Chapter 26

883 15 0
                                    

Enjoy reading~

Addison

Pagkatapos kong maghapunan ay umakyat din kaagad ako sa kwarto ko. Kami lang ni manang at ibang katulong ang nasa bahay, pati yung apat na guard sa gate.

Pagkapasok ko sa kwarto ko ay saglit akong nagpahinga bago naghilamos. Balak ko kasing magdrawing, at alam na kung sino na naman ang subject ko hehehe.

15 mins lang ang tinagal ko sa banyo, nagbihis ako ng terno na cotton pajama. Nakaharap ako sa vanity mirror ko at iniipit ang mahabang buhok ko.

Napano na kaya si Bryce? Sambit sa isip. Sana okay na ang problema sa security agency nila. Dagdag ko.

Napahinto't napatingin ako sa phone ko na nakalapag sa kama ko.

"Itext ko kaya?" Patanong kong sambit

"Ai huwag na lang baka makulitan lang siya saakin." Kalaunan kong sambit.

Nang matapos na akong mag-ipit ay agad din akong pumasok sa art room ko. Hindi ko na inabalang dalhin ang phone ko dahil dito lang naman ako't hindi lalabas.

Pagpasok ko sa art room ko ay hindi ko talaga maiwasang hindi ngumiti dahil sasalubong talaga sayo ang mga canvas na puro si Bryce ang nakapinta. Nagmukhang mini art gallery ang art room ko ehehe.

Naglakad ako sa terrace ng art room ko nang mapahinto ako't kumunot ang noo.

"As far as I remember sinara ko 'to ah." Sambit ko at lumapit sa nakabukas na terrace. Luminga-linga ako sa labas nang sumilip ako't wala naman nakitang kakaiba pero tumindig ang balahibo ko nang humihip ang panggabing hangin.

Babalik pa lang ako sa loob nang mamatay ang ilaw sa loob ng art room ko pati na ang sa kwarto ko.

Nagtatakang lumingon naman ako sa labas at nakitang may kuryente naman.
Bumaling ulit ako sa loob, dahil walang ilaw at ang liwanag lang na galing sa labas ang nagsisilbing ilaw kaya kalahati lang ng art room ang maliwanag.

Kahit nagtataka ay pumasok pa rin ako at nilapitan ang switch ng ilaw na malapit sa connecting door papunta sa kwarto ko.

My steps halted when I felt someone was watching me. Hairs at the back of my neck stood up and fear starts to crawl inside me.

Nilakasan ko ang pandinig at pakiramdam ko sa paligid, every seconds makes my heart pound heavily that I can't almost breath.

I jerked at my place when I heard a small movement at my back.

Alam kong pinagpapawisan na rin ako dahil sa kaba.

Bryce! Sambit sa isip. I should call Bryce.

Dahan-dahan kong kinapa ang bulsa ng pajama ko nang mapapikit ako nang maalalang iniwan ko pala sa kama ko ang phone ko.

Kahit kinakabahan ay dahan-dahan akong pumihit paharap sa likod ko, pero nanlaki na lang ang mga mata ko at napasinghap nang bumungad sa paningin ko ang taong balot na balot ng itim na damit mula ulo hanggang paa. He's covered from head to toe.

Sisigaw sana ako nang marahas niyang hinawakan ang panga ko na nagdulot ng takot saakin.

Ano na naman ba ito? Nahihintakutan kong sambit sa isip.

"Fcking shut your mouth!" Marahas niyang sabi na kinapikit ko.
Nagsimulang mangilid ang luha sa mga mata ko nang dumiin lalo ang hawak niya sa panga ko.

Nakahawak ako sa kamay niya na kahit natatakot ay sinubukan kong tanggalin pero sa sobrang diin ng hawak niya sa mukha ko ay walang nagawa ang subok ko at lalo lang niyang hinigpitan ang hawak.

Paints & Guns [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon