Chapter 7

1.1K 24 0
                                    

A/N: lahat po ng story ko ay unedited so maraming error. Next time ko na lang sila ieedit pag hindi ako gaanong busy.

Anyway, enjoy reading~<3

Addison

Pababa ako ng hagdan nang makarinig ng mga boses sa dining area namin. Nagtataka akong nagpatuloy bumaba sa hagdan, it's too early for a visitor ah.

Inaantok akong naglalakad nang makita ako ni manang.

"Morning manang" nakangiting bati ko na sinuklian naman niya.

"What's for breakfast po?" Tanong ko bago lumapit sakanya at niyakap siya sa braso.

"Naku, naglalambing na naman ang alaga ko hehe." Natatawang sambit niya at iginaya ako papuntang kusina. Mahina akong tumawa sa sinabi niya.
"May gusto ka bang almusalin? Itlog, bacon at tinapay lang ang nakahanda sa hapag hija."

Umupo ako sa stool at pinanuod si manang na nakatayo sa harapan ng ref.

"Gusto ko po sana ng fried rice pero ok na po iyon hehe." Nakangiting sambit ko
"Nga pala manang sino bisita ni daddy?" Tanong ko habang nakahalumbaba.

"Si-- oh hijo" sambit bigla ni manang habang nakatingin sa likod ko. Kumabog bigla ang dibdib ko sa hindi malaman na dahilan kaya kunot-noong lumingon ako sa likod ko.

Sumalubong saakin ang gwapong mukha ni Bryce. Ngayon ko lang siya ulit nakita pagkatapos niya akong ihatid nung isang linggo.

Bumaba ang mga mata niya saakin na ikinainit ng mga pisngi ko. Hala, bakit ang aga andito siya sa bahay?', siguradong mukha akong bruha ngayon.

"Bryce" mahinang sambit ko bago nahihiyang yumuko dahil hindi man siya umiwas ng tingin.
Nakita niya na ang bruha mo pala sa umaga Addie gosh, mariin akong pumikit dahil doon.

Lumingon ako kay manang nang mahina siyang humagikhik.

"Manang" ungot ko nang may panunukso niya akong tinignan. Oo nga pala, nalaman niya last week ang pinakatatago kong sekreto huhu.
Kaya ngayon lagi na niya akong tinutukso sa nalaman.

"Bakit pula ang mukha ng alaga ko hhmm?" May panunukso niyang tanong nang lumapit siya saamin ni Bryce. Palihim ko naman sinilip si Bryce at nakitang pinapanuod niya kami ni manang.

"Eehhh" ungot ko bago nahihiyang yumakap sa balikat niya at tinago ang mukha mula kay Bryce. Umiiling lang habang tumatawa si manang sa inakto ko.

"Ano nga pala iyon hijo?" Tanong ni manang, sinilip ko si Bryce at may nakita akong emosyon sa mga mata niya na agad din nawala nang mahuli niya akong nakasilip sakanya. Ano iyon? Sambit sa isip.

Tumikhim muna siya bago nilibot ang tingin sa buong kusina.

"Gusto raw ho ni tito Alfred ng orange juice po." Magalang na sambit ni Bryce

"Sige hijo, gagawa ako at ipapahatid ko na lang doon." Nakangiting sambit naman ni manang ni ikinatango ni Bryce.
"At ikaw Addie kumain ka na, sumabay ka na kay Axel papunta roon." Baling saakin ni manang.

"Dito na lang ako kakain manang" bulong ko sakanya na ikinatingin niya saakin nang nagtataka.

"Ayaw mo ba siyang kasabay. I mean sina daddy mo?" Aniya

"Hindi sa ganoon manang." Mahinang ungot ko bago nagyuko ng ulo.

"I'll go ahead po" magalang na sambit ni Bryce na ikinaangat ng ulo ko sakanya at saktong nakatingin na siya saakin.
Seryoso na ang mukha niya bago tumalikod saamin pagkatapos tumugon ni manang sakanya.

Paints & Guns [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon