Chapter 31

883 15 0
                                    

Enjoy reading! Long update!
•••

Addison

Nakatutok sa tv ang atensyon ko nang may tumawag sa teleponong andito sa kwarto. Napalingon ako sa gilid ng kama kung saan nakalagay ang telepono at sasagutin na sana nang maunahan ako ni manang na nasa gilid ko na pala. Binaling ko na lang sa tv ulit ang atensyon ko.

"Hello?" Anito

"Oh hijo, bakit tumawag ka? May problema ba?" Napalingon ulit ako kay manang nang marinig ang sinabi niya. Si Bryce ba iyon?

"Ano? Hijo anong nangyayari?" Nahimigan ko ang pagkalito sa boses ni manang na pinagtaka ko kaya nagsalita ako.

"Manang sino iyan? May problema po ba?" Kunot ang nuong sambit ko
Wala akong nakuhang tugon mula sakanya.
"Manang" tawag ko sakanya nang nagmamadali siyang lumapit sa pintuan at narinig ko ang paglock niya sa pinto. Pati ang mabilis niyang pagtingin sa mga bintana na lalong kinataka ko.
"Manang ano pong mayroon? Bakit niyo po nilock ang pinto? Baka po hindi makapasok si Bryce." Usal ko
Pansin ko ang pagkataranta at kaba sa mukha ni manang na lalong nagpagulo saakin.
What's happening? Sambit sa isip.

"Hindi muna tayo pwedeng lumabas hija, may gagawin lang daw saglit si Axel, babalikan niya tayo maya-maya." Anito bago napahawak sa dibdib at marahang hinaplos na kinakaba ko.

"Okay lang po kayo manang?" Nagpapanic kong sambit at nagmamadali siyang nilapitan at inalalayan umupo.

"Okay lang ako hija, huwag kang mag-alala saakin." Masuyo niya akong nginitian at hinawakan sa kamay.
"Sige na magpahinga ka muna sa kama mo habang hinihintay natin si Axel." Dagdag nito at marahan pa akong tinulak.

"Pero manang..." tutol ko pero tinaboy lang niya ako na kinanguso ko kaya naglakad ako pabalik sa kama ko. Pag-upo ro'n na kay manang pa rin ang tingin ko na kinailing niya.

"Addison hija" suway nito

"Eh manang baka mapano ka kung iidlip ako saglit atsaka hindi ako inaantok e." Nakanguso kong usal na mahina niyang kinatawa.

"O siya siya, tatabihan na kita nang mapanatag ang loob mong walang mangyayari saakin. Ikaw talaga bata ka" natatawang usal ni manang na kinangiti ko nang malaki.
Lumapit siya sa kamang kinaroroonan ko at umupo sa tabi ko. Mabilis ko naman niyakap ang braso niya bago sumandal sa balikat niya. Marahan naman niyang hinaplos ang buhok ko na nagpapikit saakin.

Kalaunan ay hindi ko napansin na nakatulog ako sa balikat niya.















"Hijo ano bang nangyayari?"

"I just saw someone suspicious awhile ago manang"

"Ano? Sino? Andito pa ba sa loob ng ospital?"

"Wala na po manang, hindi namin nakita. We're checking the cctvs now.

Aalis na tayo manang, we can't risk Addison's and yours safety here kahit alam kong ligtas naman kayo rito but after seeing that man I don't know manang. We don't know who we're looking for kaya mas maganda sa bahay na kayo't wala sa labas."

I woke up hearing voices talking, dahil disoriented pa ang utak ko kaya't walang kahit ano akong naintindihan sa pinag-uusapan nila.

Namumungay kong tinignan ang mga nag-uusap at nakitang may kumukuha ng mga gamit namin na dalawang lalaking nakaitim. Magkatabi sina manang at Bryce at pinapanuod ang paglabas nila ng mga gamit.

"Sumama ka na rin sakanila manang, ako nang bahala kay Addison, sa bahay na lang po tayo magkita para makapagluto po kayo agad ng tanghalian." Usal ni Bryce kay manang na napatango lang.

Paints & Guns [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon