Chapter 36

740 14 0
                                    

Happy reading!

•••

Addison

"Addie"

"Hmm?" Nilingon ko si Alex sa gilid ko.
Friday na ngayon, nothing special happened yesterday, puro quiz lang ganern.
"Bakit?" Usal ko nang hindi siya nagsalita.

"Ahhm" napakunot-noo ako nang mapakamot siya sa batok niya.
"Gusto ko sanang pakita na yung painting ko Addie." Ay oo nga pala dapat last weekend niya pa pinakita kaso hindi ako nakapagreply sakanya dahil hindi ako pinayagan ni Bryce.

"Don't tell me tapos mo na?" Gulat kong usal

"Hindi pa haha, but almost. Mas maganda na matapos ko nang maaga, para kung sakaling may kailangan akong iadjust marami akong oras, 'di ba?" Tumango ako sabay ngiti sakanya.

"Buti ka pa may progress na sa project mo, e ako wala pa. Medyo busy pa kasi si Bryce e" usal ko.

"Ah? Si k-kuya Bryce ang subject mo?" Gulat na sabi ni Alex.

Lalong lumawak ang ngiti ko.
"Oo Alex, pumayag siya hehe." Tuwang usal ko.
"Kala ko nga hindi siya papayag lalo na busy siya ngayon. Pero hehehe." Hindi ko napigilan hindi humagikhik sa kilig.
"Hindi ko alam kung paano ko siya ipipinta, any idea Alex?" Bumaling ako kay Alex at nakitang tahimik siya at parang may iniisip na kung ano.
"Alex?" Tawag ko sa pansin siya sabay marahang hampas sa braso nito.

"O-oh?" Gulat na usal nito

"May problema ba Alex?" Takang sabi ko.

Umiling ito at nilingon sina Maddie at Fred na busy-ing naghaharutan na naman.

"Wala Addie. Oi! Tama na iyan!" Sita niya sa dalawa na tinawanan lang siya. Nagkibit balikat na lang ako sa tinuran niya.

"Inggit ka lang pre wala kang kaharutan e! Hahaha" asar ni Fred kay Alex.

"Aba't! Dito nga pre" ani Alex at naggesture sa kamay na pinapalapit si Fred.

"Ayoko nga" sabi ni Fred at nagsimulang umatras, umabante naman si Alex palapit sakanila nang mapansin ang ginagawang pagtakas ng isa.

"Maddie sabihin mo sa babe mo na lumapit na siya dahil pag ako nakalapit sakanya kukutusan ko siya nang sobra-sobra." Nakangising sabi ni Alex habang dahan-dahan naglalakad palapit kay Fred. Napailing na lang ako sa kalokohan ng dalawa.

Lumapit saakin si Maddie at kumapit sa braso ko.

"Anong pinag-uusap niyo ni Alex?" Curious na tanong ni Maddie.

"Gusto niyang pakita yung project niya saakin Maddie." Sagot ko bago binuhat ang bag.

"Ohh, siguradong maganda iyon lalo na ikaw yung subject niya ayyiiee hahaha." Tudyo niya na pabiro kong inirapan na kinatawa naman nito.

"Tumigil ka Maddie" natatawang usal ko.

Lumabas na kami ng classroom ni Maddie at hinayaang maiwan sina Alex at Fred dahil nagbibiruan pa.


















"Nga pala nagtext si ate Allison saakin"
Bumaling ako kay Maddie habang naglalakad kami papuntang parking lot, yung dalawa naririnig naming nagtatawanan sa likod namin.

"Anong sabi?" Tanong ko.

"Kinukuha akong model para sa kumpanya ng mommy mo Addie, actually para lang daw sa ilalabas nilang new collection, kulang pa raw ng model e."
Ani Maddie

"Ohh, pumayag ka?"

"Oo hehe sayang yung TF noh dagdag allowance rin iyon. Eh ayaw mo raw bang sumama saakin tanong ni ate Allison?"

Paints & Guns [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon