Chapter 5

1.2K 21 0
                                    

Enjoy reading~<3

Addison

"Alternate na guys kung tapos na kayo sa sketch." Sambit ni sir pogi pagkalipas ng 15 mins kaya inabot na saakin ni Alex ang sketchpad.

"Maayos ang pagkakasketch mo Alex ah. Hindi ako mahihirapan sa details." Nakangiting sabi ko habang tinitignan ang sketch niya.
"You have a good hands there Alex. Keep it up." Bumaling ako sakanya nang hindi inaalis ang ngiti sa mga labi.

Napakurap ako ng isang beses nang bumungad saakin ang nakatitig niyang mga mata.

"Ok guys!" Sabay kaming napapiksi sa gulat nang biglang magsalita si sir Clinton.
Nagtitigan muna kami bago sabay na natawa dahil sa gulat.

Hindi ko alam kung bakit magaan ang loob ko sakanya, hindi ako naiilang or ano pagtinitignan niya ako. Dahil siguro magaan yung aurang pinapakita niya.

Nakangiti ako habang umiiling na bumaling sa harapan. Tinitigan ko muna ulit ang sketch niya bago umangat kay Bryce ang mga mata ko.

Nawala ang ngiti sa labi ko nang sumalubong saakin ang mas malamig niyang mga mata at kung hindi ako nilalaro ng mga mata ko ay nag-iigti rin ang panga niya.

Addie, I told you stop assuming things especially reading his actions then assume that he may somehow have feelings for you. Hanggat wala siyang sinasabi saakin, nah as if may sabihin nga siya. Stop na nga Addie gooshh. I know that you like him, ok but stop assuming for now. Let's finish this SPECIAL activity today.

Kinuha ko na ang pencil ko at nagsimulang lagyan ng details ang drawing ni Alex.

"Wow, kuhang-kuha mo siya ah." Kumento ni Alex pagkalipas ng ilang minuto.
Ngumiti ako at pinakatitigan ang gawa namin. Konting shading na lang at tapos na ang saamin.

Tama nga si Alex, kamukhang-kamukha ni Bryce ang gawa namin. He's my favorite subject since day 1. Everytime I looked at my works it feels like I'm always looking at him in person. Maybe that's why I fell for him, through my works and when I see him face to face my feelings grow deeper.

"It looks like you've been painting or drawing him since then, Addie. You got every angle of him perfectly." sambit ni Alex na ikinabaling ko sakanya.

"A-ah?" Maang ko
Obvious ba ako? I mean I just memorized every features he has that even without him or a reference of him, I still can draw or paint him.

Tinitigan muna ako ni Alex bago tumawa.
"Nah I'm just kidding, magaling ka lang talagang magdrawing Addie kaya kahit anong idrawing mo siguro makukuha mo ang perfect angle nila." Nakangiting aniya

Awkward akong ngumiti bago binalik sa sketchpad ang tingin.
Dapat ba hindi ko masyadong ginalingan sa details? Tanong sa sarili
Hindi ko ata kayang gawin iyon lalo na kung si Bryce ang subject dahil gusto ko kitang-kita ang features niya.

Bumaling ako kay Bryce para na rin matapos na kami. Pag-angat ko ng tingin siya naman tingin din niya saakin. Napakurap-kurap ako bago binaba ang tingin at nagdrawing. Nag-init ang mga pisngi ko nang maramdaman kong nasa akin pa rin ang tingin niya.

Dahan-dahan kong inangat ang tingin sakanya at nakitang nasaakin parin talaga ang tingin, I mean sa gawi ko pala. Huwag assuming Addie. Paalala ko sa sarili ko.

Binaba ko ang tingin ko nang bahagyang tumaas  ang isang kilay niya. Is that a confirmation that he's really looking at me? Pinilig ko ang ulo ko at hindi na muling inangat ang ulo.




"Well, you all did great guys." Kumento ni sir pogi habang isa-isang tinitignan ang mga gawa namin. Katabi niya si Bryce na nakahalukipkip at tinitignan din ang mga gawa namin.

Paints & Guns [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon