Chapter 49

850 17 3
                                    

Happy reading~

Addison

"Addison"
"Addison"

Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at malabo ang matang nilibot ang tingin sa paligid, nasa loob kami ng isang kwarto na walang ni isang bintana man lang.
"Addie"
Bumaling ako sa gilid ko at nakita si Alex na ilang hakbang ang layo saakin, nakatali siya katulad ko sa isang bakal dito sa kwarto.
"Hey, relax Addie" anito nang mapansin ang panic sa mga mata ko.


Ilang beses akong bumuga ng hininga at pinilit kalmahin ang sarili.


"W-where's Maddie?" Kinakabahan kong sambit nang hindi makita si Maddie sa loob ng kwartong kinaroroonan namin. Si Fred ay nasa tabi ni Alex na nakatali rin, wala pa rin siyang malay.


Dumaan ang takot sa mga mata ni Alex na lalo kong kinakaba, did they took Maddie?!


"I-I don't know, nagising akong wala na siya." Tugon nito bago nanginginig na bumuntong hininga.
"Hindi ko alam kung saan nila dinala si Maddie." dagdag nito.


"Oh goshh" bulong ko at naiiyak na lang ulit, saan nila dinala si Maddie?!!
Sabay kami bumaling kay Fred nang dumaing ito.


"Fred, uy gising tangïna pre." Sabi ni Alex
"Wala si Maddie pre"
Mabilis naman lumingon si Fred saamin at halata sa mukha nito ang pangamba bago linibot ang tingin sa paligid.


"Putangïna! Ang sakit ng ulo ko!" Daing nito at mariin na pumikit.


"Kailangan natin makaalis dito Fred at hanapin si Maddie, baka ano nang ginawa nila sakanya" sabi ni Alex at nagpalinga-linga sa paligid na ginaya ko naman, naghahanap nang maaaring gamitin pagputol ng tali.

"Tangïna!" Mura ni Alex nang wala kaming makita ni isang gamit dito sa kinaroroonan namin.


Bumaling ako sakanya nang marinig siyang dumaing iyon pala ay sinusubukan tanggalin ang tali sa likod.


"A-alex stop! your hands is starting to bleed!" Naiiyak kong pigil sakanya habang nakatingin sa mga kamay nitong nagsisimula nang dumugo.


"Aaaarrgghhh!!" Sigaw ni Alex sa sakit at hinihingal na huminto sa ginagawa. Nagsisimula na rin siyang pagpawisan dahil sa sugat niya.
Masyadong mahigpit ang pagkakatali at kada susubukan niyang hilain ay lalong hihigpit at sinusugatan ang balat niya.


"P-paano na?" Tanong ko kay Alex na napalingon saakin, nasa mga mata nito ang pag-aalala at takot para saamin.
"A-alex, I'm sorry dahil saakin nadamay pa kayo." Sabi ko at humagulgol ng iyak.


"N-no, don't say that Addie, I promised kuya Axel to protect you but I think I failed him. Shït!" Anito bago dumaing.


"H-huwag kang malikot Alex ang sugat mo!" Suway ko nang sinubukan nitong humarap saakin pero nasaktan lang ito dahil nagasgas ang balat niya sa tali.


"Shh, someone's coming" ani Fred kaya nanahimik kaming dalawa ni Alex at narinig nga ang mga yabag na papalapit.
Napaigtad pa ako nang marahas nilang buksan ang pinto na humampas pa sa pader kaya lumikha ito nang malakas na kalabog.


"Oh!! Gising na sila finally hahaha!" Siya iyong lalaking lumapit saakin kanina. Nabaling sa likod nito ang tingin ko, may akay-akay ang mga kasama nito at napasigaw nang makita ang walang malay na si Maddie.


"Maddie!!!"


"Anong ginawa niyo sa girlfriend ko?!!!" Fred.

"Tangïna niyo anong ginawa niyo?!!!" Alex.


Paints & Guns [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon