Chapter 35

793 12 0
                                    

Happy reading!

Addison

"Are you okay Addison?" Napakislot ako nang magsalita bigla si ate Bronze. We're on our way home, nahatid na namin sina Maddie sa mga bahay nila.

I've been quiet through out all the ride to their houses. I'm just glad they didn't ask me about it especially Alex.

Ramdam ko pa rin ang takot dahil sa nagtext saakin. Lalo na iyong picture na sinend niya na tumatak sa utak ko, I don't want to believe that picture but what if it is true? What if Bryce was just busy with someone else? Na hindi totoong busy siya sa agency nila?

Wala akong karapatan pagdudahan siya dahil una sa lahat walang kami 'di ba?! Pwede niyang gawin kung ano mang gusto niya, pero bakit hindi ko matanggap iyon?!!

Masakit eh! The guy that I love is with someone else, those kisses we shared are nothing for him dahil kung may halaga man ang mga iyon hindi siya makikipaghalikan sa iba, 'di ba?!

Nangilid ang luha sa gilid ng mga mata ko't nag-iwas ng tingin kay ate Bronze.

Wala akong pakealam kung sabihin niyo mang ang oa ako dahil wala naman kami pero nagrereact ako nang ganito, eh sa masakit nga dahil mahal ko na siya e!!

Masakit makitang may ibang kasama ang taong mahal mo, kailan ko ba siya huling nakitang nakipaghalikan? Ah! Yung pumunta kami ni Maddie sa bar para sunduin si kuya Maldren, gusto ko pa lang siya no'n pero grabe na yung bigat sa dibdib ko nang makita siyang may kahalikang iba.

Bryce! Why?! Bakit ginawa mo iyon?! May hinanakit kong usal sa isip.

"Addison?.....what's bothering you, hmm?" Ate Bronze quietly asked.

I nibbled my lower lip before wiping the lone tear rolled down my cheek. Nakita kong malapit na kami sa bahay kaya't hinarap ko na si ate Bronze na pasulyap-sulyap sa gawi ko habang nagmamaneho nang marahan.

"What's Bryce really doing these past few days ate? Please be honest to me ate Bronze." Nakuha ko nang buo ang atensyon niya kaya hininto niya saglit sa gilid ang sasakyan at hinarap ako nang maayos.

"'Di ba sinabi ko nang busy si Boss sa agency? Ando'n lang iyon magdamag Addison." She said with furrowed eyebrows. What if she's lying to me para pagtakpan si Bryce? Syempre susundin niya ang boss niya na huwag sabihin saakin kung anong ginagawa niya talaga.
"I'm not lying if that's what you're thinking Addison." Mataman siyang tumitig saakin at parang may napagtanto sa kinikilos ko.
"Did something happened when I'm gone to get the car?" She exclaimed

Humawak siya sa magkabilang braso ko, at marahan akong inalog. I shivered when I remember the unknown number. Isa pa iyon sa bumabagabag saakin.

"Is it true?" Bulong ko at binalewala ang tinanong niya.

"Yes Addison! Do you want me to call him now?" Anito at kinuha ang phone niya na nasa gitna namin.
"Why are you asking that again by the way?" Nagtitipa na siya sa phone niya nang bumulong ako.

"Someone sent his picture ate" I mumbled and I'm sure she heard it because she stopped moving.

"What picture?" Takang turan nito habang salubong ang kilay saakin.

"Bryce and... and" hindi ko matuloy ang sinasabi dahil hindi tanggap ng puso kong may kasama siyang iba.

"Who sent it?" Mabilis na sambit niya
"Mierda!! Can I see your phone Addison?"
Kinuha ko naman ang phone ko at iaabot na sana sakanya pero nagsalita siya.
"No no mamaya na lang pala pag nasa loob na tayo ng bahay niyo." Anito bago pinaandar ang sasakyan hanggang sa makarating kami sa gate na agad bumukas pagkakita saamin.

Paints & Guns [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon