Chapter 44

783 16 0
                                    

Happy reading~

Addison


Naalimpungatan ako nang makaramdam ng tawag ng kalikasan kaya kahit bagong gising lang ay dali-dali akong tumayo pero umupo rin kaagad nang makaramdam ng pagkahilo, mariin kong pinikit ang mga mata bago binuksan at mabilis na naglakad papuntang banyo.


Ilang minuto ang tinagal ko sa loob ng banyo bago lumabas na maginhawa ang tyan, ano bang kinain ko't sumakit ang tyan ko? Sambit sa isip habang naglalakad palapit sa kama at hinihimas ang tyan.


Pabagsak akong naupo sa kama ko at tamad na tinignan ang wall clock nang manlaki bigla ang mga mata ko sa gulat.


"6pm na?!!" Bulalas ko at nagpapanik na nagsimula gumayak, kaya pala masakit ang ulo ko dahil nasobrahan sa tulog. Bakit hindi naman nila ako ginising? Ungot ko sa isip.


Ginising ka ng ate mo pero wapakels ka Addie, singit ng utak ko na kinairap ko. Oo nga pala haha, sarcastic kong sabi.


"Pero wala man lang gumising saakin ulit?" Bulong ko habang nagmamadaling maligo. Wisik-wisik lang ata ang ginawa ko sa sobrang bilis kong maligo. Mabilis ang kilos ko pagkalabas ng banyo kaya muntik na akong madulas kong hindi lang ako napakapit sa hamba ng pintuan.

"Woah! Muntik na! Kundi magkakaharap ang mukha mo at ang sahig Addison!" Bulalas ko bago naglakad nang dahan-dahan na lang pero mabilis ang kilos pagkaharap sa vanity mirror ko.


Pinapatuyo ko ang buhok ko habang nag-iisip kung anong susuotin ko. Dapat presentable dahil may picture taking na namang magaganap katulad nung pasko.


Pagkatapos magpatuyo ay mabilis akong lumapit sa walking closet ko at hinanap ang damit na naisipan kong suotin. Isang sky blue shirt dress na umabot lang sa itaas ng tuhod ko, I paired it with just a white flat sandals na hindi ko pa nagagamit. Bumalik ulit ako sa harapan ng vanity mirror at mabilisang ayos lang ang ginawa ko. Minessy bun ko lang ang mahabang buhok ko at sinadyang maglaglag ng takas na buhok sa magkabilang gilid ng mukha ko.
Polbo at lip and cheek tint lang ang nilagay ko at kinurl lang ang mga pilikmata, ready na ako kaya kinuha ko na ang phone ko at lumabas ng kwarto.


Pababa ako ng hagdan ng makarinig ng tawanan mula sa dining area namin. Kumunot ang noo ko dahil sa taka, pumunta na ba mga kamag-anak namin? Sambit sa isip.
May narinig pa ako hagikhik ng bata, may pamangkin na ba ako sa mga pinsan ko nang hindi ko alam? Sambit na naman sa isip.


Nagkibit balikat na lang ako at nagpatuloy maglakad papuntang dining area.
Nakatutok sa selpon ko ang tingin ko habang dahan-dahan naglalakad, nagtext kasi si Maddie at hindi raw nagparamdam si Fred sakanya ng buong araw. I just texted her baka busy lang si Fred kaya hindi siya tinext, hindi naman siya lolokohin ni Fred kasi ever since maging sila hindi na mapaghiwalay yung dalawa sa isa't-isa e.


Sinabi ko rin sakanya na baka busy itong tumulong sakanila kaya hindi siya tinetext ngayong araw.


Nasa bungad na ako papasok ng dining area ng iangat ko ang tingin at napasinghap ng mahina sa nakita.


"Oh gosh" nasambit ko na lang pagpasok ko ng dining area.
Ate Allison!!!!!! Pasigaw kong sambit sa isip.





Mahina kong hinampas sa braso si ate Allison na katabi ko nang makaupo na ako sa mahabang lamesa. Ramdam ko pa rin ang init sa mukha dahil nahiya ako sa reaction ko kanina, nanlaki kasi ang mga mata ko habang nakatingin sakanila no'ng  pumasok ako kanina.


"Ate naman e" pabulong kong ungot sabay pasekreto siyang hinampas ulit na kinasinghap nito nang mahina.


"Kasalanan mo iyan, ginigising kita kanina pero wapakels ka kaya hindi ko na sinabi." Bulong nito saakin sabay hampas ng hita ko na kinalukot ng mukha ko dahil sa sakit.


Paints & Guns [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon