Chapter 21

1K 17 0
                                    

Enjoy reading~<3

Addison

Is that what they called make out? Did Bryce and I just had a make out session? Gooshh nag-init ang mukha ko dahil sa nangyari.

Grabe ngayon ka lang nakaramdam ng hiya!!!! Singhal ko sa sarili

First time eh, katwiran ko.

Buti na lang umalis si Bryce saglit at nagpaalam na magpapalit at maghahanap ng short na kakasya saakin. Binilinan niya rin akong kumain na.

And I know why he needed to change, ang harot niyo kasi eh. Lalong nag-init ang mukha ko nang maramdaman ang pagkabasa ng panty ko, that's my first orgasm and can't help but to think that it happened while we're both fully clothed.

Binalingan ko na ang tray na puno ng pagkain na nakapatong sa side table. Nilibot ko ang tingin sa paligid at naghahanap ng mesa dahil mahihirapan akong kumain pag nasa kama at hindi ko rin mapapatong sa hita ko ang pinggan kung sakali.

Ngayon ko lang din napansin ang itsura ng kwarto. Black, gray at white ang theme ng kwarto and I already know that it's a man's room especially that intoxicating smell that I always smells from Bryce.

"This is his room." Sambit ko lalo na nakita ko ang car key niya na nasa mesang nasa harap ng malaking bintana. Pero bakit lumabas pa si Bryce kung kwarto na niya 'to? Takang sambit sa isip. Nagkibit balikat na lang ako.

Bumaba na ako ng kama at binuhat ang tray bago dahan-dahan naglakad palapit sa mesa. Wala naman papel na maaaring madumihan doon kaya pinatong ko na roon ang tray nang makalapit ako at naupo sa swivel chair na naroon.

Magsisimula na sana akong kumain nang sumakit ang sugat ko kaya tinignan ko ito at nakitang may bakas na naman ng dugo ang gasa.

Hindi naman ganoon kalalim ang sugat pero bakit grabe magdugo, baka dahil sa ginawa namin ni Bryce kaya ganoon, sambit sa isip.

May sugat ka na kasi nagharutan pa kayo kaya iyan kailangan na naman tuloy palitan ang gasa mamaya.

Naalala ko ang dahilan kung bakit ako may sugat at hindi maiwasan matakot, ngayon lang nangyari iyon kaya natatakot ako baka balikan niya ako pag mag-isa ulit ako.
Bumabalik din sa isipan ko ang paghalik ng lalaki sa leeg ko pero agad din napapalitan ng ibang imahe at si Bryce ang nakikita kong humahalik saakin.

Pinilig ko ang ulo ko nang biglang pumintig ang pagkababae ko. May masama na ngang nangyari saakin kanina pero etong katawan ko iba ang nararamdaman.

"Maharot ka Addie" mahinang sambit ko bago humugot ng malalim na hininga.
"Maghunos-dili ka babaita ka!!" Singhal ko sa sarili at ginulo ang buhok sa pagkafrustrate nang maalala ang ginawa namin ni Bryce kanina.

At dahil para akong baliw dito ay hindi ko napansin ang nakasandal sa hamba ng pintuan na naaaliw akong pinapanuod.

"Makukurot ka sa singit pag nalaman ni ate ang ginawa mo." Kausap ko sa sarili
"Gusto mo rin naman eh"
"Sinabi ko bang hindi?!"
Baliw ka na Addie, sambit sa isip.

Kung wala pa akong narinig na tawa ay hindi ako titigil sa ginagawa kong pakikipag-usap sa sarili.

"B-bryce, kanina ka pa dyan?" Nahihiya kong saad  at umayos ng upo.
Pasimple ko siyang pinasadaan ng tingin at nakitang bagong ligo siya at bago na rin ang suot na damit.

"Yeah, enough to see you talking to yourself." Nakangising sambit nito bago naglakad palapit saakin.
"Why you haven't eaten yet?" Salubong ang kilay na sambit nito at nakatingin sa pagkain na wala pang bawas.

"Ahh hehe kauupo ko lang dito eh. Ayoko sa kama bago madumihan ko." Tugon ko
Sa sobrang dahan-dahan kong maglakad kanina eh nagawang makaligo ni Bryce agad. O sadyang mabilis lang siyang maligo.

Paints & Guns [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon