Chapter 47

818 16 4
                                    

Happy reading~

Addison

"Ayoko Maddie." Reklamo ko nang ilabas nito yung regalo nila ni Fred saakin no'ng pasko. Pagbukas ko ng paper bag na bigay nila pagkauwi ko tumambad saakin ang isang spaghetti strap plunging neckline black dress atsaka isang ankle tie black heels.
Litaw na litaw na nga ang cleavage ko maikli pa ang tabas ng dress kaya umaayaw ako kay Maddie na isuot ito ngayon.


Today is kuya Maldren's birthday, night party daw kaya ganito ang pinapasuot saakin ni Maddie, nakaready na nga siya pagkapunta rito e. She's wearing a red v-neck croptop and black short skirt paired with also a black ankle tie heels, same as mine.


"Hindi mo nagustuhan regalo namin sayo?" Malungkot na sabi nito. Napakamot ako sa ulo ko bago napabuntong hininga.


"Hindi sa hindi ko gusto Maddie, hindi lang  kasi ako sanay magsuot ng ganyan na damit." Katwiran ko. Nakaindian seat ako rito sa kama ko habang nakatingin kay Maddie na nakatayo sa tapat ng walk-in closet ko, hawak nito sa kamay ang damit na bigay nito.


She pout her lips and looked at me like a poor puppy. Geez, ginagamitan na naman ako ni Maddie ng paawa epek niya.


"Just this night Addie, please. I just want to see how you look while wearing this." Lumapit pa siya saakin at hinawakan ako sa dalawang kamay.
"I'm sure maglalaway sayo si kuya Axel, maiinlove na talaga siya sayo." Dagdag nito na kinangiwi ko.


Hindi naman ata mangyayari iyon dahil alam ko kung anong magiging reaksyon niya pag nakita niya akong nakasuot ng gano'n na damit.


Speaking of Bryce, hindi pa nagparamdam iyon saakin simula kaninang umaga. Hindi ko tuloy alam kung okay lang sakanyang dumalo ako sa night party ni kuya Maldren. Tinext ko naman siya kaso as usual walang reply galing sakanya. Sabi naman ni Maddie na si kuya Maldren na raw ang bahalang magsabi na pupunta ako, kasama ko naman sina Maddie kaya panatag ang loob kong magiging okay lang ako ro'n.


"Mmhmm? Pretty please" nagbeautiful eyes pa si Maddie na kinatawa ko sabay tulak sakanya.


"Oo na Maddie, ngayon ko lang susuotin 'to ah, hindi talaga ako sanay magsuot ng ganitong ka-revealing na damit e." Sabi ko habang pinagmamasdan ang inabot niyang dress. Maganda siya oo kaso baka hindi ako maging comfortable dahil litaw ang cleavage ko rito at maikli pa.


"Yes!!! Sige na change ka na ng damit" sabay hila nito saakin patayo, napapailing na lang akong naglakad papuntang banyo sa excitement nito.


"Kyaaaaahh!!!" Napatakip ako ng tainga ng biglang sumigaw si Maddie pagkalabas ko ng banyo suot na ang dress na bigay nito.
"Wow, you're so hot girl! Yyiiiieeee I'm so excited to see kuya Axel's reaction later hahaha." Parang kinikilig nitong sabi sabay hila na naman saakin, nakatakip ang isang palad ko sa dibdib ko. Nahihiya ako kasi wala akong suot na bra sa loob  dahil may foam na ang dress kaagad. Magsusuot sana ako kaso nakalitaw ang gitnang parte ng bra na pangit naman tignan kaya no choice kung hindi umasa sa foam ng dress.


"Naiilang ako Maddie, wala ba akong pwedeng suotin na panloob?" Tanong ko rito.
Pinapasadaan ako nito ng tingin at may paghanga sa mga mata nito.


"Meron naman Addie, yung nipple tape. May dala ako rito wait." May kinalkal ito sa dalang bag.
"Here, lagay mo muna then I will put makeup on your face and fix your hair." Nahihiya kong inabot ang hawak niya at pumunta sa banyo.


Binaba ko muna ang isang strap para lumitaw ang isang dibdib ko.
"Paano ba 'to ilagay?" Bulong ko at binasa ang nakalagay sa likod ng box.
Kumuha ako ng isa at dahan-dahan nilagay sa dibdib ko, napatingin ako salamin.
"Mukhang maayos naman ang pagkakalagay ko."
Natakpan hindi lang ang tuktok ng dibdib ko pati rin ang areola nito. Nilagay ko na rin ang kabila at inayos ang dress, napabuntong hininga ako habang nakatitig sa salamin. Bumaba sa dibdib ko ang tingin at ramdam ang pamumula ng mukha ko dahil sa hiya. Masyadong tayong-tayo ang mga dibdib ko, halata rin ang bilog ng mga dibdib ko sa bandang cleavage ko.
Haayy bahala na nga, sambit sa isip at lumabas na ng banyo.


Paints & Guns [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon