Chapter 43

755 14 1
                                    

Happy reading~

Addison

"Kuya Silver?"
Mariin itong pumikit nang makaharap ako sakanya. Pinasadaan ko ang ayos niya at siya talaga iyong lalaki kanina sa tagaytay pati yung nakatayo sa sulok kanina.
Lumingon pa ako sa paligid kung kasama niya sina kuya Gold at ate Bronze, pero wala sila kaya binalik ko kay kuya Silver ang tingin na nakangiti na ngayon.


"Hi Addison, kamusta?" Bati nito


"Ahhm, okay lang naman kuya. Kayo po? Sina ate Bronze?" Well, after mangyari nung sa birthday ni Cass, hindi ko na rin sila nakita dahil noong umalis si Bryce pati sila ay umalis, siguro utos ni Bryce. Pabor din saakin iyon dahil ayoko na nga ng bodyguard sa paligid ko kahit na namimiss kong kabonding si ate Bronze.


At dahil nakatutok ako sa mukha ni kuya Silver kaya napansin ko ang earpiece nito sa tainga kahit na transparent ito. May task ba siya? Sambit sa isip.
I once saw Bryce had that on his ears before but I didn't pay any attention to it.


"Okay lang naman kami Addison, eto nga nagtatra- anyway, saan kasama mo Addison?" Nagtaka ako nang nag-iwas siya ng tingin at iniba pa ang sinasabi, hindi ko na lang pinuna iyon at nilibot na lang ang tingin sa paligid.


"Andyan lang sa tabi-tabi kuya, busy si Maddie namimili ng mga damit e." Tugon ko.
"Saan po sina ate Bronze at kuya Gold?" Tanong ko habang nagsimulang maglakad pabalik kanila Maddie.


"Ayon busy din sila, may hinahanap kasi kami kaso mailap siya at nananahimik ngayon." Napatingin ako sakanya dahil sa sinabi niya. May hinahanap sila? Sino naman? Sambit sa isip.
Gusto ko sanang itanong kaso baka confidential kaya pinigilan ko na lang ang sarili kong magtanong.


"Ahh, nga pala kuya anong bibilhin mo rito sa women's clothing?" I asked innocently, I noticed his shoulders flinched a little bit with my question. I tilted my head and tease him.
"Para sa girlfriend mo no kuya ehehe." Tudyo ko


"Uy wala akong jowa no! Maraming iiyak kung magkakaroon ako hahaha." Anito sabay tawa, nawala naman ang ngisi sa labi ko nang maalala si Bryce.


"Like him, may girlfriend na siya kaya umiyak ako." Wala sa sariling sabi ko, bumabalik na naman sa alaala ko kung paano niya halikan si Camille kaya hindi ko napigilan hindi mangilid ang luha sa gilid ng mga mata ko. Nakakainis na tumatak iyon sa utak ko pati na ang mga masasakit na salitang sinabi ni Bryce.


"Hala! Addison! Bakit ka umiiyak?! Baka akalain nila pinapaiyak kita." Tarantang sabi ni kuya Silver at doon lang napansin ang mga luhang lumandas sa pisngi ko.
"Damn! May nabanggit ba akong mali?" Bulong nito.


Mahina akong tumawa bago pinunasan ang mga pisngi, napansin ko naman natigilan ito dahil sa tawa ko. Nginitian ko naman siya para ipakitang okay lang ako pero naging seryoso ang tabas ng mukha nito at matamang nakatitig lang saakin.


"Stop acting like you're fine Addison, it's okay if sometimes you show you're not fine. Hindi kabawasan sa pagkataon mo ang pagpapakita ng kahinaan." Anito na naging hudyat para umiyak na naman ako kaya marahan ako nitong hinila sa isang gilid. Para akong batang umiiyak dito na parang hindi napagbigyan ng gusto.
"Tahan na Addison." Halata sa boses nito ang pagkataranta ulit.
"Shït! ¡No hice nada jefe! ¡No es mi culpa que ella esté llorando... ¡es tu culpa jefe! .....no no, sólo estoy bromeando! ..... Aunque sea verdad." (I didn't do anything boss! It's not my fault why she's crying...it's your fault boss! .....no no I'm just kidding!..... Even though it's true.)


Napaangat sakanya ang tingin ko nang mag-alien talk siya bigla nang pabulong, naiyak ako lalo dahil naalala ko na naman si Bryce dahil sa pag-e-alien talk nito.


Paints & Guns [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon