Chapter 40

779 14 0
                                    

Happy reading~

Addison

Nasa loob na ako ng sasakyan nina kuya Gold. I've been quiet since I entered the car, nasa labas lang din ang tingin ko. Alam kong nagtataka na sila kung bakit ako tahimik kanina pa lalo na si ate Bronze na pasulyap-sulyap saakin simula nang sunduin niya ako sa loob ng bahay.


I just don't want to talk now, mabigat pa rin ang dibdib ko sa nalaman mula kay mommy. I felt betrayed all of a sudden, no, I actually don't know what I feel right now after hearing that. I just know that it hurts like hell. I thought there's a little progress between us because of those kisses, his caring, his hidden sweetness and his heartflattering endearment to me but I guess all of those are nothing for him. Baka normal lang para sakanya iyon, o baka pinagbibigyan lang niya ako dahil may gusto ako sakanya?

He's mean if that's the reason why he's doing those to me.


Kinuyom ko ang palad ko dahil do'n, masakit isipin kung gano'n nga. I don't even want to think about it 'cause it hurts me more but I can't help it. Paulit-ulit pa sa utak ko ang sinabi ni Bryce pati ni mommy.


"Addison? Are you okay?" Bumaling ako kay kuya Silver na nakaupo sa harapan katabi si kuya Gold na siyang seryosong nagmamaneho. Kita ko rin sa gilid ng mata ko ang nag-aalalang tingin ni ate Bronze na katabi ko habang hawak-hawak ang tablet nito.


Matamis akong ngumiti sakanya.
"Okay lang po ako kuya Silver." I assured him and gaze at ate Bronze to giver her a smile too.


"How's your foot?" Tanong ulit ni kuya Silver sabay tingin pa sa paa kong natapilok kahapon.


"Medyo okay naman na siya kuya, huwag ko lang ipwepwersa masyado ng lakad." Nakangiwing sambit ko, kanina lang napwersa na siya dahil sa paglalakad ko nang mabilis makalabas lang ng kwarto ko. Ramdam ko tuloy ang konting sakit ro'n, pero mas masakit talaga ang nalaman ko e. Napatitig ako kay kuya Silver na nakatingin pa rin sa paa ko at parang chinecheck nito. I want to ask them if it is true that Bryce was no longer my personal bodyguard, I want to know his reason, I want to know what happened.


"Sabihan mo kami kung masakit, okay?" Umangat ang tingin ni kuya Silver at nakita nitong nakatitig ako sakanya.
"Why Addison? Is there a problem?" Kunot-noong tanong nito, ramdam kong sumulyap si kuya Gold saakin bago tinuon sa daan ang tingin.


"Kuya....."


"Yes? Ano iyon?" Marahan nitong sabi. I bit my lower lip before releasing a shaky sigh. Pinisil-pisil ko ang mga daliri sa kamay bago nilingon si ate Bronze na nakatutok na saakin ang atensyon, binalik ko kay kuya Silver ang tingin at nakitang nag-aalala ito saakin.


"Is it true?" Mahinang sambit ko.


"What do-" I cut him off


"That Bryce was no longer my personal bodyguard?" Bahagyang nanlaki ang mga mata nito sa sinabi ko, rinig ko ring suminghap si ate Bronze sa tabi ko.
I guess they know, of course nagtatrabaho sila sa CSA kaya alam nila iyon, but I guess they don't have a plan to tell me that.


"Addi-"


"Why? What's his reason?" Bumaling ako kay ate Bronze.
"You don't have a plan to tell me that ate?" May himig ng paghihinakit ang boses ko na hindi ko naitago, nag-iwas ito ng tingin saakin kaya binalik ko kay kuya Silver ang tingin at gano'n din ito, nakaiwas ang tingin saakin.
"H...hindi po ako galit dahil hindi niyo sinabi sa...saakin. Pero gusto ko pong malaman kung b..bakit?" Pinahid ko agad ang luhang lumandas sa pisngi ko para hindi nila makita pero hindi nakatakas iyon mula kay kuya Gold na matamang nakatingin saakin habang nakahinto ang kotse nito dahil sa stoplight.


Paints & Guns [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon