Chapter 42

734 20 1
                                    

Happy reading~

Addison

Napabuga ako ng hininga ng makapasok sa kwarto ko. Dire-diretso akong lumakad palapit sa kama ko at pabagsak na nahiga ro'n not minding that I'm wearing a dress.


Nakatulala lang ako sa kisame ng kwarto ko, today is christmas eve ... ai pasko na pala tapos na ang christmas eve 20 minutes ago. Yeah it's been months since Cassandrea's birthday happened. At wala na akong balita mula kay Bryce, also I didn't agree to have any personal bodyguard anymore. I don't need someone to stick with me for hours, guarding me, nakakairita pag laging may nakasunod sayo at maaalala ko lang si Bryce e.


Pinilit ko talaga si daddy na huwag nang kumuha ng bodyguard dahil hindi ko kailangan. Andyan naman sina Maddie na lagi akong sinasamahang maghintay ng sundo ko kaya't hindi ako mapapahamak.
And for the past 2 months, wala naman nangyari o nagtext, tumawag o nagpadala saakin ng kung ano na may kaugnay sa nangyari saakin noon.


Buti na lang hindi alam nila daddy iyon dahil mas ipipilit nilang magkaroon ako ng guards na ayaw ko na talaga magkaroon, hindi ko pa nga alam kung bakit kailangan namin ng bodyguards noon e, hindi ko na tinanong sina daddy.

Bryce is the first and last bodyguard I wanted in my life.


Madalang na lang naman kami naglalalabas nina Maddie dahil may mga tinatapos kaming mga project. Speaking of project, yung project ko sa art subject namin, haayy hindi ko alam ang gagawin. Hindi ba si Bryce ang subject ko e kaso that happened so namomoblema tuloy ako kung siya pa rin ba o iba na lang ang gagawin kong subject.


Pwede ko naman ipasa na lang ang isa sa mga gawa ko dati na siya ang subject ko, ang kaso......those are important to me at ayokong ipasa dahil baka hindi na ibalik saakin kung sakali man.


I heaved a deep sigh.


What to do?! Oh maybe I can ask ate Allison to be my subject kapalit no'ng pagmodel ko last time with Maddie.


Busy kong kinakausap ang sarili ko nang magsunod-sunod ang pagtunog ng phone ko. Tamad kong inabot ito na nasa bandang unan ko, wala na talaga akong pakealam kung nakadress man ako e ako lang naman ang tao rito sa kwarto ko atsaka nakacycling short naman ako kaya okay lang kung tumaas ang laylayan ng palda ko.


Nakadapa kong binuksan ang phone ko at nakitang sina Maddie and the two boys ang nagtext, greetings from them lang na agad ko naman nireplyan. Sumubsob ako sa unan ko at pumikit, tinatamad na kumilos.


"I'm tired" sambit ko habang nakasubsob pa rin ang mukha sa unan. Napagod akong tumulong sa paghahanda kanina, and this will happen again in new year's eve gosh.


Ring ring


Hindi nakatingin kong sinagot ang tawag bago nilapit sa tainga.


"Hello?" Inaantok kong sambit bago napahikab. I'm really tired I just want to go to sleep, I can't even change my clothes because of my tiredness.
"Hello?" Ulit ko nang walang nagsalita sa kabilang linya.
Kumunot ang noo ko at tinignan ang pangalan ng tumawag pero unregistered number siya. Sino ito? Sambit sa isip.
"Sino po sila?" Mahinahon kong sabi pero wala pa rin.
"Hello? Ibababa ko na-" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang may mahinang nagsalita sa kabilang linya. Sa hindi malaman na kadahilanan ay kumabog bigla ang dibdib ko.


Hanggang sa naputol na ang tawag ay nasa tainga ko pa rin ang phone ko at hindi makapag-isip ng tama sa narinig.
Dahan-dahan akong umupo at bumaba ang tingin sa hawak na selpon na ngayon ay mahigpit ang pagkakahawak.


Paints & Guns [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon