihintay na lang sumapit ang 12 am, kalahating oras na lang naman ang hihintayin namin bago dumating ang bagong taon.


Apat ang kinuha kong brownies na nilagay ko sa platito, may juice pa ako sa gilid ko at sarap na sarap sa pagkain. Ang sarap kumain pag masaya ka no! Charot hahaha, sadyang nagcrave ako bigla ng brownies pagkakita ko kanina.


Kung may makakakita man saakin ngayon ay iisiping nababaliw na ako, paano ba naman habang kumakain ako e ang laki ng ngiti ko sa labi.


Hindi ko maiwasan ngumiti ng malaki pag naaalala ang mukha ni Bryce kanina. Pagkatapos ko ngang sabihin iyon mabilis ko siyang ninakawan ng halik at sumibat agad haha. Nakalimutan ko ngang may girlfriend siya dahil sa tuwa, well hindi naman siguro sasabihin ni Bryce kay Camille na ninakawan ko siya ng halik 'di ba?


Kala ko ba hindi mo siya aagawin? Singit ng utak ko.
Hindi nga! Sambit ko sa isip.


"Yo también te eché de menos Bryce.....Te amo" nakangising bulong ko at humagikhik pa. Gosh, my efforts paid off haha.
Masaya kong sinubo ng buo ang maliit na piraso ng brownies pero nabulunan pa rin ako ng may nagsalita sa likod ko.


"What are you doing there?" Anito sa malamig na boses pero hindi ko pinansin, mabilis kong inabot ang baso ng juice at uminom do'n habang hinihimas ang dibdib ko.


"Hooh!" Sambit ko nang mawala ang bara sa lalamunan ko. Bumuga pa ako ng hangin bago dahan-dahan siyang nilingon sa likod ko. Nakita kong nakatayo siya sa gilid ng kitchen counter habang nakapamulsa, kkuuu ang gwapo talaga hehe. Parang hindi ako nasaktan dahil sakanya noon kung purihin ko siya ah! Hahaha wala e dahil sa sinabi niya kanina parang nawala na parang bula lahat ng nangyaring masama noon sa pagitan namin.


Tinignan ko siya sa mukha niya at nginitian siya nang malaki.


"You want some" alok ko sakanya sabay pakita ng platitong may brownies. Bumaba ro'n ang tingin niya bago binalik sa mukha ko.
"Sayo na lang Bryce, kumain naman na ako." Nakangiti kong sabi sabay lapit sa pwesto niya at nilapag sa kitchen counter ang maliit na pinggan. Pinagkuha ko pa siya ng juice at nilapag katabi ng platito.


Umangat ang tingin ko sakanya na mataman lang nakatingin saakin at sa kilos ko. Nginitian ko siya bago nag-iwas ng tingin nang tumindi ang titig nito saakin.


"A-ahm,  should I go?" Sambit ko sabay turo pa ng daan palabas ng kusina.
Mabilis ko siyang tinignan bago dahan-dahan na naglalakad.
"I-I think I should go hehe" awkward pa akong tumawa bago tumalikod pero hindi pa ako nakakatapak ng ilang hakbang nang may humila na saakin at sinandal ako sa kitchen counter.


Nanlalaki ang mata ko sa gulat, maang akong nakatingala sakanya habang nakatukod ang magkabilang kamay nito sa gilid ko para hindi ako makaalis.


"B-bakit Bryce?" Sambit ko bago siya tinulak sa dibdib para makaalis ako pero no use dahil para akong nagtulak ng pader, hindi ito natinag sa pagkakatayo kahit ilang beses kong sinubukan itulak siya.
"Bryce?!" Kinakabahan kong sambit baka may makakita saamin dito.


Paints & Guns [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon