Chapter 19

990 25 0
                                    

Enjoy reading~

Addison

"Addison ano na?" Pangungulit ni Maddie na magkwento raw ako sa nangyari kaninang breaktime.

"Kumain nga lang kami Maddie, atsaka ano bang ineexpect mong mangyari kanina nung puntahan ko siya?" Tinaasan ko siya nang kilay nang tinignan niya ako nang mapang-asar na tingin. I rolled my eyes then continue walking towards the restroom. We're dismissed earlier than usual kaya napagdesisyunan na muna namin tumambay sa field habang hinihintay ang mga sundo namin.

Tinext ako ni Bryce kaninang tanghali na aalis siya saglit at hintayin siyang dumating bago ako lumabas ng school.
Hindi ko alam kung saan siya nagpunta basta sabi niya urgent at hindi pwedeng ipagpaliban kaya nag-okay na lang ako.

"Ang boring naman. Wala man lang kiss." Anito

"Maddie!" I exclaimed at nag-init ang pisngi ko nang maalala ang ginawang paghalik kay Bryce.
"Bibig mo nga, goosshh." Umiiling kong saad at pumasok sa isang cubicle.

"Bakit? Kami nga ni Fred--"

"Oh gosshh, I don't need to know Maddie. Please lang change topic na." Putol ko sa sasabihin niya.

"Aysus, kunwari pang walang alam sa ganoon eh." Asar nito na kinairap ko bago lumabas sa cubicle.

"Manahimik ka Maddie baka mamaya may makarinig pa sayo." Suway ko habang naghuhugas ng mga kamay.

"Oo na oo na" anito at lumapit saakin.
"Pero aminin tuwang-tuwa ka noong nagkiss kayong dalawa, yiieee." Asar nito at sinabayan pa ng pagtusok sa tagiliran ko na kinakislot ko.

"Maddie!" Suway ko at hinampas pa ang kamay niya.

"Aray naman beshy, sumbong kita kay Fred, sinasaktan mo ako." Nakanguso niya pang sabi. Inirapan ko nga at iniwan siya roon.

"Addie wait for me!" Rinig ko pang sigaw niya.

Paglabas ko ng banyo, napasinghap ako nang may biglang humila saakin at dinala ako sa likod ng banyo, at dahil nasa dulo ang banyong  ito kaya walang gaanong dumadaan dito. Puno rin ng mga malalaking gamit dito kaya nahaharangan ang kinaroroonan namin.

"Ano ba?! Sino ka?!" Nagpumiglas ako sa hawak niya at sinubukan siyang itulak.

"Addie? Asaan na iyon? Ay grabe iniwanan talaga ako ." Rinig kong saad ni Maddie at ang papalayo niyang yapak paalis.

Sisigaw na sana ako nang mahigpit na tinakpan ng lalaking nanghila saakin ang bibig ko. Masama ko siyang tinignan at pilit tinatanggal ang kamay niya, nakakalmot ko na siya pero ni hindi man lang siya dumadaing sa sakit.

"Finally, nasolo rin kita Addison." Anito bago ako nginisian na nagpakilabot saakin at nagpakabog ng dibdib ko sa kaba.

"Hhhmmpp!" Lalo akong nagpumiglas sa hawak niya nang pasadaan niya ako ng tingin at nahintakutan sa nakitang emosyon sa mga mata nito.

"P*tangina, ang ganda mo talaga Addison." Anito na lalo kong kinatakot.
Binitawan nito ang bibig ko at sisigaw na sana nang maramdaman ko ang matulis na bagay sa tagiliran ko.
"Sige subukan mong sumigaw kundi babaon 'tong hawak ko sa katawan mo." Pananakot nito kaya mariin kong tinikom ang bibig ko, marahas niyang hinawakan ang dalawang kamay ko at nilagay sa itaas ng ulo ko.

Nagsisimula nang mangilid ang luha sa gilid ng mga mata ko lalo na nang paraanan niya ng kutsilyong hawak niya ang litaw kong mga hita. Bryce!

"T*ngina nakakaul*l ka babae hahaha" anito at parang nasisiraan ng ulong humalakhak bago niya dinilaan ang ibabang labi niya.

"Sino ka ba? Anong kailangan mo saakin?" Mahina kong saad at pilit nilalayo ang katawan sakanya kahit wala naman na akong ikakaatras. Bryce help me!

Paints & Guns [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon