Chapter 11

1K 28 0
                                    

Enjoy reading~<3

Addison

"I fcking want to punish you right now." Mariin niyang sambit na nagpaawang sa bibig ko, nabibingi na rin ako sa bilis ng tibok ng puso ko.

He clenched his jaw before pressing his lips together tightly.

Pilit kong nilunok ang bara sa lalamunan bago umiwas ng tingin sakanya. Are you scared of him Addie?! No, hindi sa takot ako sakanya, sadyang hindi lang ako sanay sa mga ganitong kinikilos ng isang lalaki. Nasanay akong mahinahon makisama ang mga lalaking nasa paligid ko at ngayon lang may naging ganito saakin. But it didn't lessen my feelings for him, baliw na ata talaga ako e, sambit sa isip.

Nakagat ko ang ibabang labi sa napagtantong nababaliw na ako sakanya, siguradong ganoon din ang sasabihin ng kung sinuman ang makakakita sa loob ng art room ko na napupuno na ng mukha niya sa kakapinta ko sakanya.

Mamaya tumawag pa si mr Jayce at wala akong mapasang painting pag magpapaexhibit sila ulit sa art gallery nila. Isa siya sa nakakakilala saakin sa art world na hindi bilang si 'anonymous painter girl' kundi bilang ako mismo.

Bakit kasi mukha halos ni Bryce ang pinepaint mo Addie? Tanong ng isang bahagi ng utak ko. Eh sa gusto ko e, tugon naman ng kabilang bahagi.

"Get in." Nabalik ako sa kasalukuyan nang magsalita si Bryce. Kung saan-saan na napunta ang isip mo Addie, sita sa sarili.

Naglakad ako papunta sa kabilang side ng kotse niya nang hindi siya tinitignan.
Sa passenger seat ulit ako umupo, hindi naman siya nagreklamo nang makita akong umupo dito. Nasa labas pa rin siya na ikinataka ko.

Nilalagay ko sa backseat ang bag ko habang nasa kanya ang tingin na ngayon ay nagsindi na naman ng panibagong stick ng sigarilyo. Kumunot ang noo ko dahil lagi na lang siyang naninigarilyo. Wala naman akong karapatan sitahin siya sa ginagawa niya dahil baka ikagalit niya pa iyon pag nangelam ako sa buhay niya.

Inalis ko na lang ang tingin sakanya at nilibot na lang ang tingin sa loob ng sasakyan niya. Ang ganda talaga ng combination ng black and gold, mas dominant ang black kaya malalaman mong lalaki ang may-ari lalo na amoy na amoy ang pabango ni Bryce sa loob. Malinis din at wala kang makikitang kakaiba sa loob.

Napatingin ako sa glove box na nasa harapan ko. Pinilig ko ang ulo ko nang may nagsasabing buksan ko iyon.
Huwag kang mangelam ng gamit ng iba Addie masama iyon, saway ko sa sarili.
Pinirmi ko ang mga kamay sa hita ko at iniwas ang tingin sa glove box niya.

Bumaba ang tingin ko nang umilaw ang selpon na nakalagay sa cup holder. Sinilip ko at nakitang may text message na dumating.

Number lang at nakalitaw ang unang bahagi ng text niya.

09********
Babe, let's talk please......

Kumunot ang noo ko sa nabasa, babe? May girlfriend siya ulit? Tanong sa sarili.
Pero kakahiwalay pa lang nila nung kasama niya sa bar 'di ba? Hindi kaya siya rin eto?

Umilaw ulit ang phone niya at may bagong text na naman at hindi na number lang ang nakalagay.

CFBB1:
Done with your task?

CFBB1? Ano iyon?

Nakatingin pa rin ako sa phone kaya hindi ko napansin na nakayukod na pala sa bintana si Bryce at pinagmamasdan ako sa ginagawa kong pagsilip sa phone niya.

Napakislot ako nang tumikhim siya na ikinainit ng mukha ko dahil nakita niya akong nakatingin sa phone niya. Tumingin na lang ako sa labas ng bintana lalo na pumasok na siya sa loob.

Paints & Guns [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon